"Rinig mo ba yung puso 'ko? Ang bilis no? Kinabahan kasi ako sa tawag mo. Salamat sa Diyos at ayos ka lang. Akala ko kung anong nangyari sa iyo."

"Hindi ka pa daw nakain, sabi nila Sam. Tara, kain tayo?" Agad siyang umiling.

"Ma, hindi pwedeng Hindi ka kumain."

"Ayoko, natatakot akong kumain...... baka isuka ko lang uli." Marahang iniangat ni Daniel ang mukha niya.

"Nagsuka ka?" Kitang kita ang pagaalala ng huli. "Love, ang putla mo. Anong pakiramdam mo? Nilalagnat ka ba?" Sinapo rin nito ang noo at leeg niya.


"Namumutla ako?" Sumimangot siya, "Edi ang panget panget 'ko?"

"Mommybear...." Bulong ni Daniel. "Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakita 'ko. Alam 'ko, nasabi 'ko na yon, pero yun kasi ang totoo.... Pero ba, ano bang nararamdaman mo? Sige na, sabihin mo, kasi nagaalala na talaga ako."


"Nahihilo ako," Sinimulang masahiin nito ang sentido niya, "Naisuka 'ko na lahat kanina, pero pakiramdam 'ko nasusuka pa ako. Saka ang sama ng pakiramdam 'ko."

Humalik itong saglit sa noo niya. "Pacheck up tayo ha?"


-------------------------

"Mama Min, kasi po si Kathryn nagsuka daw kanina saka nahihilo ngayon, tapos namumutla. Medyo sinisipon na din po. Nag-aalala po ako, ipapacheck up 'ko na ho. Eh ano po, walang kasama ang mga bata dito. Pwede po bang dyan muna sila sa inyo? Ihahatid nalang po namin dyan.... Kung pwede lang naman po," Rinig niyang pakiusap ni Daniel habang nagbibihis siya.

"Sige po, Opo. Ihahatid nalang po namin sila Sam, Bye ma, salamat po talaga."

Nilingon na siya nito ng nakangiti. "Bihisan 'ko lang yung dalawa, ha? Saglit lang. I love you reyna 'ko"


"Mahal din kita hari 'ko. Mahal na mahal."

-----------------------

"Mom," Pangungulit ng bunso nila, "Are you feeling fine po? Kasi po you look a little sick?"

Kahit kailan talaga ay napakalambing ng babies niya. Tumango na rin siya, ayaw naman niyang mag-alala pa ang dalawa. "Are you sure mom?"

"As long as you behave, I'll be fine. Don't run too much ha? Mamita will go crazy."

"Promise."

---------------

"Patingin nga ng Kathryn," Narinig niya ang mama niya.

"Ay oo nga, namumutla."

"Ayaw nga pong kumain e." Napakamot nalang ang asawa niya.

"Naku, meron pang ano dito---"


"Ma, gusto 'ko luto ni DJ." Ungot niya.

"O, luto mo pala ang gusto, nak. E, Magpacheck up nalang muna kayo."

---------------------

"I think it would be better if you visit your OB first," Sabi ng doctor sa mag-asawa.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now