After kong magpalit, hinatak na naman nya ko sa men's clothes. "Stay there. Once na tumakas ka alam mo ang pwedeng mangyari sa shota mo." banta nito. Nagroll eyes lang ako at naupo dun sa couch dito. Tsk. Pwede na naman akong tumakas kaso kahit papano may puso pa rin ako. After 10 minutes bumalik na rin sya at nakapagpalit na. Nakasuot to ng Dyed black and white v-neck shirt, white jeans at vans. Honestly, may ichura sya. No, gwapo sya. Kung tutuusin sa suot nyang yan para syang model, model sa impyerno.

Ngumisi naman ito nang mapansing nakatingin ako sa kanya. Hinatak na naman nya ko ulit palabas na ng mall. Sumakay ulit sa kotse at hindi ko na alam kung san kami pupunta. Napansin ko ring malayo-layo na rin kami. "May license ka ba?" tanong ko sa kanya. Hindi naman siguro masamang magtanong diba?

"Yep."

 

"How old are you?" pagtatanong ko pa. "Why are you asking me questions? Interesado ka sakin?" pagkatapos ay tumawa sya ng malakas. Inirapan ko lang to at binuksan yung radio nang hindi naman ako mabored.

"I'm just asking, fool. Masamaba yon?" pagtataray ko. Napa-tsk na lang to. Somehow, kaugali nya si Jace pero mas mabait si Jace. I mean, basta! Mas gusto ko pa yatang kasama yung halimaw na yun kesa dito.

"18." sagot nito. Napatingin ako agad sa kanya na gulat. Magsseventeen ako this year kasi nga late akong pumasok pero ito naman 18 na?!

"How come na fourth year ka pa lang?"

"I studied in States." simpleng sagot nito at nagets ko na naman yun. Ganun naman lagi e.

"Where are we going?"

 

"Basta." napa-tss na lang ako at naalala kong hindi pa ko nagpapaalam kay Kuha. Kinuha ko yung phone ko at tinext si Kuya Ace. Sinabi ko lang na nasa bahay ako ng classmate ko at gumagawa ng project. Hindi ko naman pwedeng idahilan sila Vane dahil baka tumawag yun dun.

Pamaya-maya lang ay huminto yung kotse. Tiningnan ko yung paligid at nakita kong nasa isang parang park kami. Hindi ko madescribe yung lugar pero i definitely like it, ang ganda dito. Lumabas na kami ng kotse at nagsimulang maglakad. Napansin kong sa isang side ay bay tapos may mga restaurant. Para lang sya sa Manila Bay pero hindi. May mga nagbabike rin na couples at napansin kong may playground kung san naglalaro yung mga bata. Basta ang ganda dito, bakit ba ngayon ko lang nalaman na may lugar na ganto dito?

Pumasok kami sa restaurant at naghanap ng vacant. Pagkaupo namin, tiningnan nya ko. "What?" tanong ko sa kanya pero umiwas lang to ng tingin at umubo.

"Good Afternoon Sir and Ma'am. Here's the menu." abot nung babae samin nung menu. Kinuha ko naman at nagtingin tingin ng pagkain. Halos lahat mukhang masarap pero hindi naman makapal mukha ko parang umorder.

"Anong gusto mo?" tanong sakin ni Darex. Binaba ko yung menu at sinabing sya na ang bahala. Tumango lang sya at sinabi sa babae yung order namin. Habang iniintay yung order namin biglang nagring yung phone ko. Napatingin si Darex sakin at sinilip yung phone ko. Si Jace.

His PropertyWhere stories live. Discover now