NUMBER 001

12.1K 372 14
                                    

YEAR 2030... 

Rinig na rinig ang isang malakas na sigaw ng isang batang lalaki habang nakahiga sa isang duguang hospital bed.

May iba't ibang klase ng medical apparatus na nakakabit sa katawan nito, halos hindi na nga maaninag ng maayos ang mismong katawan ng maliit na bata. 

Pinapalibutan ito ng mga taong nakasuot ng puting laboratory gown, na ngayon ay seryosong nakatingin sa loob ng glass room, kung saan kasalukuyang nagwawala ang kawawang batang lalaki. 

Sa kabila ng patuloy na pagsigaw ng bata ay walang sino mang nandoon, ng mga oras na iyon, ang kumilos para tulungan ito.
 
Ilan sa kanila ay patuloy lamang ang pagsusulat sa kani-kanilang hawak na mga kuwaderno habang ang iba ay matalim na inoobserbahan ang pagbabago mula sa katawan ng batang lalaki sa pamamagitan ng mga monitor na kaharap.

Biglang tumunog ng malakas ang isang alarma na nangangahulugang hindi na maganda ang nangyayari sa katawan ng bata. 

"It's dropping!"  

Habang patagal ng patagal ay mas lalong lumalakas ang sigaw ng batang lalaki ngunit parang mga bingi ang mga taong nakapalibot dito.

Walang kumurap sa mga ito kahit na patuloy ang nakakaawang pagsigaw ng bata.

Maya maya pa ay biglang tumahimik ang kanina'y maingay na lalaki at hindi na muling kumilos pa. 

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong silid, hindi makapaniwala ang mga ito sa kinahinatnan ng batang lalaki.

Pagod na napabuntong hininga na lamang ang mga taong nasa paligid at walang sino man ang gustong magsalita.

Parang namatayan ang mga ito ng mga oras na iyon, inis na ibinagsak ng ilan ang papel na hawak, habang ang iba naman ay galit na napasuntok sa hangin.

Ilang sigundo rin ang lumipas na walang nagsalita sa mga ito. 

Malumanay na isinuot na lamang ng isang babae ang kanyang salamin bago nilagyan ng pulang stamp ang isang papel na may impormasyon tungkol sa batang lalaki. 

"Test subject Number 12025008 has Failed."

Mahinang anunsyo nito ngunit walang nagsalita sa mga doktor. Sa mismong silid na iyon ay may isang malaking kahon na gawa sa isang makapal na salamin, kung saan nakahiga sa loob ang batang lalaki na wala nang buhay.

Malaki ang buong silid, at may mahigit na limampung mga doktor ang nag oobserba sa kasalukuyang ginagawang eksperimento.

Sa gitna ng nakakabinging katahimikan ay may isang napakalakas na lagabog na narinig. Nagkalat ang ilang kagamitan mula rito.

Galit na lumingon sa kanila ang isang pamilyar na lalaki. Inis na tinapon nito lahat ng gamit na mahahawakan ng kanyang mga kamay dahilan upang takot na lumayo sa kanya ang ilan kasamahan.

"Fuck this! Bring the other child!"  

"But sir Number 09 need to rest, if he can't--"  

"Bring him here now!!!" 

Agad na nanginig ang mga ito sa takot, wala sa sariling napaatrasa ang mga taong nasa loob, patakbo namang lumabas ang tatlo sa mga ito upang kunin ang isa pang bata. 

Can't everything get right?  

Biglang bumukas ang napakalaking pinto, pumasok mula rito ang tatlong doktor. May tulak-tulak na hospital bed ang mga ito habang nakahiga roon ang nanghihinang batang lalaki.

Sobrang putla na nito at aakalain nang sino mang makakakita na isa na itong bangkay, kung hindi lang ito patuloy sa pagdaing. 

Agad na inilagay sa loob ng glass room ang kawawang batang lalaki na nasa sampung taong gulang pa lamang. Isa-isang kinabit ang mga tubo sa katawan ng bata dahilan upang malakas na mapasigaw ito sa bawat pag kabit ng iba't ibang klase ng apparatus sa kanyang katawan. 

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon