Chapter Four: The Day I Meet Them

29 4 2
                                        

Nakakainis! Nakakasira ng mood yung PC namin! I hate you PC! :(

Ito na po ang update...

Malvin's POV

Pagkadating ko sa school hindi ko nakita ang kotse o si Ms. Rollheiser kaya pumunta nalang ako sa room baka nandon na siya. Pagkapasok ko sa room hinanap ko siya agad pero wala siya.

Malapit ng mag-eight bat wala parin siya? Ako itong nene-nerbyos sa kanya.

Bell Rang

Tatayo na sana ako ng bigla nalang siyang pumasok sa room.

"San ka ba nanggaling? Ngayon ka lang ba dumating?" Tanong ko sa kanya

"Wala ka ng pakialam don" sagot niya at umupo

Ano daw? Bat ko pa kasi siya tinanong.

"...nanggaling" sagot niya

"Ha?" Ang sagot ko

"Gusto mo sapakin kita para gumising ka na talaga? Ang aga-aga e nananaginip ka pa"

Yan kasi! Kung ano-ano ang pinag-iiisip mo.

Teka lang muna, bat parang galit na naman itong babaeng to?

Lunch Break

"San ka ulit nanggaling kaninang umaga?" Tanong ko ulit sa kanya

Tumingin siya sa akin "wag mo akong susundan kung ayaw mong sapakin talaga kita" tumayo at umalis ng room

Ano na naman ang nagawa ko?

Wala akong magawa kundi sundan siya, baka kung saan saan na naman pumunta itong babaeng to.

"Oh! Bat ka nandito? Gusto mo bang masapak?" Galit na lapit niya sa akin

"Ikaw kase! Hindi mo sinasabi kung san ka nanggaling tapos ngayon ayaw mong sabihin sakin kung saan ka pupunta" sagot ko

~sigh~ "kung sino pa ang ayaw mong makasama siya pa ang palaging sunod ng sunod"

Binuksan niya ang pinto ~swoooosh~ malakas na hangin!

Oo nga pala, nalaman namin na malinis pala ang rooftop dito sa school.

Wag mong sabihin na dito siya nanggaling?

"So nandito ka lang pala simula..." Napatigil ako dahil sa nakatulog na siya, para bang hindi siya nakatulog sa bahay nila pero dito nakatulog agad.

Pababayaan ko nalang muna siyang matulog.

Bell Rang

"Malvin! Malvin! M-A-L-V-I-N!" Kilala ko tong boses na to a

Pagdilat ko ng mata ko

"FYI, Mr. Villanueva nagbell na kaya. Matutulog ka lang ba diyan o..." dagdag na sabi niya

"Nagbell na? Anong next subject ba? Bat ngayon mo lang ako ginising?" sagot ko

"Ewan ko sayo kung ano ang next subject mo. Mauna na nga akong bumaba sayo"

"Teka! Ahhhh!"

Nakalimutan kong magkaiba pala ang subject namin after lunch. May arts ako tapos may PE naman siya. Dali dali akong pumunta sa room ng arts dahil malalate na ako.

Faye's P.O.V.

PE! PE! PE! Gustong-gusto ko ang PE! Sana araw-araw nalang may PE. First day naming magPE kaya basics muna ang mga exercises na gagawin. May mga magkakagropo at magkakakilala na kaya maingay na naman.

Tinawag ako ng teacher namin para sa demonstration ng mga basic exercises na gagawin namin ngayon. Walang kahirap-hirap naman ang mga pinapagawa niya sakin. Pagkatapos, pinabayaan na kami ng guro namin para magkaroon ng sariling gropo at gawin yung exercise.

"Hi miss" tanong sakin nung lalaki

"Pwede bang isali ka namin sa gropo namin?" Tanong naman nung kasama niya

"Hindi ako sumasali sa gropo" sabay layo ko sa kanila

"Alam mo, mas maganda yung may gropo kana para naman hindi kana inaasar ng ibang gropo" sabay lapit nung isa pa nilang kaibigan

"The more the happier" sabi nung isa pang lalaki sabay ngiti

"Ok lang akong mag-isa at kung gusto niyo ng isa pa, may marami naman diyan o" sabay tingin ko sa mga babaeng kanina pang nakatingin sa amin

"Ayaw mo talaga ng kagropo?" Tanong niya ulit sa akin

"AYOKO!" sagot ko

"Paano ba yan, mukhang may isang palaging aayain ng ibang gropo" sabay tingin nila sa ibang gropo na gustong magtanong sa akin

No other choice then!

Tiningnan ko sila, "ok sige"

"Ako pala si Devin, ito naman si Mervin, si Raven at si Ervin"

"Ako naman si Faye" balewalang sagot ko

Ginawa namin yung basic exercise, naglaro ng basketball since maaga naming natapos ang basic exercise na pinapagawa. Pagkatapos ng PE...

"Faye! Uuwi ka na ba?" Tanong ni Devin

"Malamang! Nakikita mo na ngang papunta na ng school gate" sagot ni Raven

"Wag nga kayong sunod ng sunod, nakaka-abala kayo" at nagmadali ako sa paglakad

"Masyado kang loner Faye, alam mo ba yon?" -Mervin

"So?!" Sagot ko

"Himala! Hindi siya late" sagot ni Mervin

"Faye, may isa pa kaming kaibigan ipapakilala ka namin ok?" -Devin sabay kindat

"Hindi ba talaga kayo nakakaintindi? Wala akong pakialam kung may isa pa kayong kaibigan" na aasar na sagot ko

"Wag kang ganyan Faye. We're friends, right?!" -Ervin

"No! We're not!" Sagot ko

"Choooong! Halika dali!"

"Faye si Malvin. Malvin si Faye" -Devin

"Ms. Lim?!" -Malvin "Mr. Villanueva?!" Ako

Kaya pala nakakaasar din tong mga to!

"Magkakilala kayo?" -Ervin

"Marami kaming same subject" -Malvin

"So?!" At pumunta na ako sa kotse

Malvin's POV

May masama akong nararamdaman.

"Chong! Siya pala yung binabantayanmo?" -Devin

"Halata ba?" Nakasimangot na sagot ko

"Nahawa ka na rin sa kanya no" dagdag ni Raven

"Bat niyo siya kasama?" Tanong ko

"Magkaklase kami sa P.E." -Ervin

Ito na nga ba ang sinasabi ko!

"Bat naman siya pa ang kasama niyo?" Bulong ko sa sarili

"Bat ba ayaw mo? Masungit nga siya pero..." -Devin

"Pero yan yung mga taong may maraming tinatago" dagdag ni Mervin

Kinuwento nila sa akin ang mga nangyari sa P.E. nila habang naglalakad kami papunta sa bahay.

"Chong! Alam mo, bagay kayo" sabi ni Devin habang kumakain kami.

~~~cough~ cough~ cough~~~

"Sa lahat talaga ng sasabihin mo, yan pa?!" Sagot ko

"Tama si Devin Malvin, diba ang type mong babae yung katulad niya" -Ervin

"Yung mahaba ang buhok, ba yon?" -Mervin

"Magsitahimik nga kayo, madali lang akong tatanda kung siya ang kasama ko" at inubos ko na ang pagkain, hinugasan ang pinggan at pumunta sa kwarto.

"Galit lang?!" -Raven

Ano ba naman ang pinag-iisip ng mga yun, siya? Bagay kami?

NVM!!!

Hindi daw sila bagay kasi naman tao sila, syempre! Diba mga repapipz?

Mr. RightWhere stories live. Discover now