Tumunog naman ang pamilyar na trumpeta at lumabas mula sa projector ng drone ang mukha ni Lucy.

|Congratulations, Lucy Matilda.|

Napatingin naman si Lucy sa babaeng wala nang buhay, unti-unting nabasag ang buong katawan nito na parang isang salamin at nawala sa harapan ni Lucy.

Ibinalik ni Lucy ang paningin sa kanyang mga kamay. Nagkaroon ng maliliit na biyak ang kanyang mga daliri, patuloy itong lumalaki hanggang sa kumalat ito sa kanyang buong katawan.

Tulalang nakatingin lamang si Lucy sa kamay nitong nababasag, ilan sa mga pirasong nabasang ay patuloy na lumulutang sa ere bago nawala na parang isang bula. Ilang sandali pa ay tuluyan na itong naglaho.





Mula sa lugar kung saan bumagsak ang katawan kanina ni Lucy ay biglang lumabas mula sa makakapal na damo ang isang napakagandang babae.

Marahan nitong pinahiran ang pawis sa kanyang noo bago inikot ang paningin sa paligid. Agad na nagtaka ang dalaga nang makitang walang tao ang lugar.

"Sigurado akong dito galing ang projector kanina, 'san na napunta?"

Napaka amo ng mukha ng babaeng kararating lamang, maayos na nakatirintas at may iba't ibang makukulay na disenyo na nakakabit sa kulay-kape nitong buhok.

May malalaking kulay-kape rin itong mga mata at kulay rosas na labi.

Sa unang tingin sa babae ay iisipin mong baka naligaw lamang ito sa lugar lalo pa at wala sa mukha nito na marunong itong makipag laban.

Napahawak ito sa kanyang baba at nagtatakang tiningnan ang kalangitan.

"San kaya galing ang projector na 'yon?"

Habang malalim itong nagiisip ay bigla itong nakarinig ng pagpupumiglas ng isang tao dahilan upang inis nitong sipain ang lalaking halos hindi na makilala.

Sunog ang buong katawan nito at naliligo sa sariling dugo.

Matapos sipain ay galit nitong hinila ang kanyang nag aapoy na latigo, mas lalong humigpit ang kapit nito sa katawan ng lalaki dahilan upang malakas na mapasigaw dito ang kawawang bihag.

"TUMAHIMIK KA!!" Nawala na ang kaninang matamis na itsura ng babae, napalitan na ito ng isang nakakatakot na emosyon, ibang-iba na sa matamis na emosyong pinapakita kanina.

Nagbago na ang paraan ng pag titig nito, mula sa matamis na ekspresyon ay bigla itong tumalim, magdadalawang isip ang sino mang makakakita sa babae kung ito pa rin ba ang parehong taong nakatayo kani-kanina lang.

Biglang tumigil sa pagsigaw ang lalaki dahilan upang bumalik sa pagiging maamo ang mukha ng babae, matamis nitong tiningnan ang lalaking sunog na sunog na ang katawan.

Lumuhod ito sa kanyang harapan at ngumiti habang hinihimas-himas ang buhok ng kawawang lalaki.

"Shut up or I have no choice but to kill you." Matamis na wika rito ng dalaga.

Takot na napalaki ang mga mata ng lalake at unti-unting tumulo ang luha dahil sa sinapit.

"K-kunin mo na... paki... usap." Niluwagan nito ang paghawak sa itim na stick na nasa kanyang mga kamay.

"Hindi mo naman ibibigay sa akin diba?" Nakangiting pinigilan ito ng babae bago tuluyang mabitawan ng lalaki ang hawak na stick.

Ang napakatamis na ngiti ng dalaga ang isang bagay na hinding-hindi malilimutan ng lalaki. Ilang beses man nito pilit kalimutan ang mala-anghel na mukha ng kaharap ay habang buhay na itong mumultuhin ng maamong mukhang iyon.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon