"Bat may supply ng pagkain?" nagtatakang tanong ni Vanessa sa kanila habang kumakain. "Dumating yung naglilinis nitong bahay, utos daw nung kuya ni Yanna kaya may foods."

"Anong oras dumating?"

"6."

"Sino nagising ng 6?" nagtatakang tanong nya sa kanila dahil ang tibay naman ng tulog nung taong yun. "Ako." Tiningnan lang ni Vanessa si Rein na parang di makapaniwala kaya nasapok sya ni Rein. May mga dala silang extra clothes kaya yung iba sa kanila ay bagong ligo at yung iba ay ganun pa rin. Inuna muna ang pagkain bago magsipagpaligo tulad ni Vane.

"What time tayo uuwi?" tanong ni Jack sa kanila habang busy sa kakanguya.

"Uhm pagdating ng kuya ni Yanna. I promised to him kasi na iintayin natin sya kapalit nitong pagsama ni Yanna sa EK at pagdiretso agad dito." Tumango lang naman si Jack sa kanya. Tinanong naman ni Vanessa kung bakit at umupo sa tabi nya.

"Wala lang. Si Yanna pala?"

"Tulog pa." nilingon ni Vanessa si Eric na nagluluto pa rin ng pancakes, "Penge me, Eric. More butter and syrup ha."

"Si Yanna?" tanong ni Jace na bagong dating lang sa kusina. Bagong ligo lang to dahil basa pa ang buhok na saktong kakalapag lang ni Eric ng pancake sa tapat ni Vanessa. Alam ni Eric na sasagot si Vane kaya tinakpan nya agad ang bibig nito,

"natutulog pa." sya na lang ang sumagot at tinanggal na yung kamay sa bibig ni Vane. Napanguso na lang si Vane at napairap kay Jace. "Puntahan ko lang ha." Tatalikod na sana si Jace nang magsalita si Darex,

"Natutulog nga diba, pinsan?" kumunot naman ang noo nila Ashley at Lash.

"Pinsan?"

"Magpinsan kayo?" sabay na tanong nilang dalawa.

Hindi naman sila pinansin ni Jace at hinarap si Darex, "Sinabi ko bang gigisingin ko?" pabalang na tanong nito. Uminom muna si Darex bago sagutin si Jace,

"Maiistorbo mo lang kaya 'wag mo ng puntahan." Maamong sabi ni Darex kaya ngumisi si Jace sa kanya.

"Bakit ka ba nakikialam? 'pag di mo kaharap si Yanna lumalabas yang sungay mong gago ka." Tinapik lang ni Mac sa balikat si Jace. "Aga-aga mag-aaway pa yata kayo. Kumain ka na nga lang."

"Naghahanap yata ng away yung gagong yan e, pagbibigyan ko lang." inis na sambit ni Jace dito pero humawak na si Mac sa balikat ni Jace at sinabihan na magtigil.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi ako naghahanap ng away." Sagot ni Darex sa kanya. Inis na sinubo ni Vane ang pancake at uminom ng tubig. Tiningnan nya ng masama yung dalawa na halos magpatayan na sa titig,

"Kung magpapatayan na kayo. Dun sa labas! Babahiran nyo pa to ng sungay nyong dalawa e! Hala sige labas!"

"Sinong magpapatayan?" napabaling silang lahat kay Yanna na kakarating lang. "Anong nangyayari?" nagtatakang tanong nya pero ni isa sa kanila ay walang sumagot pero dahil nga nabadtrip na rin si Vane ay syang sumagot,

"Adi yang magpinsan na yan. Gusto yata ng dugo ang breakfast nila." Nangiti naman si Yanna sa mukha ng kaibigan nya na kahit inis na inis na ay kumakain pa rin pero agad din syang lumingon kay Jace at Darex na pawang nag-iwas lang ng tingin sa kanya. Nagkibit balikat na lang sya at umupo sa vacant chair at kumuha ng pancake. Napatsk na lang si Jace at umupo sa tabi ni Yanna. Tanging sila sila lang nag nag-uusap at tahimik yung dalawang lalaki.

"Alemoore University kami ni Vanessa, kayo?" sagot ni Yanna kay Keith nang tanungin sya nito. 8 seaters lang sa oval table at yung iba ay mga kanya-kanya lang ng hanap ng pwesto sa kusina pero lahat sila ay nandun.

"Talaga, Yanna ko? Dun din ako!" sagot ni Lash sa kanya habang kumakain ng cookies. "So kung ganun magmmeet tayo sa Alemoore?" natatawang sabi ni Ashley sa kanila dahil nga dun sya nag-aaral.

"Alumni here! Maganda sa Alemoore. Kung hindi kayo sa Alemoore, pagpilian nyo yung Caighden o Xavier maganda rin dun." Sabat ni Kevin sa kanila.

"Sa Caighden yata ako, may house kasi kami malapit dun." Sagot ni Zyrel.

"Ikaw Javi?" tanong ni Ashley kay Javi na busy sa pagccellphone. "Alemoore rin."

"Kayo Keith? Russel?"

"Alemoore sila Eric at Jace, Caighden ako." Sagot ni Keith nang magtanong si Yanna. "Alemoore rin except kay Klein na aalis ng bansa at Xavier si Jack." Sagot naman ni Russel.

"Wait wait. Si Mac?" nagtatakang tanong ni Ashley kay Keith. Nginuso nya si Mac na ngumiti lang sa kanya,

"States yata, epal ni papa e. Haha! Kung dito rin sa Caighden ako kasama ni Rein." Napatango na lang sila. "Ah Yanna, si Kuya Ace ba sa Alemoore rin?" pagtatanong ni Rein sa kanya, tumango lang naman sya. Maya-maya lang ay nag-usap na sila kung ano ang mga course na kukunin nila at halos barahin na ni Kevin lahat ng kinuha nilang course dahil ni isa sa kanila ay wala man lang kumuha ng kinuha nyang course.

h��c%��

His PropertyWhere stories live. Discover now