Chapter 85: Business As Usual

1.1K 114 64
                                    

Naintindihan ko si Patrick kung ang gusto niyang puntuhin ay ayaw niyang mapagod si Jaesie kaya nga ayaw niyang magtrabaho ang babaeng 'yon. Pero iba kasi ang nakikita ko sa hilatsa ng mukha ni Jaesie habang nakiki-third wheel ako sa kanila.

May pinapapak akong popsicle habang nakikipasyal sa kanilang dalawa. Last day na bukas ng Christmas bazaar dito kaya sinusulit na namin ang pagtitingin-tingin at pagbili ng kung ano-anong hindi naman talaga namin kailangan.

Nakikiramdam ako kay Jaesie kasi masaya naman si Patrick, pero itong kasama niya, halatang nagpipilit na lang ng sarili.

Kahit din naman siguro ako, sasama ang loob kung yung bagay na proud na proud akong sabihin sa 'yo, bigla mong ire-reject.

Hindi ko talaga makita si Jaesie biglang asawa ni Patrick. May mali talaga, e. Siguro kung si Leo ang kasama nito, baka mag-work. Pero imposibleng ma-dethrone si Kyline sa puso't balunbalunan ni Leo. Hindi rin puwede.

Ang daming bitbit na paper bags ni Patrick, para nga raw kay Jaesie, kahit pa nakailang, "Pat, hindi ko kailangan niyan. Saka ang mahal," itong isa.

Hindi ko na mabilang kung nakailang agree ako kay Jaesie ngayong araw. Baka kasi pareho kaming kuripot din, hindi nga lang siya buraot.

Peor i-credit ko nang masaya naman si Patrick habang magkasama silang dalawa. Tuwang-tuwa si gago kada bili niya ng hindi naman gusto ni Jaesie. Malay ko ba kung paano maging boyfriend 'tong ungas na 'to, napakahilig gumastos.

"Pat, sa restroom lang ako," paalam ni Jaesie.

"Sure! I'll wait here."

Pag-alis ni Jaesie, ako naman ang nagpaalam kay Patrick. "'Tol, mukhang okay naman kayo n'on," sabi ko, labas pa sa ilong. "Five na. Baka nasa office na yung kakausapin namin ni Leo. Doon din yata ang dinner n'on."

"Sure, sure! Ingat, bro!" Binigyan ko siya ng bro hug saka ko tinapik-tapik sa likod.

Papunta na ako sa pinag-parking-an ko ng sasakyan nang makita ko si Jaesie na nasa isang makitid na space ng dalawang building, doon sa tambakan ng mga trash bin at trash bag.

Mula sa puwesto ko, pinanood ko kung paano niya kunin ang nilukot niyang folder kanina sa bag saka itinapon sa trash bin na nandoon. Nakayuko siyang nagpunas ng mata saka tumingala, parang humihinga nang malalim. Pinalobo pa ang pisngi habang bumubuga. Nagpaypay pa ng mukha saka inayos ang suit niya. Pagpaling niya sa direksiyon ko, napatalikod lang ako saka kunwaring nagbubukas ng kotseng hindi naman akin.

Nagpili-pili pa 'ko ng susi na parang napakarami kong pagpipilian.

Sinubukan kong lumingon sa likuran at nakita si Jaesie na taas-noong naglalakad pabalik sa kung saan ko iniwan si Patrick.

Gusto kong maawa kay Jaesie pero pride ko ang tumatangging maawa sa kanya. Para kasing pagtatawanan niya ako kapag naramdaman ko 'yon.

Nilakad ko na lang ang papunta roon sa basurahan at palingon-lingon pang nilapitan ang itinapon niya.

Tuping-tupi ang folder, halatang sinulit ang pagkakapilipit.

Dinampot ko 'yon at inipit ko sa kilikili ko para itakas. Nagmamadali pa akong pumunta sa kotse ko kasi baka balikan ni Jaesie, malaman niyang ako pa ang kumuha.



♥♥♥



"Sole proprietorship?" tanong ni Leo habang ini-inspect namin ang business plan ni Jaesie.

Nakakailang note na kami at bilog doon sa summary pa lang. Hindi alam ni Leo na kay Jaesie 'yon. Wala ngang bakas na gawa pala ni Jae 'yon, e. Hindi rin kasi alam ni Leo ang buong pangalan ni Jae. Ang nasa folder, J.S. Rosenthal lang.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon