"May nakahandang pagkain para sa inyo sa kusina. Tulog na ang lahat ng Glosya na nakatira rito maliban sa akin kaya kung pupwede wag kayong maingay. May haharap sa inyong security robot pagkatapos niyong kumain. Bilang parusa niyong apat, gusto kong sundin niyo lahat ng mga training na naka program doon..."

Marahang kinuha ni Recka ang suot nitong jacket at sumbrero tsaka ibinigay sa paparating na helper bot.

"... Dadalhin kayo ng security bot sa training room para magsanay. Kakalimutan ko ang ano mang ginawa niyo ngayong araw, pero wag niyong sagarin ang pasensya ko." Seryosong saad dito ng dalaga bago tuluyang umakyat ng hagdan.

Nang mawala na sa paningin nila si Recka ay patakbong pumunta ang apat sa kusina upang kumain. Buong araw na nasa gubat ang mga ito ng walang laman ang tyan kaya di kataka takang wala na ang kaaya-ayang etiquette ng mga ito sa hapag-kainan.




"Catch," mahinang hinagis ni Recka ang isang patalim na gawa sa ginto papunta kay Ara na agad din namang nasalo ng dalaga.

"Ano 'to?" Galit na tiningnan nito si Recka.

Kasalukuyang nakaupo sa kama si Ara habang yakap ang isang stuffed animal.

"Compensation,"

" Alam mo bang napakarami ko nang koleksiyon ng mga gintong patalim. This is not enough, they tarnish my entire room with their fucking smell. I need their heads."

"I think that knife is enough, look carefully."

Napakunot noo naman si Ara bago tiningnang maigi ang gintong patalim kung saan may ilang mga mamahaling mga bato na naka disenyo rito.

"The Gem of Orient, one of the creations of Buster Warenski during the 1960s. Nagkataong nasa akin ang isang makasaysayang patalim na yan. I don't have any particular use of that, not until now, where it can save the lives of those four idiots."

Agad namang sumilay ang ngiti sa mga labi dalaga tsaka masayang hinarap si Recka.

"This is so marvelous!"

Tumango lang sa kanya si Recka bago tumalikod at naglakad patungong pinto.

Akmang bubuksan na sana nito ang pintuan para makalabas ngunit napatigil ito para harapin si Ara na masayang nakaupo sa kama habang iniinspeksyon ang bago nitong koleksyon.

"And can you please clean your room, napaka rumi."

Marahang inikot ni Recka ang kanyang paningin sa paligid kung saan halos sira na ang lahat ng mga gamit.

"Yeah, sure."

Nagkalat ang punit na kurtina at mga stuffed toys sa sahig, basag na rin ang malaking salamin nito at ang ilang vases kung saan nakalagay ang ilang mga bulaklak kanina.

Kung titingnan ay para kang pumasok sa isang abandonadong kwarto dahil sobrang kalat ng buong lugar.

Paglabas nito, agad na pumunta si Recka sa dulo ng hallway kung nasaan ang kanyang silid.

Papasok na sana rito ang dalaga ng biglang tumunog ang kanyang telepono.

"Oh, bakit?... sabihin mo, ayusin niya ang deal kung ayaw niyang masibak sa trabaho." Agad na binaba ni Recka ang telepono, marahan itong napahilot ng kanyang sintido.

Too many idiots for this day.



I AM NUMBER 10: BOOK IWhere stories live. Discover now