Chapter 1: From the Top

3.8K 159 85
                                    

Serving the teen OG Alabang Boys
Kapag pogi, kailangan talagang nakapaling ang ulo sa kaliwa hahahaha

Serving the teen OG Alabang BoysKapag pogi, kailangan talagang nakapaling ang ulo sa kaliwa hahahaha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



❤️❤️❤️

Ang first ever best friend ko, si Leopold Scott. Nag-aral kami sa iisang learning school sa Makati. Three years old, magkakilala na kaming dalawa. Nursery school, katabi ko siya sa mahabang monobloc table na color blue at kapalitan ko ng monobloc chair na may iba't ibang animal design. Kapag naagaw ang favorite chair niyang lion, makikipag-trade agad kami sa ibang classmate namin kapalit ng elephant o kaya giraffe.

Naging mag-best friend kami kasi nagpapagandahan kami ng laman ng notebook. Saka ka-share ko kasi siya ng Eggnog saka Bread-stix tuwing recess.

Writing practice, magsusulat ng alphabet. Pagandahan ng sulat, palinisan ng alignment. Kung ang ibang classmate namin, mula top paliko pababa ang linya ng lettering, kami ni Leo ang madalas makakuha ng excellent stars kasi organized kaming magsulat.

Talented—iyon ang tawag sa aming dalawa. Pagkatapos ng dalawang grading period, kaparehong taon, ina-accelerate kami sa kinder one kasi beyond na raw ang skills and knowledge namin para sa nursery.

Four years old, kinder one, ang batas ng panghapong klase, Ronerico Dardenne. Ang mortal naming kaaway ni Leo.

Ang saya ng buhay namin noong nursery pa lang kami pero gina-gangster kasi kami nito ni Rico. Siya yung batang lalaki na laging nakalabas ang kompletong Crayola kahit wala namang kokoloran sa notebook. Laging naka-expose ang pencil case niyang may car design at may second floor. Yung batang kung makaupo, akala mo, boss. Naka-de-kuwatro, nakakrus ang mga braso, at kung tingnan kaming lahat, parang mga hindi kami naliligo.

Pero inaasar siya ng iba naming classmate kasi may mata raw siya ng butiki. Kulay green kasi tapos kapag naiilawan, nagiging dark yellow. Kaya inaasar din naming siyang butiki.

Pero hindi roon natatapos ang rivalry namin. Mas matanda siya nang ilang buwan sa amin ni Leo kaya nga dapat daw siyang galangin ng mga taga-nursery kasi mas nauna siyang mag-kinder one. Ang kaso, wala kaming pake.

Writing practice, gaya ng nakasanayan, magsusulat, pero hindi na ng basic alphabet na ABCD. Words na.

Apple.

Bee.

Cat.

Dog.

Egg.

"Teacher, papa-check na po kami!"

Gaya ng nakasanayan, sabay kami ni Leo na nagpapa-check ng notebook. Pagandahan ng sulat, palinisan ng alignment, paramihan ng excellent stars.

Pagbalik sa upuan namin, binagsakan agad kami ng palad ni Rico sa table, kagat ang labi habang nakasimangot.

"Bakit finish na kayo agad?" reklamo niya sa amin ni Leo.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now