“Huh?” Mabilis akong umiling at itinulak ang card palayo sa akin. ”Wala akong kailangan, Danzel. Pinapatira mo na nga ako dito, diba? 'Di mo na kailangang mag-abala para sa akin. Mamaya lang ay magtitinda na ako. Dinagdagan naman ni Nana Claring ang suweldo ko. Okay na 'yun.”

“But Isay--?”

“No, Danzel.” Muli ay itinulak ko iyon palayo sa akin. ”Okay lang ako. Promise.”

Bumuntong-hininga siya at bahagyang umiling.

“Anong mararating ng twenty pesos mo, Isay?” Kumunot siya at pinaglaruan ng kamay ang card.

“Makakapunta ako kay Nana Claring,” nakangiting sagot ko at muli siyang umiling.

“I can help you find a better job. Let me—”

“Okay lang ako. 'Wag mo akong alalahanin.” Tinakpan ko ng daliri ang kanyang labi at mapait na ngiti ang ibinalik niya sa akin.

“Bakit ba tinatanggihan mo ang tulong ko, Isay?” naghihinampo pa niyang tanong.

“Tinatanggihan ko kasi may paraan pa naman ako.” Kinindatan ko siya at muling tumalikod para kuhanin ang kape. Nakakainit naman kasi ng katawan ang kakisigan niya. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga at humakbang palapit sa dining table.

“Nagsangag ako with bacon and egg?” Saglit ko ulit siyang sinulyapan na noon ay nakaupo na.

“'Wag lang masyadong marami,” tipid naman niyang sagot at napatango na lang ako.

Inilagay ko muna ang aming kape sa table bago magsandok ng sinangag para sa aming dalawa. Wala naman akong masyadong alam sa pagluluto ng mga sosyal na pagkain. Nito nga lang nakakaraang araw ako nakakatikim ng bacon. Sa buong buhay ko ay tanging hotdog at longganisa lang ang naiuulam ko kadalasan.

Matapos na makapaghain ay naupo ako sa katabing upuan niya.

“You won't be seeing that guy again, Isay,” seryosong sabi pa niya matapos na humigop ng kape.

“Huh? Si Harold ba?” Bahagya niyang ipinilig ang kanyang ulo para titigan ako at bahagyang kumunot.

“Mayroon pa bang iba, Isay?”

“Naku! Wala 'no!” Mabilis pa akong umiling at umismid lang siya.

“You should not entertain any other guys, Isay. Ako lang,” masungit pa niyang sabi at ngumuso naman ako.
“Ikaw lang naman talaga. Nag-iisa ka lang,” siguradong sagot ko pa at noon na siya napangiti. Ang gwapo.

“Good, Isay. Good.”

“Gustung-gusto mo ang pangalan ko 'no?” Umirap ako at mahina naman siyang tumawa.

“I never actually thought your name was pretty. I liked it.” Itinikom pa niya ang kanyang labi sabay kumindat sa akin.

“'Wag lang 'yung surname.” Inirapan ko siya at muli na naman siyang natawa.

“Kakaiba ang surname mo, Isay. Tatak mo 'yun,” natatawa pang sabi niya sabay subo ng rice.

“Ang sama mo.” Umismid ako at sumubo na rin ng rice.
Ninamnam niya ang pagnguya at bahagya pang tumango.

“Masarap ka magluto ng sinangag,” puri pa niya at hindi ko naiwasang kiligin. Hindi naman kasi ako talented sa kusina.

“Mas masarap ka pa ring magluto. Ang gwapo mo na, ang galing mo pa sa kusina.”

Hindi naman siya kumibo at ngumiti lang. Kung ganitong kaguwapo ba naman ang makakasabay ko sa araw-araw, mananaba siguro ako. Busog na sa pagkain, pati mata ko busog!
Matapos naming kumain ay saglit siyang pumasok sa kwarto para siguro magbihis. Naghugas na muna ako ng aming mga pinagkainan bago bumalik sa guest room para magpalit din ng damit.

Hindi naman nagtagal ay nakarinig ako ng mahinang katok sa pinto at agad ko rin iyong binuksan. Bumungad ang gwapong mukha ni Danzel na noo'y nakapang-opisina na. Sobrang gwapo talaga. Wala man lang anggulo na pangit kahit kaunti, e.

“Sasabay ka na sa akin?” tanong pa niya at agad naman akong napatango.

“Ibaba mo na lang ulit ako sa kanto papunta kay Nana Claring,” sagot ko pa.

“Okay.” Tumango pa siya at parang hinapyawan ako nang tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam nang pagka-ilag dahil hindi ko alam kung napapangitan ba siya sa suot ko o papaano. ”Bakit?”

Umiling lang siya sabay dahan-dahang lumapit sa akin.

“B-bakit?” Bahagya pa akong napaatras at bigla akong nakaramdam nang kaba.

“You're too plain, Isay,” malamig na sabi pa niya habang panay pa rin ang maliliit na hakbang palapit sa akin. ”There is nothing special about you,” seryosong aniya habang pinapanood ang ekspresyon ko. ”But I don't know why I am so crazy about you.” Napatigil ako sa pag-atras dahil kama na pala ang nasa likod ko.
Napalunok ako at napatitig sa kanyang mukha. Kumalabog ang puso ko nang manuot na naman sa ilong ko ang napakabango niyang amoy.
“I am so madly in love with you.” Mabilis niya akong hinapit sa baywang kasabay nang paninigas ng aking katawan.

“Tsansing ka, Danzel, a.” Pinilit kong magpamukhang kalmado kahit na sa totoo lang ay nanlalambot ang mga tuhod ko.

“Ayaw mo ba akong tsansingan, Isay?” Pilyo pa siyang ngumiti at mariin kong kinagat ang aking labi.

“Payag ka ba?” Ngumuso ako at malakas lang siyang tumawa.

“You're so funny, Isay. You're so funny.” Yumuko siya at agad na sinakop ang labi ko. Napakapit ako sa kanyang braso dahil talaga namang nakakabaliw ang bango at dampi ng kanyang labi. At nang ibuka niya ang bibig ko ay mas lalong napahigpit ang hawak ko sa kanya at halos mahilo ako sa haplos ng kanyang dila. Sobrang sarap niyang humalik!
Inihiga niya ako sa kama at dumagan siya sa akin habang walang tigil sa pag-angkin sa aking labi. Hindi ko naiwasan ang mapaungol habang hinahaplos ang kanyang mukha. Hinahaplos din niya ang leeg ko at halos panawan ako ng ulirat nang daanan niya ng kanyang kamay ang aking dibdib at namahinga iyon sa aking tiyan. Napangiti siya sa aking labi at marahil ay naramdaman niya ang tensyon ko.

“Relax, Isay. Wala akong gagawin na hindi ka pa handa? Hmm?” seryosong sabi pa niya pero bakas ang pagnanasa sa kanyang mga mata. Napalunok ako nang haplusin niya ang tiyan ko pababa sa aking tagiliran. Masyadong nakakakuryente ang kanyang mga hipo. Parang gusto kong lagnatin nang wala sa oras. ”We need to go before I even forgot that I needed to wait for the time that you're ready.” Mabilis niya ako ulit akong hinalikan bago umalis sa pagkakadagan sa akin.
Inalalayan niya akong makatayo at siya pa mismo ang nag-ayos sa nagusot kong damit.

“Damn, Isay. What have you done to me?” Malalim pa siyang bumuntong-hininga sabay kagat nang mariin sa kanyang labi.

Hinila niya ako palabas ng pinto at mahigpit na mahigpit ang hawak niya sa aking kamay.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Where stories live. Discover now