Inilagay na ng lalaki ang buong lakas nito sa pag atake sa nanghihina nang batang babae.

Maya maya pa ay wala ng tili ang maririning mula sa bata. Pagapang na kinuha ng lalaki ang kamay ng robot tsaka nanghihinang umalis sa lugar.

Lahat ng yun ay nakikita ni Recka sa kanyang dalawang mata ngunit wala itong ginawa upang mapigilan ang kamatayan ng batang babae.

Inilipat ng dalaga ang paningin nito sa paligid, hindi nalalayo ang nangyayari sa dalawang taong nakita nito kanikanina lamang sa kalagayan ng buong paligid. Nagpapatayan na ang lahat para makakain at makakuha lamang ng sapat na gamit upang magka pera.

Walang emosyong tumalikod lamang si Recka habang nagaganap ang nakakagulat na aksyon ng mga tao sa isa't isa.

Kung titingnan ay parang matatangay na nang isang may kalakasang hangin ang mga tao rito ngunit ng maamoy ang pagkain ay tila nagkaroon ang mga ito ng lakas upang makipag sapalaran sa kakaunting pagkain na ibinigay sa kanila, na nagresulta upang magpatayan ang karamihan sa buong lugar.

Marahang inilagay ni Recka ang hood nito sa kanyang ulo at dahan dahang isinuot ang kulay puting maskara.

The world can change and be fucked as it pleases pero ang ugali ng mga tao, tch... Matira matibay na lang talaga para sa hindi pantay na mundo.





"Thank you for shopping. Please come again." Di na pinansin ni Sean ang AI, agad na tumalikod dito ang binata at hinarap si Kent.

"Akin na."

Matamis nitong inabot kay Kent ang isang marangyang kulay puting box na may mga glitters pang nakadisenyo.

Naglalaman ito ng makabagong modelo ng cellphone na gawa mula sa isang sikat na kumpanya na Exousía.

Agad na napataas ang kilay ni Kent ng kunin nito mula sa mga kamay ni Sean ang puting kahon.

"Ibigay mo." Seryoso nitong tiningnan ang malapad na ngisi sa mga labi ni Sean.

"Huh? Binibigay ko naman ahh, hawak mo na nga di ba?"

Pilit na kinuha ulit ito ni Kent mula sa mga kamay ni Sean ngunit mas hinigpitan lamang ng binata ang hawak sa kahon.

Mabilis na sinipa ni Kent ang kaharap ngunit agad na nasalag ito ni Sean gamit ang kanyang kanang braso.

Mahigpit na nakahawak sa makinang na kahon ang dalawa at walang sino man ang gustong bumitaw.

"Utang mo, bayaran mo."

"Isang taong pera ko ang pinambili ko rito."

"Kung di ka pa naman tanga, edi sana wala kang pinoproblemang bayarin ngayon!"

Mabilis na tinuhod ni Kent ang sikmura ng kaharap ngunit agad na lumayo rito si Sean.

Akmang kukunin na sana ng tuluyan ni Kent ang kahon pero mabilis na dumapa sa sahig si Sean at buong lakas na sinipa ang ibabang parte ng paa ni Kent.

Fucking bastard!

Agad na tumalon sa ere si Kent bago pa man tuluyang dumampi ang paa ni Sean sa kanya dahilan upang mabitawan nito ang pagkakahawak sa puting kahon.

Napangiti naman nang malaki si Sean ng makita ang pagbitaw ng binata sa hawak nito.

Nice, lucky!

Mabilis na inilagay ni Sean ang lakas nito sa kanyang mga kamay upang maging suporta sa kanyang buong katawan bago malakas na inikot sa ere ang kanyang sarili.

Nang maramdaman nito ang pagdampi ng kahon sa kanyang mga paa ay  malakas nito itong sinipa papalayo dahilan upang mapalaki ang mga mata ni Kent.

"Hoy mahal yan! Animal, bobo ka ba? Yung cellphone!"

