"Mahal na mahal kita, Danzel."

"Mahal na mahal din kita, Isay." Muli ay sinakop niya ang aking labi. Habang tumatagal ay mas nagiging mahirap para sa amin ang magpigil. Pero tulad nang dati ay mas nauuna siyang huminto at pilit na inihihiwalay ang kanyang sarili. "Come on, Babe. I need to drive. Stop teasing me."

"Opo." Inalalayan niya akong makabalik sa aking upuan at muli kaming nagseatbelt.

Hindi naman na siya nag-aksaya nang panahon at pinaharurot na ulit ang sasakyan sa highway.

Halos gabi na rin nang makarating kami sa suite ni Danzel. At kahit pa wala naman akong ginawa sa buong byahe, pakiramdam ko ay pagod na pagod talaga ako.

"Sir, may naghahanap po sa inyo kanina," bungad pa n'ung guard sa may lobby ng building.

"Huh? Sino raw?" Kumunot pa siya at bahagyang napaisip.

"Estong daw po."

Tila bombang sumabog iyon sa pandinig ko. Agad na nanginig ang kalamnan ko at parang nawalan nang lakas ang aking mga tuhod.

"Danzel, 'wag mo kakausapin 'yun. 'Wag please," agad na sumamo ko pa kay Danzel na alala pang tumitig sa akin. Hindi ko namalayang naglandas pala ang luha sa aking mga mata at napaawang lang ang kanyang labi sa sobrang pag-aalala.

"Isay..."

"Please, Danzel, huwag. Ayokong kakausapin mo 'yun." Napahagulgol ako at hindi ko na alintana ang mga tao sa paligid namin.

May kung sinong sinenyasan si Danzel pero parang lutang na ako at wala na akong ibang nakikita. Hinila niya ako palapit sa elevator at agad na pinindot iyon. Mahigpit niya akong niyakap at inalu-alo.

"I will not talk to him kung ayaw mo, Isay. Please stop crying."

"D-danzel, 'wag... Masamang t-tao 'yun. 'Wag mo kakausapin, please..." Pinilit kong magsalita nang maayos kahit na tila may bara ang lalamunan ko.

Umiling siya at hinalikan ako sa noo.

"'Wag ka na umiyak. Hindi ko na siya kakausapin. 'Wag ka lang umiyak, hmm?"

Bahagya akong napatango at niyakap ko siya pabalik. Hindi pa ako handang matapos ang lahat nang ito. Hindi ko kayang mawala si Danzel.

"I'm sorry, Danzel..."

"What are you apologizing for?" Bahagya niyang niluwagan ang yakap sa akin at tinitigan ako sa mukha.

"Sa gulong dala ko sa buhay mo..."

"Hey, hindi gulo ang dinala mo sa buhay ko, Isay." Pinunasan niya ang luha sa aking pisngi gamit ang kanyang daliri. "You made me so happy. And, I love you. Please remember that."

Tumango ako at muli ay inalis ang espasyo sa pagitan sa aming dalawa. Hinagod niya ang aking likod at kumalma nang tuluyan ang puso ko.

Nang makarating kami sa suite ay hinila na niya ako kaagad sa kwarto at pinahiga. Lumagay siya sa likuran ko at niyakap ako nang sobrang higpit. Wala ako sa sariling umiyak na naman at bumaling sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit at gan'un din ang ibinalik niya sa akin.

"Sssshhh... stop crying, Isay," mahinang sabi pa niya habang hinahagod pa rin ang aking likod.

Nag-angat ako ng mukha at mariin ko siyang hinalikan sa labi.

"Isay..." Bahagya pa niya akong itinulak pero hindi ako nagpaawat. Gusto kong patunayan sa kanya ang pagmamahal ko. At baka sa ganitong paraan maipakita ko man lang 'yun.

Saglit siyang nag-alangan pero bandang huli ay sinabayan na rin niya ako. Ipinasok ko ang aking dila sa kanyang bibig at bahagya pa siyang napaungol. Tila gusto na naman niyang mag-alangan pero ipinaramdam ko sa kanya na gusto ko ang ginagawa ko. Ipinaling ko ang aking ulo at mas lalong pinalalim ang paghalik. Pumaibabaw ako sa kanya at saglit na pinutol ang aming halikan.

Hinubad ko ang aking damit at nalaglag lang ang kanyang panga sa aking ginawa.

"I-isay..." Tulala pa siyang tumitig at hindi ko alam kung anong reaksyon ng aking mukha. Gusto ko 'tong gawin para patunayan ang pagmamahal ko. Pero nang tangka kong tatanggalin ang strap ng aking bra ay agad siyang napaupo at pinigilan ako. "No, stop it!" may diin pang sabi niya at agad na naglandas ang luha sa aking pisngi. Parang pinipiga ang puso ko. Tinatanggihan niya ako?

"D-danzel..."

"You're too emotional right now, Isay. You're not ready for this." Napatikhim siya at agad na pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang daliri.

"A-ayaw mo sa a-akin?" May kung anong bara sa aking lalamunan at sobrang hirap sabihin ng mga salitang iyon.

"No!" mabilis pa niyang tanggi at mariing pumikit. Nananatiling nakaupo ako sa pinakamataas na bahagi ng kanyang hita. Humugot siya nang isang malalim na buntong-hininga bago idilat ang kanyang mga mata. "I want you so much, Isay. More than you can imagine right now," tila desperado pa niyang sabi. "Pero hindi sa ganito, Isay. Hindi 'yung ganyan ka." Malamlam pa ang kanyang mga matang tumitig sa akin at agad na nag-init ang aking pisngi.

"I'm s-sorry..." Yumuko ako at pilit na ikinubli ang aking mukha.

"Hey, don't be sorry..." malambing pa niyang sabi sabay iniangat ang aking baba upang titigan nang diretso sa mukha.

"G-gusto ko lang naman iparamdam ko sa'yo na m-mahal kita, Danzel..." Tumulo ang luha ko at iyon lang din naman ang intensyon ko.

"Alam kong mahal mo ako. At kahit pa hindi mo gawin 'to, naniniwala ako d'un."

Muli akong napayuko at may kung ano siyang inabot sa kanyang tagiliran. Ang blouse ko. Walang pag-aalangang isinuot niya iyon sa akin at malalim pa siyang napabuntong-hininga.

"Come on, you need to rest." Hinaplos niya ang aking pisngi at mariin kong kinagat ang aking labi. Mas lalo akong nakukunsensya. Mahal ako ni Danzel.

Inalalayan niya akong makaalis sa kanyang kandungan at muling inihiga sa kama. Lumagay ulit siya sa aking likuran at mahigpit akong niyakap.

"Sleep now, Babe. I love you," mahinang sabi pa niya at ni hindi ko magawang sumagot. Parang may kung ano pa ring nakabara sa aking lalamunan. Walang tigil na naglandas na naman ang luha sa aking pisngi.

Mahal ko si Danzel at hahanap ako nang tamang pagkakataon. Ipagtatapat ko rin sa kanya ang lahat. 'Wag lang ngayon. 'Di ko pa kaya.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Where stories live. Discover now