Chapter 94: Decisive

1.1K 113 32
                                    


Akala ko, makakaligtas na ako sa inis ni Rico kanina noong nahuli niyang kandong ko si Sabrina. Akala ko lang pala 'yon.

Nag-uuwian na ang lahat nang kaladkarin niya ako, hawak ang kuwelyo ko, papunta sa gilid ng hagdanan saka ako halos ibalibag doon.

"Dude, ano ba naman 'yan?" Napapakamot tuloy ako ng ulo. Hindi talaga 'to makaka-move on.

Sumulyap ako sa kanya, nakapamulsa siya at naiirita nga ang tingin sa akin.

"Wala akong ginawa sa kapatid mo."

"Gusto mo ba si Sabrina?"

"Ano ba 'yan?" Napakamot agad ako ng ulo.

Ano bang klaseng tanong 'yon?

"Rico, alam mo—"

"You answer my question. Ayokong ulitin ang tanong."

Nagbuntonghininga ako at tinitigan siya kung seryoso ba.

'Tang ina, seryoso talaga, e.

Napaiwas na naman ako ng tingin sabay kamot ng ulo, o leeg, o batok—basta!

"Now, you can't answer."

Nagkrus na siya ng braso at pinagtaasan na ako ng mukha.

Bakit? Ano ba dapat ang sabihin ko?

"If you don't like my sister like how she likes you, just leave her alone."

Doon na sumeryoso ang tingin ko kay Rico. "Rico, alam mo naman kung ano si Sab sa 'kin, di ba?"

"She's a sister to you," mabilis niyang sagot, at 'yon ang inaasahan kong sagot. "Pero hindi na siya ten years old, Clark. She's twenty-one. And you don't have to do those things na ginagawa mo noong bata pa siya because hindi na appropriate."

Ang lalim ng buntonghininga ko at napaiwas na naman ako ng tingin.

Alam ko naman. Naintindihan ko naman 'yon.

"May gusto ka ba sa kapatid ko?" mahigpit na niyang tanong.

Marahan akong umiling. "Hindi ko alam."

Pagsulyap ko sa kanya, tumatango na siya sa sagot ko. "Then leave Sabrina alone. Alamin mo kung hanggang saan ka lang."

Papaling na siya paalis nang awatin ko. "Rico . . ."

Lalapit na sana ako nang matigilan na naman paglingon niya. "You know me, Clark. Kung yes, yes. Kung no, no. And no buts, no reasons, no anything in between. Uncertainty mo ang ayokong ibigay para sa kapatid ko. And if you don't know where you stand at this point, ako na ang magbibigay sa 'yo ng lugar mo." Dinuro na naman niya ako. "Mambabae ka, do whatever you want, and leave my sister alone."

Para akong dinaanan ng malamig na hangin sa puwesto ko habang nakatulala sa sahig, nakikita sa gilid ng mata si Rico na paalis.

Sa mismong segundo na 'yon, kahit ako, hindi ko na rin alam kung saan ako lulugar.

Naglakad ako palabas sa kanila nang balisa.

Nag-drive ako paalis nang balisa.

Dumeretso ako sa seaside nang balisa.

Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ang tanong ni Rico.

"Gusto mo ba si Sabrina?"

Nalulungkot ako sa sagot ko. Kaya ko kasing sagutin 'yon ng HINDI nang hindi nagdadalawang-isip.

Hindi ko kasi kayang makita si Sab bilang babaeng magugustuhan. Hindi ko kasi siya kayang tingnan kung paano ko tingnan ang ibang babae. Hindi ko kayang maramdaman sa kanya ang naramdaman ko kay Mother Shin.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now