Nagsimula namang magsitayuan ang kanilang apat na mga bisita, bago pa man sila tuluyang makalabas ay lumingon ulit ang mga ito ng magsalita si Recka,

"We'll have dinner at 6:30, be there."

Pagkaalis ng apat ay agad na tumayo si Sean, hindi makapaniwala nitong tiningnan si Recka habang nakabuka ang kanyang bibig.

"What the fuck! Bakit hindi namin alam 'to? Those bastards, napaka laki ng mga ulo bwiset!" Inis na wika nito.

"Kanina lang din ako tinawagan ng paaralan tungkol dyan." Walang ganang wika rito ni Recka.

"Recka, bisita natin sila diba?" Panigirado ni Kent dito, marahang tumango na lamang si Recka.

"Pano pag nagkaroon ng drill dito ngayong gabi, tapos sa drill na yun kaylangan nilang protektahan ang sarili nila laban sa mga surprise attack. Training din yun pag nagkataon."

"Tumigil ka Kent, para kang tanga."
Walang ganang wika rito ni Ara habang pagod na hinihilot ang sintido nito.




"Astig pala rito sa mansyon nila, mas malaki pa yata to kaysa sa atin." Manghang wika ni Rie habang inaayos ang bagahe nito sa loob ng kanyang closet.

"Syempre mas malaki to, unlike us, mas madami silang gamit na dapat matutunan para lumakas."

Kasalukuyang naka upo sa kama nito si Den habang nilalaro ang ilang kagamitan ni Rie.

"Bro, gumagamit ka nito?" Natatawang itinaas nito ang boxer ni Rie na kulay pula habang may mga emoji at mga puso sa naka printa.

Inis na kinuha ito ni Rie ngunit mabilis na inilayo ni Den ang kanyang boxer, agad na dinaganan ni Rie ang katawan ni Den dahilan upang mapahiga ito sa kama, natatawang tinago ni Den ang boxer sa kanyang likuran. Pilit na kinukuha ito ni Rie na nagresulta upang mayakap nito ang binatang kanyang dinadaganan.

Bigla namang bumukas ang pintuan, gulat na napatigil ang dalwa sa kanilang ginagawa at agad na lumingon sa pagbukas nito, pumasok dito sina Rain at Blue.

"Oh? So may relasyon nga kayong dalawa, and don't tell us that you don't dahil pang ilang beses na namin kayong nahuli, gas gas na ang paulit-ulit niyong palusot na 'nagkakamali lang kayo,'  like dude, we're not blind."

Natatawang umupo si Rain sa kama, inis na tumayo naman sina Den at Rie bago tiningnan ang mga babaeng kakarating lamang.

"But we really don't have that kind of relationship." Mahinang saad ni Rie.

"Yeah, yeah," sarkastikong tumawa na lamang si Rain at marahas na tinapon ang kalapit na unan papunta sa mukha ni Den na panay ang ngisi.

"Hey, ano sa tingin niyo ang nasa ikatlong palapag?" Mausisang tanong dito ni Blue.

"Kwarto?" Bagot na sagot naman ni Den.

"Alam ko, pero isn't it kind of fun to raid their rooms?"

"Stop it Blue, mapapahamak lang tayo diyan." Pagpigil naman dito ni Rie bago tumalikod at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit nito.

Nagtitigan naman ang tatlo sa kanyang likuran at nagsitango sa isa't isa, makahulugang ngumiti ang mga ito sa likuran ng inosenteng si Rie.




Kinaumagahan ay maagang nagising ang apat, rinig na rinig ng mga ito ang mga nagtatakbuhang kalabog sa paligid.

I AM NUMBER 10: BOOK IWo Geschichten leben. Entdecke jetzt