Chapter 10.1.2

Magsimula sa umpisa
                                    

"Promise, kiddo." Ipinulupot ko ang aking hinlilit sa kanya and it's a deal.

"Sir Danzel," mahinang tawag pa ni Janella sa may pinto. "Nandito na si Isay, Sir."

"Oh, really?" Hindi ko naiwasang mapangiti at nitong nakakaraan ay ni hindi ko rin siya nakikita dahil 'di ko magawang lumabas sa opisina. Gusto ko sana siyang imbitahan na mag-lunch ulit. "Please, send her in."

Tumango si Janella at agad ko namang nasalubong ang pilyang ngiti ni Rosel.

"Hmm..." Mataman siyang tumitig sa akin at hinagod ng isang daliri ang kanyang labi. "'Yung girl sa charity work natin the other week, Kuya?"

"Yes. And, so?" Kumunot ako at mas lalong lumuwag ang kanyang pagkakangiti.

"You like her."

"I don't," maagap na balikwas ko rin nang sagot.

"You really like her."

"I really don't."

"You really, really like her." Napahagikhik siya at napaawang lang ang labi ko sa kanyang reaction.

"You're unbelievable, kiddo," iyon na lamang ang sinabi ko at mas lalong lumakas ang kanyang tawa.

"I knew you too well, Kuya. Sa dami ng mga babaeng nagkagusto sa'yo, alam ko kapag trip mo talaga 'yung girl," siguradong sabi pa niya at umiling na lang ako.

"Sir Danzel?" Sabay ulit kaming bumaling sa pinanggalingan nang boses at mukha na ni Isay ang bumungad.

"Hey, come in, Isay." Tumayo ako at pigil naman ang ngiti ni Rosel. Sinamaan ko siya nang tingin pero umismid lang siya at tila nanunukso pa rin ang titig.

"Pinapatawag n'yo raw po ako?" Alanganin pa siyang lumapit nang mapahapyawan si Rosel na matamis namang ngumiti sa kanya. "Nandito pala ang kapatid mo, sorry..."

"Naku, Ate, okay lang." Tumayo si Rosel at agad na nilapitan si Isay. Napailing na lang ako at alam kong paniniwalaan niya ang gusto niyang paniwalaan. "Isay, right?"

"Yes." Alanganin pa siyang ngumiti at hinapyawan ako nang tingin.

"Ang ganda mo pala talaga kahit wala kang make-up." I rolled my eyes at pinagbantaan nang tingin si Rosel. "Are you busy today?"

"Today?"

"Yep. It's my birthday kasi. I am inviting you for dinner tonight."

"Hey, kiddo. Baka busy si Isay," noon na ako sumabat at pilyang ngiti pa rin ang isinukli sa akin ni Rosel.

"Oh c'mon, kuya." Dinilatan niya ako bago ulit balingan si Isay na parang nag-aalangan. Pakialamera talaga!

"So, are you free, Ate?" Hinawakan pa niya sa magkabilang braso si Isay na tila wala naman sa sariling tumango. "Good.'Coz I'll be expecting you." Kumindat pa sa akin si Rosel at bakas sa mukha niya ang waging ngiti.

"Um, Sir... Bakit n'yo nga po pala ako pinapatawag?" Baling pa sa akin ni Isay at hindi ko malaman ang dapat na isagot. Jeez... Not with my nosy sister around!

"I—" And, I don't know what to say! Shit!

"Um, Sir..." Si Janella na muling sumilip sa may glass door. Thank God!

"Yes?" I cleared my throat at huminga nang malalim.

"Hinahanap po kayo ni Ma'am Patty." No way!

"Patty?" Not again!

"Oh... Patty?" Nakangising ibinaling ni Rosel ang kanyang ulo para titigan akong mabuti. "Intsik ka ba Kuya? Lunch time talaga, huh?" nanunukso pang sabi niya. Napabuga ako nang hangin at sinamaan ulit siya nang tingin.

"Sir?" Pukaw ulit ni Janella sa may pinto at para bang sinasabing nasa malapit lang si Patty.