Agad na napatigil si Sean, nanlalaking mga matang tiningnan ng binata ang isang puting bagay na lumilipad sa ere.

Shit, ang pera ko!

Dahil sa lakas ng sipa rito ni Sean ay mabilis na bumubulusok ang kahon papunta sa isang nakatayong babae.

"Ma'am ilag!"

Nagtatakang lumingon sa kanila ang may katandaan nang babae.

Gulat na nakatulalang tiningnan lamang nito ang papalapit na kahon sa kanya. Ni hindi na nga nito maigalaw ang katawan.

Help me.

Rinig na rinig nito ang malakas na tunog na nagagawa ng papalapit na kahon sa hangin, para namang nawalan ng kaluluwa ang babae dahil ramdam na ramdam nito ang galit sa likod ng malakas na pag tilapon ng bagay papunta sa kanya.

"Gotcha!" Kabadong usal ni Sean habang hawak ang buong kahon.

Isang daliri na lamang ang layo ng bumulusok na bagay sa pagmumukha ng kawawang babae.

Nanghihinang bumagsak na lamang ito sa sahig.

"Okay lang po kayo ma'am? P-pasensya na po."

Agad na tinulungan itong tumayo ni Kent at inayos ang buhok nito na nasira dahil sa lakas ng shockwave na idinulot ng pagpigil ni Sean sa bumubulusok na kahon.

"A-ah... di... w-what?"

Nanlalaking mga matang kinuha ni Kent ang kwelyo ni Sean, mabilis na tumalikod ang dalawa at muling tiningnan ang babae.

"Ang galing mo bobo, anong ginawa mo?!" Inis na bulong dito ni Kent.

"Hindi 'to pwedeng malaman ng iba!"

"Too late, I have the evidence."

Gulat na napalingon ang dalawa sa babaeng nakatayo sa kanilang harapan.

May bitbit itong iba't ibang uri ng shopping bags na may tatak ng ilang mamahaling mga brand na makikita sa loob ng shopping district.

Nagtatakang nagtinginan sina Sean at Kent sa isa't isa bago muling ibinalikan ang tingin sa dalaga, mula ulo hanggang paa.

Suot-suot nito ang isang napakalaking wide brim laced hat. May ilang pulang bids pa na nakasabit sa sumbrero nito.

Nakasuot din ang dalaga ng isang kulay itim na choker kung saan may iilang gintong pattern na nakakurba mula rito.

Ang pinaka nakakaagaw pansin sa lahat ay ang kulay pulang damit nito. Hapit na hapit sa katawan ng dalaga ang maiksing damit na suot. Bukas din ang buong likuran ng dalaga dahilan upang makita ang napaka kinis na likuran nito.

Naka suot ito ng itim na laced gloves habang may ilang gintong singsing sa daliri. May malalaki at makikinang na mga bato ang bawat singsing na suot ng dalaga.

Agad na tiningnan ng dalawang binata ang gintong gladiator heels na suot nito, napakataas at napaka talim nang takong nito, agaw pansin din ang ilang itim na diyamante na nakakabit sa mahabang takong nito.

Nanlaki ang mga mata ng dalawang binata nang mapagtanto ng mga ito na gawa sa totoong ginto at diyamante ang ginamit na materiales sa paggawa ng sapatos.

"Eyes here idiots." Agad na napatingin ang dalawa sa isang gintong cellphone na hawak hawak nang nakatayong dalaga.

Nakatutok ito sa kanilang dalawa na tila pilit na sinasaksak sa kanilang kokote kung gaano sila kababa kumpara sa taong kaharap.

Inis na tumayo ng maayos ang dalawa at seryosong tiningnan ang dalaga.

"So do you have any excuses? Pwede niyong sabihin sa camera."

Nakangiting wika rito ng babaeng nakasuot ng magarbong kasuotan.

Napatiim bagang na lamang si Sean at inis na hinarap ang dalaga.

"Fuck off Lucy."

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon