Chapter 64: New Connection

1.1K 111 68
                                    

This chapter is dedicated to clifordjohnjainarJmae07dienteHanaNabiHikonrnlzldjustjanssenhaella_sBubblyIciclesrosmacenalelecanequeenJD231woundedplatelet9teen9ty4starrybluebookwormLuiWa1

Enjoy reading po sa inyong lahat and happy holidays!

♥♥♥


Nag-usap ang kambal at mukhang mangangalkal nga talaga ng kaso tungkol sa nangyari noon na related sa mama ni Ky.

"Ano'ng sabi n'ong kambal?" tanong ni Leo, pabalik kami sa bahay niya.

"They wanted some info about Elton's group," sagot ni Rico. "Pero meron pa silang hinahanap na hindi ako familiar, but Calvin knew some of them."

"Dude, mas familiar pa yata si Clark sa modus nila," sabi ni Calvin.

"Sino raw ba?" tanong ko.

"Sina Joko," sagot ni Calvin.

"Uy, gago, hahaha!" Ang lakas ng tawa ko nang marinig ang pangalan ni Joko. "Bakit tinatanong ng mama ni Ky? Iimbestigahan nila?"

"She said she'll give us the reason pero dapat sure ang info," sagot ni Rico. "If we're decided to speak, bukas daw ang bahay nila, daan na lang daw kami." Napatingin agad siya sa 'kin. "You know something, dude?"

Nakangisi akong napailing. "Dude, delikado sina Joko. Pero friendly naman sila basta huwag mo lang tatablahin."

"Hindi ba delikado 'yon kung ilalaglag mo?" tanong ni Leo.

"Off-limits ako kina Joko, 'tol," sagot ko kay Leo. "Pero kung info, marami akong mabibigay sa mga Brias. Pero, siyempre, hindi libre 'yon."

"She said we can visit Kyline and Leo sa kanila any time," paliwanag ni Rico.

Makakabisita naman talaga kami any time sa mga Brias. Hindi magandang deal 'yon. Walang sense.

Si Joko, malamang na hindi direkta na si Joko na pusher ang habol ng mama ni Kyline. Taga-timbre kasi si Joko ng mga raid sa mga grupo-grupo. Mula sa mga station, para siyang runner na bubulong sa mga lider ng grupo. Titimbrehan niya kung sino ang susugurin, sino ang mga nasa updated wanted list, kailan ang raid, sino ang commanding officer. May direct connection siya sa lahat ng boss na nakakalat sa buong NCR at South Luzon.

'Yon ang trabaho ni Joko. Pusher din siya, pero mas kilala siya bilang informant sa underground. At malamang na 'yon ang habol ni Miss Brias dito. Informant din naman ako, pero ang pinagkaiba lang namin, high-end ang training ko. Si Joko kasi, hinasa ng kalsada sa pagiging tsismoso.

"May kakausapin muna ako bago ko patulan 'to," sagot ko sa kanila.

Si Mother Shin ang balak kong kausapin kasi malamang na target ni Miss Brias ang mga taga-Red Lotus, pero kailangan kong umisip ng palusot sa kapalit.

"Si Dadi, baka interesado siya sa brand ng bala na binebenta sa shop ng mga Brias. Baka puwede akong makakuha ng advanced orders sa kanila kapalit ng info," sabi ko na lang, kahit pa malamang na mga Brias pa ang mag-alok kay Dadi n'on kahit wala akong sinasabing kahit na ano.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now