"Yeah, right. Let her in." Nagkamot ako ng ulo at hindi ko malaman kung anong drama na naman ang gagawin ko. Shit! Nandito pa naman si Rosel.

Tumango si Janella at lalong lumaki ang ngisi ni Rosel.

"Magpakilala ka kasi ng girlfriend para lumubay na!" payo pa ng magaling kong kapatid! Jeez...

"Will you shut the fuck up?" Umikot ako sa swivel chair at naupo.

"Sinasabi ko lang ang puwede mong gawin para hindi kung anu-anong alibi ang ginagawa mo. Alam mo namang crush na crush ka ni Patty. Bakit nga lulubay 'yan?"

Tumahimik ako at naiiling namang ngumiti sa akin si Isay.

"I have an idea!" Nagliliwanag pa ang mukhang sabi ni Rosel. She wiggled her brows at pasikretong inginuso si Isay.

"Oh no, you won't," banta ko pa.

"Trust me on this, Kuya. This will work."

"'Wag kang makialam dito."

Sa halip na sumagot ay umismid lang siya at itinuon ang atensyon sa babaeng papasok. Sa kulay pa lang, alam kong si Patty na!

"Hi, Danzel!" bungad pa niya sa may pinto pero agad ding napalitan nang pagkadismaya ang mukha nang makitang may mga kasama ako sa loob.

"Patty! Hey!" Oh yeah, it's getting harder to make an alibi. Jeez! Hindi talaga ako marunong manakit ng babae.

"May mga bisita ka pala." Alanganin man ay pumasok pa rin siya at ilang beses akong napapikit dahil sa kulay ng kanyang suot. Tangerine at lime green ang combination ng kanyang suot.

"Ate Patty!" masayang bati naman ni Rosel at sinalubong si Patty nang yakap at halik.

"Rosel, it's so nice to see you. Happy birthday," bati pa niya at pasikreto pang tumingin sa akin si Rosel. Paano nalaman ni Patty na birthday ng kapatid ko?

"How did you know?" takang tanong pa ni Rosel.

"Your parents invited us for dinner tonight," masiglang sagot pa niya. Nalaglag ang panga ko at palihim na sinenyasan si Rosel na gulat ding umiling nang bahagya. I thought it was a family dinner?

"Oh nice!" sarcastic pang sabi ni Rosel sabay kapit sa braso ni Patty. "Enjoy ang dinner for sure kasi dadalhin ni Kuya si Ate Isay."

"Huh?" Napakunot-noo si Patty na para bang hindi makapaniwala.

"Oh by the way, Ate Patty. Nameet mo na ba si Ate Isay?" baling pa niya kay Isay na laglag din ang panga at hindi malaman kung saan lulugar. Mukhang kahit siya ay hindi alam kung papaano magre-react.

"Ang daming beses ko siyang nakikita dito sa building. Taga deliver ng foods ng mga empleyado, right?" Mapakla pa siyang ngumiti at ngayon pa lang ay blanko na ako.

"Napakalihim mo naman, Kuya!" tila nanunumbat pang boses ni Rosel. Artista rin 'tong batang 'to! "Bakit 'di mo sinasabi na girlfriend mo si Ate Isay?! Hindi ka na nahiya! Ikinakahiya mo ba ang magiging hipag ko?" Muling nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi at may kung ilang beses na ginusto kong magsalita pero walang lumabas sa bibig ko! Fuck!

"Kiddo, you're going home, hmm?"

"What Kuya? Ano namang nakakahiya sa pagmamahalan ninyo ni Ate Isay." Umirap pa siya at mas lalong hinigpitan ang hawak kay Patty na namutla na yata.

"Look, Kuya..." Noon na lang bumitiw si Rosel sa braso ni Patty at nilapitan ako sa kinakatayuan ko. Hinila niya ako patayo at wala ako sa sariling napasunod.

Hinila rin niya sa kamay si Isay gamit ang kanyang bakanteng kamay sabay pinaglapit kami nang husto.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon