"nagcocontact lens ako. Ayoko kasing nakatitig silang lahat sakin 'pag may kausap ako nang dahil lang sa mata ko." Kaya pala Hindi na lang ulit ako nagsalita kaya nagtuloy na sya sa pagsasalita,

"Nung sembreak, nasa Quezon ako. Hindi ko alam na nandun ka, sinabi lang sakin ni Kuya Ian na nakita ka nya pero umalis ka rin kaagad. Gusto kitang puntahan nun at sabihin na yung totoo kaso sabi ko baka hindi pa to yung tamang oras hanggang nitong Christmas vacation, nagkagulatan na lang tayo."

*silence

"Hindi ko alam na sa ganung sitwasyon pa magkakaalaman. Yanna, natakot ako. Kung yung takot ko noon mas natriple nang makita kong umiiyak ka. Sinubukan ko kaso s-sobra ang galit mo. *sighed* H-hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko talaga alam kung pano kita kakausapin pero takot lang yung alam ko pero sinubukan pa rin kitang kausapin kaso umaayaw ka."

"Yanna, sorry kasi tinago ko sayo yung totoo pero k-kasi natatakot lang naman ako. Alam ko hindi sapat tong sorry ko pero p-pangako hinding hindi na ko uulit. Hindi na kita iiwan. Yanna, patawarin mo sana ko." Ramdam ko sa boses nya ang hirap. Nilingon ko sya at nakita kong nakatingin ito sakin habang nagtutubig ang mga mata nya.

Naalala ko nang kinausap ako ni Rein. Nasasaktan na raw si Javi, minsang magkausap sila ay umiyak daw ito. Nasasaktan sya parang nung nakaraan si Jace ang nasasaktan. Nakakasakit ba ko?

"Alam ko m-mahirap magpatawad pero sana p-patawarin mo ko kasi hindi ko na alam kung pano pa ko kikilos. Gagawin ko lahat basta mapatawad mo ko."

Napatingin ako sa kwintas na suot nya.

//FLASHBACK

"Tonton, wag mong iwawala yan ha? Kundi gagalit ako sayo." Sabi ng batang babae habang binibigay ang kwintas sa batang lalaki. Nakatingin lang ang batang lalaki sa kwintas,

"Oo no! Lagi ko pa to susuot para laging maaalala kita!"

//ENDS

Na hanggang ngayon nga ay lagi mong suot. Sa loob ng halos isang buwan humuhupa rin ang galit ko, sino ba ko para lahat ng galit sa katawan ko e paganahin ko diba? "Don't waste this chance, Javi." Sambit ko sa kanya at tiningnan sya. Nakita kong nagliwanag ang mukha nya at ngumiti para syang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Ganun din yung feeling ko, feeling ko ang saya-saya ko. Feeling ko ang gaan gaan ng mundong ginagalawan ko.

"Friends?" ngiting sambit ko sa kanya at inabot ang thumb finger ko. The way we used to do before. Thumb to thumb, b--- "Bestfriends" sambit nya kaya napangiti ako at naramdaman kong pumatak ang luhang kanina pa gusting kumawala sa mata ko. "—for eternity" dugtong ko dito at agad na pinahid yung mga luha sa pisngi ko. Nakita ko syang ngumiti at hinila ako para yakapin. Right now, I feel safe again. Nandito na yung protector ko nung bata ako. Bumalik sya. Hindi ko na napigilang di umiyak. Naramdaman ko na pinapatahan nya ko pero mas lalo lang din akong napaiyak pero agad ko ring pinilit na tumahan dahil nasa public place kami kaya humiwalay din agad ako at natawa na lang ako. Ayos na nga't lahat, umiiyak pa rin ako. Nginitian naman ako ni Javi at inakbayan. Pareho kaming nakatahimik at hinahayaan ang komportableng hangin sa pagitan namin. Hanggang nagkwento sya ng ilang bagay at mas lalong naging komportable ang pagitan namin hanggang manahimik ulit kami,

"M-may aaminin pala ko sayo." Napalingon ako sa kanya nang magsalita sya ulit. Kinunutan ko sya ng noo at nagtanong kung ano yun. Ano namang aaminin nya?

"Ang totoo nyan sht pano ko ba to sasabihin?" mas lalo akong naguluhan sa sinasabi nya pero maya-maya lang ay tumingin sya sakin at nagbuntong hininga, "Gusto kita--- ah hindi mahal na pala kita."

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon