Bigla namang napatigil ang dalaga nang may kumalabit sa manggas ng damit nito.

"Miss, baka meron kang tira?"

Matalim na tiningnan ito ni Recka dahilan upang takot na mapaatras mula sa kanya ang nakakaawang pulubi.

Pagod na napapikit na lamang ang dalaga at napailing nang makita ang katawan ng isang lalaking napapalubutan na ng mga insekto habang walang buhay na nakaupo sa daan.

Kung titingnan ay parang nasa sampung taong gulang pa lamang ang lalaki kung ang tanging pagbabasehan lamang ay ang hubog ng katawan nito at hindi na papansinin ang kulay puting buhok at kulubot nitong mga balat.

Napakapayat nito na halos kita na ang hulma ng buto sa katawan, nangingitim na rin ang ilalim nang mga mata nito at biyak-biyak na ang mga labi.

Umaalingasaw ang masangsang na amoy sa paligid na tipong masusuka ang sino mang baguhang dadayo sa lugar.

Marahang kinuha ni Recka ang telepono nito at may tinawagan, maya maya pa ay may nagsidatingan na labing-apat na Helper bots, lahat ng mga ito ay may bitbit na tig-aapat na sako.

Di pa man tuluyang nakakalapit ang mga Helper bots kay Recka ay dinumog na ang mga ito nang mga tao sa paligid.

Nanlalaki ang mata ng isang kawawang bata at disperadong pumunta sa dinudumog na mga Helper Bots.

Mistulang mga hayop kung kumilos ang mga taga rito, walang pagdadalawang isip na kinuha at paulit ulit na nag aagawan ang mga tao sa isa't isa hanggang sa ang mismong mga helper bots ay tuluyan na ngang nasira.

Pati ang mga nasirang parte ng mga robot ay pinag-aagawan pa sa pag-asang may halaga pa ang mga ito oras na maibenta ang iilang mga parte ng robot sa mga mangangalakal.

Tahimik na inobserbahan ni Recka ang paligid, lalong lalo na ang lalaking nanghingi sa kanya ng pagkain kani-kanina lang.

Ang maliit na katawan nito ay patuloy na nakipag gitgitan sa mga kasamahan. May kagat-kagat itong isang tinapay, agad na ipinasok ng lalaki sa  loob ng pantalon ang mga pagkaing kaya nitong mabitbit.

Nang makita ng lalaki na wala nang natira sa mga pagkain, malakas na kinagat nito ang tinapay sa kanyang bibig at buong lakas na sinira ang kamay ng robot,

Malakas itong tumawa ng makitang medyo maayos ang parteng nakuha nito dahilan upang maagaw nito ang pansin ng isang batang babae na nakikipag sapalaran din sa pagkuha ng mga gamit.

Malakas na tinulak ito ng batang babae at pilit na kinuha sa kanya ang hawak na parte ng robot, ngunit buong lakas na hinila ito pabalik ng lalaki.

Magkasing laki lang ang mga ito kahit pa malaki ang agwat ng kanilang edad sa isa't isa.

Dahil na rin sa mas bata ang batang babae ay mas malakas ang pwersang naipapalabas nito kumpara sa kawawang lalaki.

Isang malakas na suntok ang ginawa ng bata sa sikmura ng lalaki dahilan upang tuluyan nitong makuha ang sirang kamay ng robot matapos ang ilang ulit na pakikipag sapalara sa isa't isa.

Parehong pagod at gutom ang dalawa, nanghihina man ngunit nagmamadaling tumalikod dito ang babae.

Nanggagalaiti itong tiningnan ng kawawang lalaki, dumudugo na rin ang bibig nito sa sobrang pagkagat nito sa kanyang mga labi.

"Akin yan!"

Malakas na sumigaw ang lalaki at mabilis na kinuha ang bato na nasa bulsa nito bago tumakbo papunta sa batang babae at dinaganan ito.

Malakas na napasigaw na lamang ang bata at nagtititili ngunit hindi ito pinakinggan ng lalaki, sa halip ay para itong baliw na pinupugpog ng bato ang ulo ng babae.

I AM NUMBER 10: BOOK IWhere stories live. Discover now