When I finally found the strength to talked to her, she's gone. That realization hits me real bad. I couldn't live without her. I just couldn't. No matter how much she lied to me, I couldn't hate her as much.

Humingi ako nang tulong kay Odik at inalam kung saan siya nakatira. Noon ko nalaman na nakikitira pala siya sa mga Lolo at Lola ni Verni sa Subic.

Sa tulong na rin ni Verni ay napakiusapan ko ang katabing kubo nila at inupahan iyon. Pinatira ko muna sila sa hotel na pag-aari ni dad bilang kapalit nang paninirahan ko sa kanilang kubo.

Sa totoo lang ay nandoon pa rin ang sakit kaya't nagdesisyon akong ipagpaliban muna ang pakikipag-usap. Gusto ko munang kilalanin ang Isay na minahal ko. Gusto kong malaman kung sa panahong lunod na lunod ako sa pagmamahal ko sa kanya ay siya na talaga ang babaeng minahal ko nang buong-buo.

"Mukhang maputla ka yata, hija... Ayos ka lang ba talaga?" alalang tanong pa ni Lola Trining.

Maingat akong sumilip sa may bintana at pinagmasdan ang mukha ni Isay. Dahil hindi naman kulong ang kanilang kusina ay kitang-kita ko ang mukha niya. Gawa pa sa sinaunang panahon ang kanilang kubo. Pawid at kahoy lamang ang bumubuo sa mumunting tirahan nilang iyon. Tanging pangingisda lang din ang ikinakabuhay ng kanilang pamilya.

"Masama lang po ang pakiramdam ko, La," mapakla pa niyang sagot habang nakatitig sa pagkaing nasa kanilang harapan.

Kung hindi ako nagkakamali ay isda ang nakahain doon.

"Kumain ka muna para naman magkaroon ka nang lakas," alalang sabi pa ni Lolo Monchito na makahulugan pang tumingin sa kanyang asawa.

Sa halip na sumagot ay ilang beses na lumunok si Isay na para bang umay na umay sa nakikitang pagkain sa kanyang harapan. Pero mabilis din siyang nagtatakbo sa lababo at nagduduwal nang nagduduwal.

"Isay, hija!" alalang napasunod din naman si Lola Trining sa kanya.

Mabilis akong nagkubli sa pag-aalalang makita niya ako.

Sunod-sunod ang kanyang pagduwal at muli ay nakakubli akong sumilip ulit sa may bintana. Tulad ng kubo nila Lola Trining ay sa pawid at kahoy lang din gawa ang tinituluyan ko. Maling galaw ko lang ay possibleng makita rin niya ako kaya't naging sobrang maingat ko.

"Huwag mo sanang mamasamain, hija," alanganin pang sabi ni Lola Trining sabay makahulugang tumingin sa kanyang asawa. "B-buntis ka ba?"

Saglit akong natigilan sa tanong na iyon kasabayan nang reaksyon ni Isay. Matapos na magmumog ay mariin niyang kinagat ang kanyang labi at tila wala sa sariling tumitig sa dalawang matanda. Hindi ko makita nang direkta ang kanyang mukha pero nakita ko ang marahan niyang pag-iling.

"H-hindi ko po a-alam..." nanginginig pa niyang sabi at kung hindi ako nagkakamali ay parang maiiyak na siya.

Napasandal ako nang diretso sa aking kinakatayuan sabay mapaklang napangiti sa kawalan. I am going to be a father. Muli akong bumaling sa kanilang gawi at noon ay yakap na siyang mahigpit ni Lola Trining na para bang pinapatahan siya.

At gusto ko mang magtatakbo sa kanyang kinakatayuan ay hindi pa rin ako sigurado sa aking nararamdaman.

I still needed time.

***

Sa araw-araw na pinapanood ko si Isay ay higit kong nakikilala ang katauhan niyang hindi ko masyadong pansin noon. Noon ko na lang din nakita na bukod pala sa masayahin ay napakagiliwin din niya sa mga bata. May mga panahong kahit wala siya sa kundisyon ay pinipilit niya ang kanyang sariling makipaglaro sa mga ito. She's so damn cute. Kapag tumatawa siya nang malakas at nakikisigaw sa mga batang naghaharutan sa tabing dagat. Pero halos pigain din ang puso ko sa sakit sa tuwing bigla siyang matutulala at mawawalan nang kibo. Mga panahong gusto ko na siyang lapitan at yakapin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. It was happiness and torture at the same time having to see her sad knowing she's thinking of me.

"Ate Isay, wala ka yatang gana kumain? Sabi ni Lola Trining, huwag ka naming papagurin kakalaro dahil daw may baby sa tiyan mo," sabi pa ng cute na cute na si Maimai. Kadalasan ay siya ang kasa-kasama ni Isay kaya't mas dumadalang ang panahon na nalulungkot siya. "Diba, ang mga buntis bande-bandehado kumain?"

