Chapter 47: The Stag Party

1K 114 53
                                    

Ayern, gusto ko sanang putulin itong part kasi mas gusto ko yung next chapter hahaha pero siyempre, dapat nating pagdaanan itong lahat. ULIT. Anyway, this chapter is dedicated to GroundbreakingDawn na isa sa tambay sa ating comment section last chapter. Naka-random pick na ako ng readers today sa dedication to give chance sa mga wala pang dedication. Ayaaan. Enjoy reading, gaiz!


♥♥♥ 


Alam ng mga taga-Coastal, o kahit nitong sina Elton na hindi ako natatakot sa baril o kahit anong threat nila. Pero nandito kasi ang barkada ko, at kaya nga ako laging nasa malayo sa kanila, kasi kapag nagkagulo, at least, alam kong ligtas sila.

Pero iba kasi ngayon. Magkakasama kami.

Pagpasok namin, hindi na ako nagulat na ang daming babaeng naka-bikini lang at may ibang sumasayaw sa mababang stage.

Binilang ko kung ilan silang nandito. Dose silang nasa loob, nirentahan ang buong VIP room.

Napatingin ako sa tiyan ko nang may mahinang tumapik doon. Pagtingin ko sa may-ari ng braso, si Calvin pala at nakamatyag din sa paligid.

"Pat, cover your nose," utos agad ni Rico, at alam ko nang naamoy na rin niya ang mabahong amoy sunog na 'yon.

Hindi lang si Pat ang nagtakip ng ilong. Kaming lahat, nagtakip din para kahit paano, masala ang amoy bago pa kami maging high.

Hindi bago ang club sa barkada. Pero hindi ganitong club ang pinapasok namin kasi alam naming hindi ligtas sa ganitong klaseng night club.

Ultimo phone ng barkada, pinaiwan sa locker. E sa ibang club nga, wala naman silang hinaharang na ganito. Narananasan ko lang 'to sa Red Lotus kaya nga kapag napupunta ako sa mga bar, wala talaga akong dalang kahit na anong gadget. Mas lalo na kapag sa Afitek, kaya ang reliance ko sa gadget kahit pa computer science student ako, hindi ganoon kataas.

Lumabas agad ang protective side namin ni Rico at inakbayan niya na si Patrick habang inilalayo sa barkada nina Duke at sa mga babaeng sumasayaw.

Ako naman ang umakbay kay Will kasi kahit anong gym nito ni William, hindi talaga 'to mahilig manakit ng tao.

Sa limang mababang mesang nakalatag, halos lahat, may mga coccaine na pinaparte-parte ng barkada ni Elton at ng ibang dancer doon.

Ilang beses kaming nagkapalitan ng tingin ni Calvin, kasi sa buong barkada, kaming dalawa ang mas exposed sa ganitong setup. Hindi kami durugista pero alam namin ang palakad sa ganito.

"D'un," pagnguso ni Jon sa dulong mesa na walang nakaupo. Mas okay para makaiwas sa buong barkada ni Duke na nagpa-party.

At iba talaga kapag nababanggit.

"Kompleto pala kayo, akalain mo 'yon." Lumapit sa ami si Duke na may hipak-hipak na marijuana. "Welcome sa stag party ko! Papakuha ako ng drinks para sa inyo."

"Okay lang kami, p're," sagot agad ni Calvin.

"Vin, bawal tumanggi. Alam mo 'yan." Ang talim ng tingin ni Duke sa amin at itinuro ang mesang itinuro nang una ni Jon. "Hanap kayo ng puwesto n'yo. Minsan ko lang kayo maaya sa ganito."

Kahit gusto kong papuntahin ang barkada sa ibang kuwarto, hindi kaya. Duda akong may papayag sa gusto ko.

"Pat, kaya mo pa?" tanong ni Rico kaya napatingin ako kay Pat na hirap nang huminga kasi kanina pa nakatakip sa ilong.

"Dude, kailangan mo ba ng inhaler?" tanong ko na. Inilingan ako Patrick bilang sagot.

"Nahihilo ako," sagot ni Pat at singhot na nang singhot. "Ang sakit ng sinus saka ulo ko, guys."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon