Chapter 75: Dream and Prejudice

1.2K 119 70
                                    

Ayan, meron pang bagong lineup for dedication. This chapter is dedicated to peachxbunny na tambay sa last chapter. Thank you sa pag-iiwan ng comment, enjoy reading!


♥♥♥


Unang January ko na . . . hindi naman feeling lost. Hindi lang siguro ako sanay kasi last year, ganitong panahon, nagre-research ako para sa thesis. Pagdating ng hapon, papasok sa school sa Manila, hanggang gabi na 'yon. May mga nakaka-date pa 'ko n'on para sa boyfriend-for-hire trip ko minsan na labas sa Red Lotus.

Uulitin daw ang launching ng site na proposal ko kasi may deliberation pang gagawin ang company para i-consider ang plan ko, especially ang daming kailangang i-revise. Hindi masama ang loob ko kasi nga, somehow, rejected ang project ko ng board. Ang kinuha naman nilang part ng presentation ko, yung wala sa original presentation ko—yung upgrade sa health science na gagawin ang research dito sa PH branch. Ang lakas ko pang mag-take ng computer science, sa health science din pala babagsak ang effort ko.

Pero, siyempre, gaya nga ng sabi ko, comsci ang tinapos ko, hindi nutrition. Nakaplano na tuloy si Rico na i-hire ng company bilang nutritionist. Licensed na siya, officially. Hindi na-celebrate ng barkada pero na-celebrate nila ng pamilya niya sa Denmark. Pero alam kong hindi niya ise-celebrate 'yon kasi ibig sabihin n'on, magpapa-under siya kay Tito Ric.

Kaya nga patapon na naman ang buhay ko ngayon kasi tapos na ako sa mga Dardenne. Wala sina Leo sa mga Brias, ipapasyal daw nila si Ky kaya wala akong mababantayan dahil kasama rin si Eugene at three days sila roon sa pupuntahan nila.

Napatambay tuloy ako sa Red Lotus kasi may office na si Dadi, nasa school na si Mami. Busy ang buong barkada kasi lahat sila, may mga plano talaga para ngayong taon.

"Mother Shin . . ."

"What?"

"Ang lungkot pala, 'no, kapag wala kang pangarap."

"What?" ulit niya sa mas mataas na tono, nalilito yata.

Kung may isang bagay man sina Dadi na ginawa na ayokong gawin sa magiging anak ko, 'yon na siguro ang sabihan siyang kahit ano ang gawin mo, basta maging masaya ka lang pagka-graduate mo.

"Alam mo, Mother, wala kasi akong pangarap. Sabi kasi ng parents ko, gawin ko lang kung ano ang magpapasaya sa 'kin pagka-graduate ko."

"And what? Hindi mo pa ba ginagawa?"

"Hindi naman sa hindi ginagawa. Ano lang siguro, nangangapa lang ako kasi graduate na 'ko. Hindi naman sa sinasabi kong mali ang ganoong mindset. Siguro, ayaw lang din nina Dadi na nagse-set ng expectations sa akin kaya lumaki akong walang expectations sa buhay. Kumbaga, huwag mong pakainin ang bata ng pressure para hindi sila pressured paglaki."

Pero gusto ko siyang pagsisihan ngayon, kasi naalala ko ang tanong dati ni Tita Tess na ngayon lang nag-sink in sa 'kin.

"What do you want to be when you grow up?"

"Hindi ko pa po napag-iisipan."

"You don't have a dream?"

"Gusto ko lang pong mag-enjoy sa mga ginagawa ko."

"So you don't have any."

"Mahalaga po ba 'yon?"

"You see? Wala kang pangarap. My son has. He knows what he wants, and if he wants it, he will have it."

"Oo nga po."

"And I want to support my son in any way it deemed fit."

Siguro that time, ang matapobre ni Tita Tess sa paningin ko para isiping wala siya sa lugar para sabihan akong wala akong pangarap. Kasi si Mami, may pangarap naman siya para sa 'kin. Maka-graduate ako at maging masaya sa buhay.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now