Nang ikutin ulit ito ng dalaga ay nagkahiwa-hiwalay mula sa isa't isa ang blades ng espada. Kung titingnan ay para na itong isang latigo na may matatalas na mga blades.

Nilingon naman  ni Recka ang isang binata na marahang nakatingin sa paligid.

"Sean, your turn. What do you want to wield?"

"Anything for a surprise attack? Hindi ko kayang makipaglaban ng diretsahan, kailangan ko lang ng isang sandatang makakabigay sa akin ng instant kill." 

Agad na tumalikod sa kanya si Recka at hinarap ang ilang mga sandata. Masinsinan nitong tiningnan ang mga kagamitan na nasa kanyang harapan bago nilingon ulit si Sean.

"Mabilis ka ba?"

"Maybe,"

"Your stamina is the weakest among us, kaylangan mong gawan ng paraan 'yan."

Marahang umupo si Recka sa harap ng isang mesa at kinuha ang dalawang itim na mga kahon na nasa ilalim nito, isang maliit at isang malaki. Pinagpatong nito sa isa't isa ang dalawa bago tumayo at lumingon kay Sean.

"Pamilyar ka ba sa Kunai Knife?"

"Kung hindi ako nagkakamali nag mula 'yon sa mga hapones hindi ba? Ang alam ko ginawa talaga 'yan upang gamitin sa garden pero mas nakilala ito bilang isang mahusay na armas dahil sa pamamaraan ng paggamit ng mga hapones dito noon."

Tumango naman si Recka at binigay ang maliit na kahon kay Sean.

"Isuot mo,"

Nilabas ng binata ang laman ng maliit na kahon,  sampung kulay pulang singsing ang nasa loob nito. Purong kulay itim lamang ang singsing at walang kahit na anong disenyo na makikita rito.

"Para san 'to?"

"Bawat daliri mo ay kayang makontrol ang limang kunai na nandito sa loob ng kahong hawak ko..." Mahinahong tinapik ni Recka ang malaking kahon na hawak nito.

"... Practice how to manipulate properly this weapons. Ibibigay ko lang sayo ang actual na mga patalim kapag nagawan mo na ng paraan ang stamina mo, sa ngayon ay ito muna."

Pagbukas ni Recka sa malaking kahon ay puro patalim na gawa sa kahoy ang laman ng mga ito.

"Tap lightly the rings anywhere with your index or thumb and it will either, activate or deactivate the weapon control."

Nilabas nito ang remote na hawak, nagsimulang yumanig ang paligid, unti-unting nagkaroon ng mga pader.

Nang matapos ay mabilis na dumating ang limang robot at agad na ikinabit ang limang pintuan na gawa sa metal.

Mas lalong namangha sa nakita ang apat, dahil ang napakalaking training room kanina ay tuluyan nang nahati sa lima.

Lumingon si Recka sa mga kasama at marahang itinuro ang limang pintuan sa kanilang harapan.

"Pumasok kayo kung saan niyo gusto, may makikita kayong fingerprint sensor na nakakabit sa pader, tap that and it will automatically process your training grounds, good luck."

Nagsimula nang magsipasok papunta sa kani-kanilang silid ang apat. Susunod na rin sana rito si Recka nang may biglang lumapit na robot dito.

|There's a call for SSA-Glosya.|

Napalingon naman dito si Recka, kunot-noo nitong kinuha ang telepono.

Wala na ring pwede pang sumagot, maliban sa kanya, dahil nagsimula na ang lahat sa kani-kanilang pagsasanay.

"Sino 'to?"

Bigla namang napalingon sa isang silid si Recka, kung saan pumasok kanina si Sean, nang makarinig ng malakas na kalabog.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon