"Nakakainis naman. Wala pa nga akong sinasabi" malanding reklamo niya na kala niya hindi ko narinig. Naku napakakulit.

Natigil lang ang paglalambing niya sa 'kin when our friends decided to join us sa pool.

"Akala namin sabay-sabay tayong maliligo. Nauna na pala ang lovers"

"Para raw makarami" segunda ni Janice kay Ericka at sabay silang humagikgik.

"Palibhasa Janice, hindi ka makachance kay Mayumi"

"Ano Blue? sino nagsabi sa 'yong makisali sa usapan ng matatanda?"

"Sorry na Lola Janice"

"Ah lola pala ha? Halika rito, gagawin kitang violet!" sindak ni Janice saka nilangoy ang pagitan nila ni Blue.

"Hindi naman kasi ako bata! Almost two years lang agwat niyo sa 'kin!" reklamo naman ni Blue habang si Janice ay nagpapabigat para malumos silang dalawa.

"Ang isip bata talaga ni Janice kahit gurang na!" sabi ni Lei sa gilid ng pool.

Tumawa na lang kami ni Ericka sa kulitan nila. Lately, nagiging kasama namin ang friends ko o kapag nasa trabaho naman ako ay si Blue at Lei ang isinasama nila para gumimik o mag-gym.

It's been a couple of months since mag-usap kami ni Blue about sa pagbabalik ko sa pagmomodelo. Akala ko hindi siya sasang-ayon dahil ayaw na nito mapunta ulit sa limelight kung hindi basketball ang dahilan but she still chose to support me.

Nahihirapan nga lang siya minsan dahil sa paghatid at sundo niya sa 'kin sa trabaho pero nakikita kong tinatatagan niya ang loob niya.

"Nga pala nasaan si Lei? Nakita ko 'yon kanina eh" sabi ni Janice matapos nilang magkulitan ni Blue. Kawawa naman ang mahal ko, parang napasukan ng tubig ang tainga niya dahil inaalog-alog pa nito ang ulo niya nang makalapit sa 'kin.

Luminga naman kami sa paligid at nakita si Lei na hinubad ang suot na shirt saka bumwelo ng takbo papuntang pool.

"Coming thru!!!"

Lahat kami ay tinry umiwas sa pagdive ni Lei at sa tubig na umapaw nang magdive siya. Buti na lang at mabilis si Blue, agad niya akong nahila palayo para hindi matalsikan ng tubig dahil sa ginawa ni Lei.

"Ano ba 'yan Lei, nabasa mukha ko!" reklamo ni Ericka habang pinupunasan ang mukha.

"Para saan pa nagdip ka dito sa pool?" pambabara ni Lei.

"Oo dip lang talaga pakay ko rito. Ikaw napakaraskal mo, mamaya may matamaan ng mahabang katawan mo!"

"Pero mas tinamaan yata ako sa 'yo Ms. Ericka" malanding sabi ni Lei at ngumiti sa huli nang nakakaakit. Lahat naman kami ay napacheer sa sinabi ni Lei, crush na crush niya kasi ngayon si Ericka at lagi itong inaasar para magpapansin.

"Asus! Si Ms. Ericka naman pala ang target, tara na guys umahon na tayo nang sila ang makarami" tatawa-tawang sabi ni Janice. Kinikilig pa habang kunwari'y pinapaalis kami ni Blue sa pool.

Maya-maya pa ay napatingin kami kila Lei at Ericka na nag-aaway na naman.

"Do'n ka nga Lei, napakakulit mo" sita ni Ericka habang pilit siyang niyayakap ni Lei sa likod.

"Eto naman si Ms. Ericka napaka-arte. Huwag ka ngang pakipot para may partner rin ako. Tingnan mo si Kean at Clarise oh, ang sarap punpunin ng langgam" turo naman ni Lei sa kapatid ko at kay Kean na nasa baluster ng bahay habang nakaupo't may pinapanuod sa cellphone.

"Oh edi makisali ka ro'n, total mukha ka namang langgam eh"

"Naku nag-aaway na naman 'yong gatas at kape natin"

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now