After a long tiring day, halos kasabayan kong lumabas si Janella sa opisina. Pero sinadya kong dumistansya dahil alam kong susunduin siya ni DS. At mula sa glass walls ay natanaw ko silang magkayakap at masuyong hinahalikan ni DS si Janella. Wala ako sa sariling napangiti at napailing. It's been a while. I never had a girl by my side for the past few months. Masyado akong natuon sa trabaho at kahit pa lovelife ay nakalimutan ko na. Eventhough I'd been into casual dates and a few one night stand, I felt there was really something missing.

Nang makaalis na sina Janella ay tsaka ako nagpasyang lumabas ng building. Masyado nga yata akong pihikan at hirap akong makahanap ng girlfriend. But my work needed a lot of attention. At alam kong magiging unfair sa babaeng mamahalin ko kung hindi ko siya mapagtutuonan nang atensyon. But then, maybe kaya ko naman sigurong pagsabayin? Pero sino? Jeez Danz, kung anu-ano ang pumapasok sa isip mo! Damn!

"Danzel!" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at napakunot-noo. Nakangiting kumaway sa akin ang isang babae na sa tingin ko ay nakilala ko na kung saan pero hindi ko matandaan.

Tipid akong ngumiti at huminto sa paglalakad.

"Yes?"

"Hey... Buti na lang at naabutan pa kita," bahagya pang humihingal na sabi niya at napahawak sa kanyang dibdib.

"Anything I can do for you, Miss?" pormal na sabi ko lang at tila naman siya nagtatampong napanguso.

"Didn't you remember me? We met at the party."

"I'm sorry. But I've gone to many parties lately." Bahagya akong ngumiwi at alanganing ngumiti.

"Fine." She rolled her eyes and smiled. "Anak ako ng mga San Carlos?"

Pumilig ako at mataman siyang tinitigan sa mukha. "Fortunato San Carlos?"

"Yup!" Maluwag pa siyang ngumiti at napatulala na lang ako sa kanya. Oh fuck... she can't be?

"Oh, I remember." That's all I can say about that. Believe me, hindi ang tulad niya ang gusto kong maging girlfriend.

She look... well, um... a little different?

"I'm Patty. Patricia Miel San Carlos?"

"Oh yeah, Patty! Jeez... I'm sorry about that!" Agad kong isinuksok ang dalawang kamay ko sa bulsa at mukhang mapapasubo pa yata ako.

Patty is... Okay, she looked a little odd. She has a red hair, thick eyebrows, big brown eyes and a bee-stung lips? If you know what I mean. But then, wala akong choice but to be nice to her. San Carlos and Montenegro are very good friends.

"Are you free? Can you join me for dinner?" nagpapa-cute pa niyang tanong at hindi ko naiwasang mapalunok. Paanong naging San Carlos 'to ay ang ganda naman ni Tita Victoria? I was referring to Tatay Fortunato's wife. And yeah, her cousin Scarlette was so damn hot.

"Um... I-i..." Shit. I don't know what to say. Going out with her was totally a bad idea. I almost slept the last time we had a chat and I couldn't even recall a single thing.

"Hi Danz!" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Oh fuck! Not again!

"Isay..." Mapakla akong ngumiti at ngayon pa lang ay gusto ko na magtatakbo palayo sa kanilang dalawa. Kung sana nakuha man lang ni Patty ang hitsura ni Isay, wala sana akong problema.

"Tara na po, Sir. Diba, pupunta tayo sa orphanage ngayon?" nakangiting sabi pa niya sabay palihim na kumindat sa akin. Oh... is she trying to save me from Patty?

"You know, Isay..."

"Sir?" Pinaningkitan niya ako ng mga mata at pasikretong itinuro si Patty na para bang naiinis.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon