Pagkarating nya sa bahay nila Darex ay agad itong nagdoorbell at sakto namang si Darex ang lumabas. Ngumiti si Darex nang makita si Yanna at agad na pinagbuksan ito ng gate,

"Hey. Napadalaw ka?" bungad ni Darex dito, "Naiwan mo kasi yung phone mo kahapon." Sabi ni Yanna at tinaas yung phone nya. Napasapo naman ng palad sa noo si Darex, "Sht. Akala ko naman nalaglag. Thanks by the way." Sabi ni Darex dito nang makuha nya na yung phone nya. "Pasok ka muna." Aya ni Darex sa kanya pero agad din namang umiling si Yanna. "Hindi na. May pupuntahan pa ko e." agad namang tumango si Darex at ngumiti ng tipid. Nagpaalam na rin si Yanna dito at tumalikod na pero agad syang pinigilan ni Darex at hinawakan sa kamay,

"uh bakit?" nagtatakang tanong nya pero ngumiti lang ulit ng tipid si Darex. "W-wala. Sige." Napashrug na lang sa balikat si Yanna at umalis na. Napabuntong hininga na lang si Darex habang tanaw ang dalaga na naglalakad.

Habang naglalakad si Yanna sa subdivision kung saan malapit na rin sya kila Rein ay natanaw nya si Jace na kakarating lang din at kabababa ng kotse. Tatawagin nya sana to nang makita nyang lumabas din ng kotse si Cass. Napakagat na lang sa ibabang labi si Yanna habang papasok ang mga ito sa loob ng bahay nila Rein, nagtatawanan pa. Napabuntong hininga na lang si Yanna at naupo muna sa sidewalk. Ang totoo nyan ay ngayon lang ulit nagpakita si Cass at hindi pa rin talaga napapalagay ang loob nya kay Cass. Sa loob din ng pagsasama nila ni Jace ay walang nabanggit si Jace tungkol kay Cass.

Nagpalipas muna ng sampung minuto si Yanna bago pumasok sa bahay nila Rein. Halos lahat ay may kanya-kanya na ring pwesto sa salas nila Rein pero ang kumuha ng atensyon nya ay yung magkatabi na si Jace at Cass kung saan may tinitingnan sa cellphone.

"HOY!" Agad syang napatingin sa gilid nya nang may manggulat sa kanya. Napasimangot naman si Javi nang di man lang nagulat ang dalaga pero napansin nyang matamlay ito kaya sinulyapan nya saglit ang tinitingnan nito kanina. Napatsk na lang si Javi at hinila si Yanna sa kusina kung saan nandun ang iba.

"Uy Yanna!" bungad ni Rein dito, ngiti lang ang sinagot ni Yanna at tumabi kay Vanessa na busy kakakain ng sandwich.

"Yanna ko!" agad na kinabig ni Lash ang ulo ni Yanna kaya nahampas naman sya agad, "magtatapos na ang klase, naka-ko ka pa rin kay Yanna." Sambit ni Javi pero nginisian lang sya ni Lash,

"Rei—"

"tangna mo." Agad namang tumawa ng malakas si Lash at kumapit kay Yanna nang susuntukin na sya ni Javi. Alam na rin ni Lash dahil narinig nya minsan na nag-uusap si Yanna at Javi. "Magtigil nga kayo." Natatawang awat ni Yanna sa kanila pero nawala rin ang ngiti nya nang pumasok si Jace sa kusina,

"hoy nasan yun--- Layne nandito ka na pala." Mistulang nagulat pa si Jace nang makita si Yanna sa kusina. Ngumiti lang ng tipid si Yanna dito at kumain ng sandwich na nasa harap nya. Kumunot naman ang noo ni Jace nang mapansing parang iniwasan sya ni Yanna pero hindi na lang nya yun pinansin.

"Saturday night, available kayo?" sambit ni Jace na sakto namang nagpuntahan din yung iba sa kusina kaya lahat sila ay nakatipon sa kusina. "Bakit pre? Anong meron?" tanong ni Mac.

"It's a victory party for the success of Montez Company. May dad is inviting all of you, so ano?" sinulyapan ni Jace si Yanna pero tuluy-tuloy lang ito sa pagkain kaya napakunot na sya ng noo dahil feeling nya may mali na naman. Pero nawala rin ang atensyon nya kay Yanna nang magsalita si Rein,

"yea sure. Anong attire?" tanong nito at, "San ba, Jace?" dugtong ni Mac sa tanong ng pinsan nya.

"Game kami besides Dad mo ang nag-imbita, alangang tanggihan namin?"

His PropertyWhere stories live. Discover now