Bigla nitong naramdaman ang unti-unting pag balot ng salamin sa kanyang dalawang kamay. Nang sa wakas ay tuluyan na itong mabalot, marahang humiwalay ang kanyang dalawang kamay mula sa mga braso nito.

Takot na napasigaw dito ang lalaki, di na nito pinansin ang tuloy-tuloy na pagtulo ng laway mula sa kanyang bibig.

Kitang-kita rin nito ang pilit na paggapang ng kasintahan papunta sa kanya.

Nakakadiring pagmasdan ang dalaga ng mga sandaling iyon dahil punong puno na ito ng umaagos na dugo, mula sa kanyang matingkad na kulay bughaw na mga mata hanggang sa kanyang ilong, bibig at tainga.

Agad na naningkit ang nagdurugong mata nito nang makita ang matinding pag-iwas sa kanya ng lalaki.

"I told you to help me, you cheating bastard!!!"

Ganoon na lamang ang panlalaki at takot na makikita sa mga mata ng lalaki ng maramdaman ang pamilyar na bagay na unti-unting gumagapang papunta sa pinakaiingatan nitong parte ng katawan.

Mas lalo itong kinabahan at matinding umiling.

"No, please. Babe, babe!"

Isang malakas at nakakatakot na sigaw ang narinig nung araw na iyon sa harapan ng isang restaurant pero walang pumapansin dito dahil halos lahat ng taong, nang mga oras na iyon, ay nagkakagulo na rin.

Lahat ng mga tinamaan ay nagkaroon ng kakaibang kakayahan, binago ng kemikal ang kanilang natural na DNA sa katawan.

Ang ilang hindi kinaya ay parang bombang sumabog, ang iba naman ay nagkaroon ng buntot at pangil, pati na ng mahahabang kuko.

Bumuga naman ng apoy ang iba. Para sa ilan ay nagkaroon sila ng kakayahang lumipad.

May isang bayan ding tinamaan ng napakalaking bagay dahilan upang lumubog ito sa tubig at tuluyan nang mawala sa mapa. Ngunit naging dahilan din ito upang ang lahat ng taong nakatira roon ay magkaroon ng kakayahang makahinga sa ilalim ng tubig.

Sa loob ng isang araw ay biglang nagbago ang lahat.

Sunod sunod ang pagbabalita ng iba't ibang estasyon sa bawat bansa.

Agad na umaksyon ang mga military ngunit nahihirapan din ang mga ito na kontrolin ang sitwasyon lalong lalo pa at ang ilan sa kanila ay tinamaan din ng bagay na bumabagsak mula sa kalangitan.

Nasira na rin ang ilang kulungan dahilan upang makatakas ang halos lahat ng malalaking kriminal sa mundo, ilan sa mga pulisya ay namatay sa kamay ng mga kriminal na iyon.

Mas madaling sabihing nawala na ang nakasanayang balanse sa mundo dahilan upang masira ang tamang daloy ng lahat ng bagay.

Sa kabila ng nangyayaring kaguluhan sa buong mundo ay may isang napakatahimik na isla sa gitna ng malawak na dagat ng Pasipiko.

Kitang kita rito ang napakalaking gusali, na hanggang ngayon ay umuusok pa dahil sa pagsabog na nangyari.

Hindi kalayuan sa lugar ay may isang nakahandusay na batang babae at wala nang malay.

Madaming nakakalat na debris sa paligid nito mula sa sumbog na gusali.

Sunog ang kalahati ng katawan ng bata at kitang kita na ang buto, ngunit nakakamanghang pagmasdan ang unti-unting paghilom ng sugat nito sa katawan.

Ilang minutong inaayos ng kanyang katawan ang sarili, hanggang sa wakas ay kusang bumalik sa dati nitong anyo ang bata.

Wala nang sugat ang makikita rito. Makinis at mapayapa ang mukha ng batang babae at wala nang bakas ng pagkasunog ang naiwan.

I AM NUMBER 10: BOOK IWhere stories live. Discover now