Agad kong nilapitan si Isay na noon ay basang-basa rin ng pawis at tila nahihiya pang tumabi sa akin.

"Ang init, 'no?" sabi ko pa at napangiti naman siya.

"Oo nga. Amoy suka na yata ako." Wala pa sa sariling inamoy niya ang kanyang damit at bahagyang ngumiwi. "Grabe ang init ngayon."

"Oo nga. Iba nga ngayon." Bumuga ako nang hangin at muling pinunasan ang mukha ko gamit ang aking face towel.

"Nasaan ang kapatid mo?" tanong pa niya at bahagyang iginala ang tingin sa paligid namin.

"Nasa sasakyan. Hihimatayin daw siya sa init." Napatitig ako sa kanyang mukha na basa rin ng pawis.

Wala naman ako sa sariling hinawakan ang kanyang mukha at pinunasan ang kanyang pawis, gamit ang kabilang bahagi ng face towel ko. Pero gayon na lang din ang gulat ko nang mapatitig sa gulat niyang mukha at noon ko na lang naisip ang ginawa ko. Shit Danz! What the hell is going on?

"Um, sorry about that. Pawis ka kasi," hingi ko rin naman nang paumanhin at ang pula ng kanyang pisngi.

"Ang bango naman ng pawis mo, Sir Danzel," nakangiting sabi pa niya at hindi ko naiwasang matawa. Kakaiba talaga itong si Isay.

"Ewan ko sa'yo, Isay." Umiling-iling ako at hindi ko maintindihan kung bakit ang ganda-ganda niya sa paningin ko. Hindi lang siguro ako sanay na nakikita siyang naka-shorts. I didn't expect na ganoon siya kakinis. Just like what my sister described her, she's really pretty. Natural nang mamula-mula ang kanyang pisngi at labi. Damn, those lips kissed me.

"Totoo naman kaya." Ngumuso siya at matamang tumitig sa akin. "Ang bango mo pa, ako ang angot ko na," natatawa pang sabi niya.

"Angot?" Kumunot ako at hindi ko naiintidihan ang salitang 'yun.

"Mabaho!" natatawang sagot pa niya at bahagya ulit dumistansya. "Nakakahiya ang amoy ko, Sir. Nakakaturn-off." Inamoy niya ang kanyang damit at bahagyang ngumiwi. "Baka sa halip na may chance na ma-inlove ka sa akin, e, biglang mawala pa."

Umiling ako at hindi na nagreact pa. Surprisingly, hindi na ako nagugulat sa mga binibitiwan niyang salita. I really don't know what happened, but her bluntness was kinda sound sweet to my ears. Well at least now, that I'm comfortable with her.

"Aren't you going home?" tanong ko pa.

"Magligpit kami saglit tapos tsaka pa lang uuwi." Bahagya pa siyang sumulyap sa kanyang relo bago ulit tumingin sa akin.

"Oh, maybe—" Natigilan ako sa pagsasalita nang may biglang tumawag kay Isay at parehas kaming napabaling sa pinanggalingan nang boses.

"Isay!" malakas pang tawag n'ung kaibigan niyang nakilala ko sa parlor. I just couldn't remember his name. May kasama rin siyang lalaki na hindi ko rin nakikilala.

"Odik?" Bahagya pa siyang kumunot pero nakatuon ang titig niya sa kasama nito. "Harold?"

"Isay!" Abot-tainga pa ang ngiti n'ung lalaki kay Isay.

Nang tuluyan silang makalapit sa kinalalagyan namin ay tsaka na lang din lumuwag nang tuluyan ang pagkakangiti ni Isay. Mukhang nasiguro na niya kung sino nga ba 'yung lalaki.

"'Wag mo sabihing nakalimutan mo na ako?" nakanguso pang sabi n'ung lalaki na parang gusto pang magtampo.

"Harold!" Tinapik ni Isay sa balikat 'yung lalaki at para ngang matagal na silang magkakilala base na rin sa mga reaksyon nila. "Grabe! Ang gwapo mo lalo ngayon, 'tol!"

"Talaga? Namiss mo man lang ba ako?"

"Oo naman! Kanina lang pinag-uusapan ka namin ni Verni."

"Talaga? Nasaan na ba 'yun?" Nagpalinga-linga pa siya sa court na halos maubos na rin ang mga tao. Tanging mga naglilinis na lang din kasi ang natira.

"Nauna nang umuwi at may raket pa raw siya."

"Pinuntahan kita sa parlor nitong si Odik. Wala ka pala d'un kaya sinamahan niya ako." Binalingan pa niya ang kaibigan ni Isay na sa akin pala nakatingin. Tipid akong ngumiti at tumango. Matamis na ngiti naman ang isinukli niya sa akin.

"Kaya naman pala ang tagal mo, Isay..." tila nanunukso pang sabi n'ung Odik pala at pasimple pa akong inginuso.

"Ay! Oo nga pala." Bumaling sa akin si Isay na para bang noon na lang niya naalalang nand'un ako. Really Isay? Akala ko ba ako ang pinakagwapo sa paningin mo?

"Harold, si Sir Danzel nga pala. Boss siya d'un sa pinagdedeliveran ko nang tanghalian at merienda," pakilala rin naman ni Isay sa akin at mataman namang tumitig sa akin 'yung Harold. "Harold, si Sir Danzel."

"Good afternoon po, Sir. Ikinagagalak ko po kayong makilala." Inabot niya ang kanyang kamay at kinamayan ko rin naman siya.

"Nice meeting you." Tumango ako at tipid na ngumiti. Seryosong binalingan ko si Isay na noon ay panaka-naka pa ring tumitingin kay Harold. "Um, I need to go now, Isay. Baka naiinip na rin si Rosel sa paghihintay," paalam ko na lang dahil hindi ako comfortable na may kahating atensyon kay Isay. This is insane!

"Ah, sige, Sir. Kami na ang bahala dito," nakangiting sabi pa ni Isay habang 'yung Odik naman ay abala sa pagtitig sa akin.

"See you again, Isay." Tinanguan ko pa siya at gan'un din naman ang ginawa ko sa dalawa pa nitong kasama.

"Ingat, Sir Danzel." Bahagya pang kumaway si Isay pero agad ding itinuon ang pansin sa kakadating lang na si Harold.

Inalog ko ang aking ulo at humugot nang isang malalim na buntong-hininga. Hindi nga lang siguro ako sanay na may ibang pinagtutuonan nang ganoong pansin si Isay. Wala lang ito.

Wala lang.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Where stories live. Discover now