Chapter 48: Aftershock

1.1K 125 65
                                    

Aksheli, bukas pa dapat ng tanghali itong update kasi malalaman ng boss ko na pa-Wattpad-Wattpad lang ako kapag nakita niya sa notif na may ud ako ngayon hahahaha pero wala kasi ako bukas ng tanghali since may inventory ako ng stocks kaya ngayon ko na ipo-post. Kapag nagtanong siya kung nasaan na ang files na ipinagagawa niya, sabihin ko na lang na kasalanan n'yo kasi pinipilit n'yo 'kong mag-update. Charot hahahaha

Eeeeniwey, this chapter is dedicated to angelpeach27 na isa sa tambay sa comment section at sa iba ko pang story mula pa noong unang panahon ko sa Wattpad hahahaha. Enjoy reading po!







♥♥♥


Gusto kong maawa kay Leo, pero malamang na awa ang huling-huli niyang hihingin sa aming barkada tungkol sa nangyari.

Masama ang loob ko. Malamang na buong barkada ang masama ang loob, pero tahimik lang kaming lahat nang bumalik kami sa apartment ni Leo sa Pembo.

Inasikaso ko si Patrick na dumudugo ang ilong, malamang na dahil sa usok ng shabu, marijuana, at yosi sa club.

Ang daming umiikot sa utak ko, pero kailangan kong asikasuhin ang barkada kasi hindi naman lahat, kayang karguhin lang ni Rico mag-isa.

Buong gabing tahimik ang apartment. Nasa sala lang kaming barkada maliban kay Leo na nasa kuwarto niya. Naglatag doon si Will at maagang pinatulog si Pat. Inaayos ni Rico ang kusina at mga ginamit doon bago kami magpahinga.

Nakatingin lang ako kay Kyline na kinumutan ni Calvin habang natutulog sa sofa.

Masama ang loob ko. Gusto kong kuwestiyunin ang sarili ko.

Saan ako nagkulang ng paalala?

Ano pa ang hindi ko nagawa na hindi niya naintindihan?

Saan sa salitang 'hindi ligtas' ang hirap na hirap unawain ni Kyline?

Kasi . . . common sense na lang!

Night club! May mga durugista sa loob! May mga dancer na posibleng magpositibo sa drug test! Napakadilim ng paligid, dulong-dulo, wala na nga halos napapadaan doon—sa labas pa lang, sasapakin ka na ng katotohanang walang ligtas doon sa lugar!

Bakit ka pupunta roon para mag-bunny girl?

Kasi wala kang pera?

'Tang ina, anak ka ni Adrian Chua, kung pera lang pala ang kailangan mo, isang tawag mo lang sa bangko, makakapag-withdraw ka kahit isang milyon pa!

Kaya bakit?!

Bakit kailangang mapunta roon ni Kyline?

Sa anong dahilan?

Hindi ko kasi ma-gets! Putang ina, kahit anong isip ko, hindi ko talaga ma-gets.

Mas madali pang unawain ang calculus kaysa sa ginawa niya.

Buong gabi, ang bigat ng loob ko. Lahat ng bagay na nangyari mula sa pagpunta namin sa gym ng Purok Siyete hanggang pag-uwi, kinukuwestiyon ko.

Gusto kong matulog pero hindi ako makatulog. Kada pikit ko, ang dami kong what if.

Iniisip ko na paano kung lumaban ako? Paano kung sinubukan ko kahit paano? Paano kung kaya naman pala naming pumalag? Ang daming regret na paulit-ulit na nagpa-flashback sa utak ko na siguro, siguro, siguro, ang daming siguro . . . na baka puwedeng hindi na umabot sa ganito ang lahat.

Hindi ko matanggap. Hindi ko rin alam kung kakayanin kong tanggapin ang nangyari—na palalampasin na lang namin kasi tapos na.

Ayokong hanggang dito lang ang lahat.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now