Pinigilan ko ang matawa sa kanyang sinabi. The kid could really make me smile. Masaya rin akong nasa tabi lang siya ni Isay palagi. Nasa harapan sila ng kubong inookupahan ko at tulad nang dati ay nakikinig sa kanilang pag-uusap.

"Grabe naman ang bande-bandehado, Maimai," natatawa pa niyang sabi at kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha ay alam kong maluwag ang ngiti niya.

"Sa kuwento kasi ni Tatay, matakaw daw si Nanay. Isang bandehado kumain," seryoso pa rin niyang sagot na lalong nagpatawa kay Isay.

Saglit na huminto sa pagsasalita si Isay na para bang pinag-iisipan ang sasabihin.

"Namimiss ko kasi ang luto ni Danzel..." Hindi ko naiwasang mapangiti sa aking narinig. Si Isay na yata ang pinakamaganang kumain sa lahat ng babaeng nakilala ko. Daig pa nga niya ako sa lakas niyang kumain. I am not complaining though. I love how her eyes sparkled every time she ate the food I cooked for her.

"Danzel? Sino 'yun?"

"Nag-iisang babe ko 'yun!" proud pa niyang sabi. Nasisiguro kong nakangiti siya noong sinabi niya iyon.

"Asawa mo, Ate?"

"Hmm... hindi, e. Muntik pa lang..." mapait pa rin niyang sabi. Sa pakiramdam ko ay napipilitan lang din siyang magkuwento dahil na rin sa kakulitan ni Maimai.

"Hindi ko maintindihan," naguguluhang sabi pa ni Maimai. "Nasaan ba siya?"

"Kahit ano namang paliwanag ko, hindi mo maiintindihan Maimai. Bata ka pa kasi."

"Gwapo ba 'yun kaya namimiss mo?"

"Sobrang gwapo, Mai. Walang kasing gwapo!" proud pa niyang sabi at hindi ko na naman napigilan ang mapangiti. She still had this effect on me. With those simple words, I drowned. Helplessly.

"May ganoong kagwapo ba?"

Wala ako sa sariling napailing dahil nai-imagine ko ang mukha ni Maimai. Sumandal ako at nananatiling nakakubli sa bintana.

"'Yung babe ko, Mai!" proud pa ring sagot ni Isay. God, I missed her. "Maiba ako, sinong nakatira sa kabilang kubo? Parang wala akong nakikitang tao d'yan?"

Agad akong nanigas at agad na sinulyapan ang yari sa pawid na pinto ng kubo. Mariin akong napapikit dahil nakabukas iyon! Fvck!

"Sina Aling Betya at Mang Gorio po. Pero sabi nasa Maynila raw po."

"Talaga? Bakit nakabukas ang bintana?"

Nang marinig kong parang tumayo sila ni Maimai ay gumapang ako palapit sa pinto at isinara iyon. Mabilis din akong nagbalik sa gilid ng bintana at nagsumiksik doon.

"Oo nga, ano? Baka bumalik na Ate," inosenteng sabi pa ni Maimai.

Kulang na lang ay mapamura ako sa aking pinagtataguan. Nakahiga na rin ako sa pag-aalalang magpumilit siyang sumilip sa bintana.

"Tao po! Tao po!" malakas pang tawag ni Isay na nasisiguro kong sumisilip sa bintana! Fuck! "Wala namang sumasagot. Baka lumabas..."

"Baka po," tila wala rin namang pakialam na sabi ni Maimai.

"Sisilipin ko lang," sabi pa ni Isay na lalong nakapagpataranta sa akin! Damn it!

Kumapit siya sa bintana na para bang nagpipilit na mas makasilip nang maayos. Kulang na lang ay ibaon ko ang katawan ko sa gilid huwag lang niya akong makita.

"Bakit amoy Danzel dito, Mai?" tanong pa ni Isay na parang sobrang lapit na. At hindi nga ako nagkamali dahil nakadungaw na ang mukha niya sa bintana! Ilang inches na lang ang layo namin sa isa't-isa!

"Si Ate talaga. Akala ko ba malayo ang Babe mo," nanunukso pang sabi ni Maimai na bahagya pang humagikhik.

Hindi naman din nagtagal ay bumitaw si Isay sa bintana. Noon na lang ako nakahinga nang maluwag. Pinagpawisan ako roon, ah!

Hindi naman din nakakibo kaagad si Isay at parang narinig ko lang siyang bumuntong-hininga.

"Oo nga. Nababaliw na yata ako. Tara na, Mai. Kain nga muna tayo."

Nang humakbang sila palayo ay diretso na lang akong napahiga. Muntik na ako doon.

I should be more careful next time.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Where stories live. Discover now