Chapter 7: Favored Kids

1.1K 126 37
                                    


May mga bagay na bigla-bigla na lang magpa-flashback sa utak mo kahit hindi mo naman kailangan—mga alaalang bigla na lang sumusulpot kahit hindi mo alam kung nangyari ba talaga.

Nanaginip ako. Kakaibang panaginip.

May babae akong nakita, pero malabo ang mukha niya. Nakangiti lang siya sa 'kin. Parang may sinasabi siya habang sinusuklay-suklay niya ang buhok ko.

Hindi ko alam kung ilang beses akong nanaginip ng ganoon.

Para kaming nasa kuwarto pero itim ang pintura. Lagi kaming nag-uusap. Lagi siyang nakangiti at may sinasabi na tinatawanan ko naman pero hindi ko natatandaan ang sinasabi niya. Walang boses, pero nagkakaintindihan kami.

Minsan, ganoon. Pero minsan din, sobrang lapit namin sa isa't isa. Yung halos magkadikit na ang mga mukha namin habang nag-uusap. Tapos bigla ko siyang hinahalikan. Pero hindi siya galit noong ginawa ko 'yon. Nakangiti lang din siya tapos hinalikan din niya ako.

Sinubukan kong kilalanin ang mukha niya. Hindi ko pa siya nakikita kasi parang nasa 20s na siya. At wala naman akong kakilalang nasa 20s na babae maliban sa music teacher namin at sa mga practice teacher.

Alam kong kilala ko siya pero hindi ko pa siya nakikita kahit na kailan.

"Clark, sana gumising ka na."

Ang bigat ng pakiramdam ko.

Alam kong gising ako pero hindi ako makagalaw. Yung pakiramdam na kahit anong utos ko sa mga daliri kong kumilos, ayaw nilang kumilos. Para akong paralisado, pero alam ng utak ko na gising ako.

"Clark, sabi ni Daddy, if hindi ako magiging responsible sa actions ko, people will die in front of me."

Nakahiga lang ako, hindi rin ako masyadong makadilat. Parang nakadikit na ang likod ko sa kama, hindi ako makabangon.

"Sabi ni Mum, we have to go sa other hospital para ipagamot si Sab."

Hindi ko alam kung anong oras o araw na. Hindi ko rin masabi kung gaano katagal na akong natutulog. Pero ang sakit na rin talaga ng likod ko sa paghiga.

"I'll visit you every time na possible, Clark. Sana gumaling ka agad."

Wala akong idea kung paano bibilangin ang oras habang nakapikit. Basta ang alam ko lang, kapag bumukas ang pinto at gumalaw ang upuan sa tabi ng kama, ibig sabihin, nasa loob si Rico.

Matagal pang hintayan ang dumaan bago ko naimulat ang mga mata ko. At sobrang sakit sa mata ng liwanag galing sa bintana.

"Hi!"

Unti-unting gumilid ang mata ko at nakita ko ang isang babaeng may hawak na clipboard. Binati ko siya ng hello pero walang lumabas na kahit ano sa bibig ko. Naigalaw ko lang nang kaunti ang hintuturo ko.

"At last, may improvement na rin! Wait lang, ha. Tatawagin ko lang si Dok."

Dok.

Ospital.

Pagdilat ko, nurse ang una kong nakita. Ipinatawag ang mga doktor, si Dadi, si Mami. Nag-uusap-usap sila, may sinasabi na hindi ko maintindihan. Pero habang abala sila, saka ko lang napansin na hindi lang pala kami ang tao sa loob.

Meron palang ibang bata sa kabilang kama.



♥♥♥



Malaki ang hospital room. Private room daw iyon para sa dalawang pasyente. Walang ibang available na kuwarto sa ngayon kasi may pasyente raw na VIP sa iba kaya hindi kami malagay sa magkahiwalay na kuwarto.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now