Chapter 109: GFF #3

1.1K 112 65
                                    

Ganito ka-boring ang buhay ko ngayon na may update pa rin kahit nakahiga ako hahahaha

♥♥♥

Nagpapaka-dramatic na naman si Rico kasi may gusto siya kay Jaesie, at ang problema, "nagde-date" kami ni Jaesie ngayon.

Hindi ko alam kung kailan nag-start, pero hindi ko naman kasi alam na kaya hindi ako kinokompetensiya ni Rico ay dahil kapag nakita niyang akin, ang iniisip niya, akin na talaga 'yon until the end of time. May something about authority, possession, and territorial shits doon sa idea na parang "sa kapatid mo na 'yan, ibigay mo na 'yan sa kapatid mo." Parang ganyan.

Daddy Rico is Daddy Rico. Nag-e-emit nga siya ng aura na mukha siyang bibili ng buhay ng tao minu-minuto, pero hindi naman namin siya tatawaging Daddy Rico nang walang dahilan.

Kaya niyang kunin lahat, basta hindi sa amin. Kukunin niya lahat basta para sa amin. Isa 'yon sa hindi namin kayang gawin para sa buong barkada kung kami lang ang magde-decide isa-isa maliban sa kanya. Isa 'yon sa hindi ko maintindihan kung nasa dugo ba talaga ng mga Dardenne at nag-transcend lang sa kanya o ano. Yung ang greedy mo pero ang generous mo rin. May kung ano sa confidence nila na ang hirap i-decipher kaya pati tuloy kaming barkada, nagkaka-existential crisis kung ano ba ang dapat gawin kay Rico.

"Hindi natin puwedeng ibigay si Jaesie sa kanya," mahinang sabi ni Calvin.

May miting de avance kami sa sulok ng pool. Si Rico, maaga natulog kasi . . . maaga naman talaga siya natutulog kasi maaga rin siyang gigising para lutuan kami ng almusal bukas.

"I doubt din na papayag siyang ibigay sa kanya si Jaesie," dagdag ni Will.

"Tanungin n'yo muna si Jae kung papayag siyang ibigay siya, wala namang sila ni Clark," pagbasag ni Leo sa usapan namin.

Sabay-sabay kaming napabuntonghininga at napaisip na naman.

"Jaesie is easy to approach," paliwanag ni Patrick. "Like . . . sobrang easy for Rico."

"No'ng kayo ba ni Jae, walang hassle manligaw?" tanong ni Leo kay Pat.

Mahina namang umiling si Pat. "She's welcoming. Although, may something sa confidence niya na overflowing."

"Ang scary siguro kung maging sila ni Daddy Rico," biglang sabi ni Will. "Hindi ba sila mag-aaway? I mean, they did na, right?"

"Baka kayang i-work out," katwiran ko, namamapak na lang ng adobong mani sa tabi. "Nag-aaway rin naman kami ni Jaesie, pero may saved by the bell moments din naman ako. Kailangan lang pakinggan ang side niya tapos okay na."

"Ano ba talaga score n'yo ni Jae?" tanong ni Calvin sa 'kin. "Nililigawan mo ba o hindi?"

"Medyo complicated kasi," kuwento ko. "Yung best friend kasi niyang may personality and anger issue, laging nante-terrorize."

"A, si Myles," nakangiwing sabi ni Calvin. "'Tagal nang maldita 'yon. Pero mas maldita pa rin si Melanie."

"Inaway ba n'on si Mel?" tanong ko.

"Once. Cat fight sila, hindi siya nakapalag, e." Biglang tumawa si Calvin sabay inom ng beer.

"Mel can peel off anyone's face, Clark. Jaesie's best friend should have shut her mouth."

"Talaga," sagot ko.

"Nakausap ka na ni Myles? Inaway ka rin?" tanong ni Calvin.

"Last year. Binato ko ng unan sa mukha."

"Hahahaha!" Ang lakas na naman ng tawa ni Calvin pero sinalpakan agad namin ng maraming mani sa bibig kasi ang ingay.

"'Pag talaga nagising si Rico, sapak ka sa 'min isa-isa."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now