Chapter 40: Tricky Devil

1K 122 52
                                    

Ayan, hahaha sa mga waiting ng The Stag Party scene, based dito sa timeline, next year pa nito 'yon mangyayari kaya i-enjoy muna natin ang gangster era ni Clark hahaha. This chapter is dedicated to QuinKat na isa sa previous commentators last chapter. If na-dedicate ko na po ang isang chapter sa isang reader, bigyan natin ng chance ang iba. Ayern, enjoy reading!

♥♥♥






First day ng OJT, para akong wala sa sarili.

Pumunta ako ng office sa Ortigas para sa first day of duty.

Nakalimutan ko ang temporary employee badge ko sa bahay kaya pinagalitan ako ng guard. Kapag daw naulit, umuwi raw ako at bumalik na lang kapag may badge na. Binigyan tuloy ako ng visitor's badge para makapasok dahil kailangang may ma-scan silang barcode ng mga pumapasok sa building.

Pagdating ko sa pantry, nakabasag ako ng coffee mug ng isa sa mga employee roon. Nakatabig ko kasi nang mabitiwan ko ang water jug ko.

Tapos nang pinag-photocopy ako, sa dami ng in-explain kung paano ginagamit ang photocopier, wala akong ni isang natandaan sa mga 'yon, kaya nag-clog ang toner at namali ako ng lagay ng size ng papel sa paper tray. Hindi ko rin kasi napansing may sukat pala 'yon na dapat sakto sa size ng tray. Ang akala ko, basta papel na kasya, okay na. Kinailangan tuloy magpatawag ng technician para maayos agad.

Umaga pa lang, ilang beses na akong napagalitan. Pero kahit pinagagalitan ako, hindi ko pa rin nada-digest kahit ang sermon sa akin ng supervisor. Nag-sorry na lang ako tapos pinapunta ako sa back office para mag-stapler na lang ng mga file at mag-sort ng mga ishi-shred at itatabi pa rin sa archives.

Sa totoo lang, madaling-araw pa lang, gusto ko nang sabihin kay Tita Tess na hindi ako okay at ayoko munang pumasok. Kaso naisip ko, baka isipin ng mga tao rito sa kompanya niya, porke under niya ako, puwede na akong umabsent kahit kailan ko gustuhin. Nahihiya rin ako kay Tita Tess kasi napaka-strict ng mga tao rito sa building pagdating sa protocol tapos biglang pagbibigyan ako dahil lang kilala niya 'ko.

Hindi ko nga rin alam kung bakit wala ako ngayon sa mood. Siguro dahil inubos ko ang oras ko buong gabi kakaisip ng magandang sabihin kay Sabrina pero ni isa sa tinype ko, hindi ko nai-send sa kanya.

Bawal ang phone during office hours. Lahat ng gamit, nasa locker. Kaya nga bored na bored ako sa back office. Ang ginawa ko na lang, nagbasa ako ng mga papel na nandoon. At siguro nga, ganoon ako ka-bore para basahin isa-isa ang content ng mga ishi-shred na papel dapat.

"Certification of Legally, Peacefully and Orderly Execution of Search Warrant . . . whoah."

Mabilis kong hinatak ang box na pinagkunan ko ng papel na hawak ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang iba't ibang investigation papers doon.

Dumampot pa ako ng isa at binasa ang header.

"Booking and Arrest Report. Republic of the Philippines, Department of the Interior and Local Government, PHILIPPINE NATIONAL POLICE . . . shet."

Pinag-iipon ko ang lahat ng mga naroon. Pinaghiwa-hiwalay ko ang magkakaibang report base sa pages kung saan dapat sila.

Ang daming disclosures. May NPS Investigative Data Form, sworn statement ng complainant at mga witness, joint affidavit of arrest, medico-legal report, as stated evidence recovered, booking and information of the suspect, at ibang documents na related sa info ng biktima.

Inipon ko rin ang mga case folder ng ibang enclosures.

"Mendoza."

"Po?" Mabilis akong nagtaas ng ulo at gulat na gulat na tinakpan ng maraming folder ang binabasa kong crime report.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now