Chapter 65: Birthday Preparation

1.2K 115 35
                                    

Wala munang dedication this chapter kasi walang mention option sa browser mode ko ngayon. Kaya ayern, enjoy reading na lang po muna hehe

♥♥♥

August pa lang, kinokontrata na nina Tita Tess sina Mami na sa December nga, pupunta akong Denmark para mag-present ng for PH branch lang dapat na company ng mga Dardenne.

September, pinupulido na nilang lahat para sa December, aalis na lang. Sabi ni Tito Ric, possible daw na buong December, nasa Denmark kami. Todo ready pa ako, tapos bigla kong malalaman . . . sa December nga rin pala uuwi ng Manila si Sabrina tapos babalik ng Amerika bago matapos ang buwan.

Ayokong mag-overthink.

Ayokong isipin na excited silang umalis kami kasi babalik si Sab sa Pilipinas. Tapos babalik kami kung kailan nakaalis na siya.

Gusto kong tanungin na bakit ang timing naman yata? Bakit parang naka-schedule na kahit matagal?

"Tita, wala akong gagawin sa November, ayaw n'yo sa November?" tanong ko kay Tita Tess isang umaga pagdalaw ko sa mansiyon.

"Akala ko ba, November manganganak si Kyline?"

"Oo nga. Pero one day lang naman manganganak si Ky, di ba? Baka puwedeng ma-adjust."

"Bakit? Saan ka pupunta sa December, hmm?"

"Uhm . . ." Napaisip ako. "Magpapasko kami nina Dadi!"

"Kasama sila sa Denmark. Hindi ka nakikinig."

"Kasama sila?"

Tiningnan lang ako nang masama ni Tita Tess.

Oo nga pala, kasama nga pala ang parents ko kaya todo pakiusap sina Tita na four months ahead, pinalilinis na ang schedule naming pamilya.

Si Tito Ric lang ang kasama namin doon. Susunod daw si Tita Tess after a week pero babalik din sa Pilipinas after ng pinaka-presentation ko.

Gusto kong itanong kung ayaw ba nilang magkita kami ni Sabrina kaya nila itinaon sa December ang alis namin.

Ang hirap tuloy humanap ng dahilan para hindi tumuloy kasi planado na, e. Kahit sina Dadi, naglinis talaga ng kalendaryo nila para lang sa presentation ko.

Buong September, wala akong ibang ginawa kundi i-polish ang website na ginawa ko for PH branch ng company ni Tito Ric. Apat na brands ang hawak ng company ng D&D ngayon. Nasa Manila site ang isa sa factory nila. Nakikiusap na ako kay Mother Shin na ibalik nila yung dating option ko na tig-2k lang para maabala naman ako ng ibang tao paminsan-minsan.

Ayokong mag-girlfriend na talagang commitment kasi . . . ewan ko ba? Hindi ko na nararamdaman ang threat na naramdaman ko noon kay Rico mula nang may mangyari sa amin ni Cheska. Parang ang siste kasi sa utak ko, hindi pala lahat ng babae, type si Rico.

Kasi, siyempre, nasanay ako noon sa Zamboanga na siya saka si Mat ang nagpaparamihan ng crush. Ako, so-so lang.

Ngayong matatanda na kami, na-realize ko na . . . wala siya sa looks. Nasa personality siya. Na kahit hindi gold na green ang mata ko at anak ako ng bilyonaryo, mas lamang ako kay Rico pagdating sa communication sa mga babae. Daddy namin siya kasi authority-wise, kaya niya kaming buhating magbabarkada, pero authority rin niya ang hindrance kaya bihira ang babaeng nakakatagal sa kanya.

At . . . ang takot ko noon na maagawan ng babae, napalitan ng takot na ayoko siyang agawan. Kaparehong takot na meron ako noong nakaya kong maging first honor kapag sineryoso ko lang ang competition sa pagitan namin.

Kasi alam ko sa sarili ko na kapag ako ang gumusto sa isang bagay—o tao—na gusto niya, hindi ako pagpapawisan, makukuha ko 'yon agad.

At ayoko n'on.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now