Walang ganang tiningnan lamang ni Ara si Kent, mataray nitong inikot ang mga mata at umiling.

"Okay ka lang? Nakakaawa ka naman. Alam mo bang people used to shop personally, specially the ladies, inside the store. It is so fun and exciting trying the actual products in a store. The dresses, the perfumes, the lovely dolls, even those ugly things. Di mo masusuklian yun sa pag shopping sa pesteng hologram na yan sa online."

Natatawang itinaas na lamang ni Kent  ang dalawang kamay nito sa ere.

"Okay, chill dahil mukhang 'mag eenjoy' naman tayo sa pagbili ng mga bagay-bagay na pwede naman nating bilhin sa loob ng mansyon." Sarkastikong nginitian ito ng binata.

Habang abala sa pag uusap ang apat ay walang pagdadalawang isip na nilagpasan lang ni Recka ang mga ito.

Bigla na lamang napatigil ang dalaga ng may maalala itong bagay na kaylangan nitong bilhin.

Agad nitong inilabas ang kanyang telepono.

"Magpadala ka ng sasakyan papuntang lungsod." Napalingon naman ang lahat kay Recka.

Matamis na nginitian ito ni Kent at nilapitan.

"Sasama ka Recka? Pupunta rin kami sa lungsod."

Mahinang tumango lamang dito ang dalaga at marahang inilagay ang telepono nito sa kanyang bulsa.

"May bibilhin din ako."

Sinundan na lamang ng tingin ni Kent si Recka na ngayon ay dumiretso na papuntang kusina para uminom ng isang basong tubig. Wala na ang dalaga sa harapan nito ngunit nakatulala pa rin dito ang binata.

Marahang inakbayan ni Sean ang balikat ni Kent na ngayon ay nakatingin pa rin sa kawalan, dahan-dahan nitong inilapit ang kanyang bibig sa tenga ng nakatulalang binata.

"That was weird." Mahinang bulong dito ni Sean

"What weird?"

"Your face, it is weird."

Nagtatakang tiningnan ni Lucy sina Kent at Sean bago napailing.

"Nga pala, napansin niyo yung paniki kahapon?" Napalingon naman ang lahat kay Ara.

"Oo, unang beses sa loob ng ilang taon nang makakita ako ulit ng ganun."

"Kaya pala, naging bobo bigla, gustong lapitan ang paniki eh alam namang may rabies 'yon."

Inis na tiningnan lamang ni Lucy si Sean, dinilaan lamang ito ng binata.

"Diba napaka weird naman nun para sa isang paniki na makita sa lugar na gaya nito? Besides, sa gabi sila gising and mostly nasa kweba sila tuwing umaga, they're nectarians. So what're they doing there?"

Napatingin naman silang lahat kay Ara bago nakapag isip-isip sa bagay na yun.

"Oh well, baka naman trip lang nila. Isa pa, nagbabago na ang mundo sa mabilisang paraan, malay niyo sila rin. Change is the only constant in this world after all."

Napakibit balikat lamang si Sean.

"Wait no, actually may point si Ara." Napahawak naman sa baba nito si Kent at malalim na napaisip kung ano nga ba ang ginagawa ng paniki sa lugar na 'yon ng ganoong oras.

"Oh well, mag handa na nga lang tayo para pumunta sa bayan mamaya, ang pangit namang tingnan na naka training uniform pa tayo." Natatawang saad dito ni Sean at nagtungo na papuntang hagdan.

"Kakain muna ako." Agad na umalis naman si Lucy para pumunta sa kusina.

"Tingin ko nakita ko si Recka na kasama ang paniki na yun."

I AM NUMBER 10: BOOK IWhere stories live. Discover now