Napakibit balikat lamang si Recka at tiningnan ang wala nang laman na lalagyan nito ng tubig.

"Yon ang nakalagay sa listahan. 'Run the east side of the mountain from the peak to the base, and vice versa.' I'm just following the order."

"Di ka ba nakakaramdam ng pagod?"

"Should I?"

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Lucy ang dalaga at malutong na napamura sa kanyang isipan. Sarkastiko itong napatawa sa sarili at mariin na pinikit ang kanyang mga mata.

Napahilot na lamang si Lucy sa kanyang sintido, sumasakit parin kasi ang ulo nito hanggang ngayon dahil na rin sa pagpupuyat at pag-inom ng alak buong magdamag, idagdag pa nito na hindi ito nakakatulog ng maayos nitong mga nakaraang araw.

"You should help them, baka mamatay na 'yang mga 'yan." Mahinang saad ni Lucy habang tiningnan ang tatlong nasa di-kalayuan.

"You didn't die right? Kaya nila 'yan."

Mariing napapikit dito si Lucy at napamura ulit sa kanyang isipan.

Di mo ba nakikita ang tatlong 'yon na halos hindi na makagalaw?!

"Sanay na ako sa bundok, pero sila? Hindi ba halatang laking-syudad ang tatlong 'yan?"

"That makes sense, but that doesn't mean they need to train differently than anyone right?" 

Seryosong tiningnan lamang ni Recka si Lucy bago pumunta sa kinalalagyan ng tatlo.

"Okay lang kayo?"

Walang emosyon nitong tiningnan sina Ara at Sean na hinihingal habang nakahiga, malakas pa ring kumakabog ang dibdib ni Ara hanggang ngayon dahil sa sinapit nito kani-kanina lang.

"Mukha ba kaming okay?!"

Biglang tumalim ang tiningin ni Ara at agad na kinuha ang maliit na sanga ng puno sa paanan nito.

Mabilis itong pumunta kay Recka, akmang sasaksakin na sana nito ang dalaga ngunit agad na nakuha Recka ang kanyang braso.

Matalim na tiningnan ni Ara ang walang emosyong kaharap, tinanggka nitong kunin ang braso mula sa mahigpit na pagkahawak ni Recka.

Bago pa man makagawa ng panibagong kilos ang dalaga ay mabilis na inikot ni Recka ang brasong hawak at pinihit papunta sa likuran ni Ara.

Sinubukan namang magpumiglas ni Ara ngunit mas idiniin lamang ni Recka ang braso nito.

"Aray, aray, aray!"

Mabilis nitong siniko si Recka gamit ang kabilang kamay, ngunit agad din namang napigilan ni Recka ang kanyang ginagawa.

"Bahave." Marahang saad dito ni Recka at walang pagdadalawang isip na sinipa sa likuran ang dalaga, dahilan upang pabagsak itong matumba papunta sa maputik na lupa.

Napalingon naman si Recka kay Kent na pinipilit na makatayo habang pinapahiran ang bibig gamit ang kanyang braso.

"Recka si Sean!" 

Pag lingon nito kay Sean ay napakapula na ng binata, lumalabas na rin ang likido nito sa katawan sa pamamagitan ng sobrang pagpapawis dahilan upang kabahan sina Kent at Ara para sa kanyang kalagayan.

Nilapitan ito ni Recka at tiningnan ng maigi.

Maputla at tuyo na ang bibig, masyado ring mabilis ang pagtibok ng puso nito.

"Kaya mo pa bang gumalaw?"

Mahinang umiling ang binata sa tanong ni Recka.

Napatango rito si Recka.

I AM NUMBER 10: BOOK IWhere stories live. Discover now