"Nasan ang family ni Javi?" natanong ko na lang bigla.

Napatingin naman sila sakin. "Kanina nandito sila. They just dropped by and told us na mag-enjoy. I think, tayo-tayo lang dito e." sagot naman ni Zyrel at nilubog yung paa sa pool. 5:30 na rin kasi ako nakapunta dito kaya siguro di ko naabutan. Hindi ko rin alam pero gusto kong makita yung family ni Javi, wala lang.

"Yow, birthday boy!" napalingon kami sa bagong dating. Lumapit ito kay Javi at tinapik sa balikat.

"Bakit parang gulat na natatakot ang mukha ni Javi?" tanong ni Vane. Akala ko ako lang nakapansin nun. Hindi kasi maipinta yung mukha ni Javi. Parang kinakabahan na ewan. Tinitigan ko ng mabuti yung lalaki, he looks familiar pero hindi ko alam kung san ko sya nakita. Basta ang alam ko nakita ko na sya.

Maya-maya lang pumasok yung lalaki sa cottage kaya nawala na yung atensyon namin sa guy. "Ano na nga palang balita kay Jace?" tanong ni Zyrel kay Rein. Bakit ba ang hilig nilang pag-usapan yung tao sa harap ko? Tsk. Pero kasi naman kasi e! Ang kapal ng mukhang makipagdeal tapos hindi pa tapos yung isang buwan tapos nagkaganun lang tinapos na agad. Tsk! Hindi ko naman intensyon na ganun nga mangyayari tapos di pa ko pakinggan. Ih!

"Hoy nalukot na naman mukha mo." tinapik ako sa hita ni Vane, sinamaan ko lang sya ng tingin. Narinig ko namang tumawa yung tatlo. Tss.

"Umuwi na sa kanila. Di ko alam kung nagkusa o pinauwi na e." sabi ni Rein. Ayun pa isa, kapal ng mukha makitulog samin. Di man lang tumanaw ng utang na loob. Sana man lang pinag-explain ako.

"Eh pupunta ba yun mamaya?" tanong pa ni Zyrel.

"Oo yata? I dunno. Teka---" tiningnan ni Rein si Zyrel na medyo ewan ko ba?

"Napapansin ko lang, tanong ka ng tanong about kay Jace. Don't tell me" nanlaki yung mata ko at tiningnan ko si Zyrel. Tumawa naman ng malakas si Zyrel at tiningnan ako.

"Curious lang tsaka tinatanong ko na yung gustong itanong nung isa dyan na di matanong tanong." mas lalo namang nanlaki ang mata ko. Ano raw?!

"Hoy! Ano ka dya---"

 

"Oh defensive. Ikaw ba? Hah?" napatikom agad ako ng bibig at umiwas ng tingin. Ayan. Tapos pagtutulungan na nila ko. Tsk! Bago pa nila magawa yun, nginusuan ko na lang at nilayasan sila. Dumiretso ko sa cottage at kumuha ng bote at nagsalin ng coke. Nakakastress sila.

Habang umiinom ako syang pagpasok ni Javi at nung lalaki kanina sa cottage. Nginitian ako nung lalaki, naghesitate pa kong ngumiti pero nginitian ko na lang din. Umupo lang ako sa tabi at nakiramdam.

"Pre! Kanina ka pa kain ng kain e!"

"Tumutulong naman ako!"

"Abot mo nga yun, girl."

 

His PropertyWhere stories live. Discover now