Kaylangan ko atang ipa sound proof ang bawat area nila.

Nanatiling seryoso ang kaniyang mukha habang nakikinig sa sinasabi ng taong nasa kabilang linya.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ako pumapayag..."

"... maghanap ka ng ibang instructor ng mga 'yon, bakit niyo pa sila ilalagay dito, alam niyo namang magkakagulo lang ang mga kasama ko kapag pinapunta niyo rito ang mga 'yon. Isa pa, magkaiba ang mga bagay na kaylangan naming matutunan."

Biglang napataas ng isang kilay si Recka nang marinig ang sinabi sa kabilang linya.

I should've burned this goddamn school when I have time!

Inis nitong binaba ang telepono at malalim na huminga.

"Shit,"

Agad na tumalikod si Recka at hinarap ang napakaraming armas.

Ano kaya ang pipiliin ko?

Isa isa nitong tiningnan ang mga armas na nasa pader, ibinalik nito ang tingin sa mga mesa kung saan nakalagay ang iba pang armas.

Bagot na kinuha na lamang ni Recka ang kung anong mang unang mahawakan ng kamay nito.

"Oh? Urumi huh."

Sarkastiko itong napangisi ng makita ang hawak nito, isang kulay itim na Urumi

Nagmula ang armas na ito sa Kerala at Sri Lanka noong unang panahon, para itong isang latigo, kaya lang gawa sa napakatalim na metal ang armas na ito.

May limang matatalas at malalambot na mga blades na nakakabit sa handle ng urumi, isa rin ito sa sinasabi ng iba na pinakamahirap kontrolin na armas, dahil may posibilidad na masaktan pati ang nagmamay-ari ng sandata kapag hindi ganoon kalaki ang kaalaman nang gumagamit tungkol sa naturang armas.

Pinaglaruan ito ng dalaga habang naglalakad papunta sa pinakagilid ng silid at pumasok.

Pagpasok nito ay isang napakalawak na silid ang bumungad sa dalaga, walang kahit na anong kagamitan dito, tama lamang ang lawak at laki ng silid upang makapagwala ang kahit na sino sa loob.

Nakita nito ang isang maliit na salamin, dahan dahang idinikit ng dalaga ang palad nito roon.

|Welcome Recka Tuazon, preparing the training ground, please wait.|

Nagkaroon naman ng bagong mga tanawin.

Mula sa kinaroroonan ni Recka ay nagkaroon ng dalawang palapag ang lugar, may mga pigura ng taong nakatayo sa ikalawang palapag habang nakataas ang hawak na baril at palaso ng mga ito.

Kulay itim ang mga ito at walang mga mukha, para silang mga anino kung tutuusin.

Umilaw naman ang harapan ni Recka at unti unting nagkaroon ng labing-limang itim na pigura, may hawak ang mga ito na iba't ibang klase ng mga armas.

"Eto lang?" Napailing na lamang ang dalaga at ngumisi.

Marahan itong tumingala at tumingin sa harap ng isang maliit na kamera na nakakabit sa kisame, itinaas nito ang middle finger tsaka matalim na tiningnan ang kamera.

Ibinuka nito ang kanyang mga labi habang walang lumabas na boses dito.

'Fuck off'




"The fuck is wrong with your students?"

Mahinang napalingon naman ang isang instructor sa isang pamilyar na lalaki.

"Malay ko," ibinalik nito ang atensyon sa mesa kung saan may mga nakakalat papel, ito ang mga report na natanggap nito tungkol sa mga nangyayari sa frontline.

"Dalawang beses na akong napagtaasan ng makasalanang kamay ng estudyante mo!"

"So? Di ko na kargo ang mga 'yan, simula sa susunod na araw ay ikaw na ang mamamahala sa pagsasanay ng lima."

"Andami ko pang gagawin, tsaka kaylan ako pumayag ha?"

Inis na napamura na lamang dito ang kawawang lalaki ng hindi ito pansinin ng instructor ng SSA.

Ibinalik na lamang nito ang paningin sa monitor kung saan kitang-kita ang ginagawa ng limang estudyante sa loob ng kani-kanilang training room.

Matalim itong tumingin kay Recka na ngayon ay mabilis na iwinasiwas ang hawak na armas sa hangin, agad nitong nasangga ang mga paparating na mga palaso mula sa ikalawang palapag.

Mabilis namang tumalikod si Recka at sinipa ang pigura tsaka malakas na ibinaba ang kamay nito, dahilan upang magkapira-piraso ang kanyang kalaban at mawala.

Sabay na sumugod sa kanya ang limang pigura. Biglang umikot ang dalaga, sumabay naman sa pag-ikot nito ang mga patalim ng Urumi at natamaan ang mga nasa paligid sa kanya.

Mabilis na itinaas ni Recka ang isa pa nitong kamay papunta sa kanang bahagi ng kanyang ulo at sinalo ang itim na palaso na bumubulusok.

Agad na naparolyo pakanan si Recka, pag tingin nito sa dating kinaroroonan ay punong-puno na ito ng itim na mga palaso.

Mabilis na iwinasiwas ng dalaga patalikod ang sandata dahilan upang magkapira-piraso ang pigura na nasa kanyang likuran habang nakatutok sa kanya ang hawak nitong espada.

"Should I allow myself to be hurt or not?"

Mahina nitong tinapik-tapik ang hawakan ng Urumi gamit ang kanyang hintuturo at tiningnan ang mga itim na pigura sa terrace habang nakatutok sa kanya ang mga armas ng mga ito.

Bigla namang nakarinig ng malakas na pagbukas ng pintuan si Recka mula sa kabilang silid.

"Tangina!"

Rinig nito ang malakas na mura ni Sean sa labas, sinundan naman ito ng biglang paglagabog ng mga bagay-bagay.

Bagot na napabuntong-hininga na lamang si Recka at pumitik. Agad na  bumalik sa dati ang buong silid.

"Ipapa sound proof ko na 'to bukas."

I AM NUMBER 10: BOOK IWhere stories live. Discover now