Chapter 69: Allegations

1.1K 108 44
                                    

Happy New Year sa lahat! Wala akong dedication muna ngayon kasi ayaw gumana ng mention kineme. Basta kitakits pa rin sa 2023! Sa mga hindi familiar sa story ng anak ni Clark at ni Sab, daan kayo minsan sa Cheesedog Was Here, tingnan n'yo na lang dito sa Wattpad account ko hehe Enjoy reading!

♥♥♥


Ayoko na sanang ma-involved kay Cheska dahil nga kay Rico, pero dahil quits na sila ng kabarkada ko, useless na rin naman kung ano pa ang isipin ko kasi engaged na siya sa iba.

Ngayon lang ako naging interesado kay Cheska mula nang malaman ko na siya pala ang nililigawan ni Rico.

"Duke came from a prominent family, dude," mahinang kuwento ni Calvin. "Alam mo naman kung gaano kalakas ang kapit ng mga 'yan."

"Taga-Dasma rin si Cheska kaya malamang, mayaman din siya, di ba?" tanong ko agad.

"Actually, yeah. But you know, iba ang mayaman ka lang sa maimpluwensiya ka. Tingin mo, Kyot?" biglang kausap niya kay Eugene na nakatitig sa kanya.

Sa bagay, may point din naman.

Inayos ko ang pagkakaupo ni Eugene sa kandungan ko. Nasa cabana kami, nagpapahangin kasi malamig ang daan ng hangin ngayon kahit maaraw. Ang mga magulang nito, tulog sa kuwarto kaya kami muna ni Calvin ang bantay.

"Walang lumabas na kaso ng sexual harrassment roon sa tatay ni Duke, 'no?" sabi ko, base rin sa na-research ko.

"Maraming allegations pero walang nagtuloy ng kaso. Ilang beses hinarang 'yon. Binayaran naman yung iba. Pero useless na rin ngayon kahit kasuhan mo pa kasi last year pa namang patay."

"Deserved."

Sayang. Hindi rin pala mabibigyang-hustisya si Cheska kahit kasuhan pa.

"Pero sana nagsumbong si Cheska, 'no?" sabi ko. "Kaya naman yata nilang labanan sa korte 'yon."

"Dude, alam mo, medyo gets ko kung bakit hindi siya nagsumbong."

Napatingin ako kay Calvin. Kahit din ako, gets ko. Isipin mo na lang, galing ka sa prominent family, biglang may rape case ka. Lalabas sa TV, may interviews, paulit-ulit ipare-recall sa iyo ang mga nangyari kada meeting sa mga authority.

Sa dami ng mga kupal na abogadong walang konsiderasyon—na isa sa mga dahilan ng inis ni Mami bilang babaeng abogado, yung rant niya madalas na itatanong sa kliyente, ano'ng naramdaman mo noong mga oras na 'yon? Nasarapan ka ba? Naulit ba? Ilang beses ipinasok? Tapos magtatawanan ang iba.

Nai-imagine ko si Mami na kahit sobrang kalmadong tao, kapag nabubuwisit sa mga kausap niyang antipatiko at sinasaling ang pagiging babae niya, sinasampal niya ng folder sa mukha tapos pinauulanan niya ng tanong na talagang pipitik sa ugat ng pagkalalaki ng kausap niya.

Once ko lang nakita 'yon noong bata ako—rape case din, taga-tribo na ni-rape ng konsehal tapos sa kanya idinulog sa women's desk kasi bihira ang abogado sa liblib—pero hindi na niya ulit ipinakita sa akin ang ganoong ugali niya. Alam kong nauulit niya kasi nababanggit ni Dadi, pero sure akong ayaw niyang nakikita ko ang monster mode niya. Magiging mabait siya sa 'kin maliban sa mga tarantadong nakakalat sa kung saan-saang lugar.

"Yung Ynares . . ." banggit ko habang nakatanaw sa malayo.

"Politiko 'yon," sagot ni Calvin

"Sabi nga rin ni Early Bird."

"Malakas din ang kapit n'on. Maimpluwensiya."

"Pansin ko nga. Dumaan ako sa third district kahapon, nagkakabit na ng mga banderitas niya. Kalaban yung mga Gallego. Tatakbo yatang congressman—" Bigla akong napatingin kay Calvin. "Weeeeyt . . ." mahabang sabi ko habang unti-unting nada-digest ang nangyayari.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin