Muling umilaw ang daliri nito at nagkaroon ng maliit na kristal na bumalot sa kanyang mga kamay, umabot ito sa braso, hanggang sa tuluyan na ngang binalot ang buong katawan ng batang babae.

Nagsimula na ring kumalat ang matigas na kristal sa kanyang paligid, binalot nito lahat ng madadaanan, mula sa halaman, sa mga hayop, at sa mga bundok na nakapalibot.

Matapos ang dalawang oras ay tuluyan na ngang nabalot ng isang napakakapal na kristal ang buong isla.

Parang nasa loob ng isang malaking snow globe kung titingnan ang buong lugar, kaya lang matatalim ang kristal na bumabalot dito, dahilan upang hindi basta basta makakaapak ang sino man.

Nagsimula namang lumakas ang alon sa karagatan na nakapaligid, unti-unti itong bumuo ng isang napakalaking alon at lumayo ng tatlong-daang kilometro mula sa isla upang magsilbing harang at maprotektahan ang isla laban sa labas.

Mula sa katawan ng dalaga ay may makapal na hamog ang namuo at unti unting kumalat sa buong paligid. Umabot ito hanggang sa kalangitan, nagkaroon naman ng ilang malalaking buhawi sa karagatan.

Nagsimulang magkaroon ng malakas na pagkulob at pagkidlat hanggang sa ang buong lugar ay tuluyan na ngang nakatago mula sa labas.

Walang sino man ang makakalapit sa isla dahil sa makakapal na hamog na pilit itong tinatago ito mula sa labas.




Year 2035...

Limang taon na ang lumipas ng umulan ng kakaibang bagay ang kalangitan, tinawag ng mga ito ang bagay na iyon na To dóro na ang ibig sabihin ay 'Ang regalo.'

Madami man ang nagkaroon ng kakaibang kakayahan ngunit hindi lahat ng mga tao ay natamaan sa nangyaring pagsabog,

Karamihan pa rin dito ay nakailag o kaya naman ay  sadyang hindi lang talaga pinalad na tamaan nung panahong iyon.

Dahil na rin sa biglang pagbago ay napilitang mag adjust ang mundo at bumuo ng panibagong mga batas upang mapanatili ang kaayusan.

Nahati sa dalawang klase ang mga tao sa mundo, ang mga 'Mahistiya' at 'Glosya'.

Ang mga Mahistiya ay ang mga taong nagkaroon ng kakaibang kakayahan matapos ang pagsabog, samantalang ang mga Glosya naman ay ang mga taong walang kahit na anong espesyal sa kanila.

Dahil na rin sa pagkahati ng mga tao ay nagkaroon ng diskremenasyon sa pagitan ng dalawa, patuloy na lumalaki ang ulo ng karamihan sa mga Mahistiya.

Dahil sa nakuhang kapangyarihan ng mga ito ay mas inisip nilang sila ang nakakaangat sa lahat, ang mga magagaling at ang perpektong mga nilalang.

May isang sikat na panukso ang mga ito sa mga Glosya tuwing magkakaroon ng duelo ang dalawa.

"Nung umulan ng kapangyarihan, wala ka, pero nung umulan ng katangahan ay sinalo mong lahat"

Dahil dito ay desperadong naghanap ng paraan ang mga Glosya upang malabanan ng patas ang mga Mahistiya,

Nagkaroon ng mga makabagong kagamitan, mga sasakyan at mga bagay-bagay na mas nakakapagpadali sa buhay ng lahat.

Dahil na rin sa biglaang pagbabago ay nagkaroon ng iisang lingwahe ang lahat, tinawag itong Esperanto.

Ginawa ito upang mapigilan ang hindi pagkakaunawaan ng mga tao dahil sa pagkakaiba-iba ng lingwaheng ginagamit.

Ang mga lingwaheng kinagisnan noon ay unti-unti nang nakakalimutan ng mundo.

I AM NUMBER 10: BOOK IWhere stories live. Discover now