Chapter 76: Dream House

1.1K 105 40
                                    

Chill chapter bago ang pagbabalik ni Sabrina next part hahahaha This chapter is dedicated to jenzen1991. Thank you for leaving a comment, enjoy reading po!

♥♥♥



 Napagalitan ako ni Tita Tess. Ayaw tuloy akong kausapin.

Hindi ko naman gustong i-invalidate ang pagiging biktima ni Cheska. Wala naman akong sinabing kasalanan niya kaya siya na-rape. Ang akin lang kasi, gusto ko lang namang malaman ang magiging reaksiyon ni Tita Tess kasi nga ang daming plano ni Rico para nga kay Cheska tapos biglang ganito.

Tapos gumatong pa ang sama ng loob ko na noon kay Cheska kasi nga may nangyari sa amin tapos hindi naman niya sinabing si Rico pala yung nanliligaw sa kanya. Kaso naalala ko, sinabi naman pala niya. Kahit bagong kita pa lang namin sa hotel at Cherry pa lang ang pagkakakilala ko sa kanya, inamin naman niya agad na may guy nga na umaasa sa kanya.

Masama ang loob ko siyempre. Hindi naman ako galit kay Tita Tess kasi siya nga ang galit sa aming dalawa. Masama lang ang loob ko kasi nagalit nga siya, e hindi ako sanay na galit si Tita Tess sa akin na talagang galit na ayaw akong kausapin. Huling ganito niya sa 'kin, noong sa Afitek pa.

Nagsumbong tuloy ako kay Mami pag-uwi.

"Mami."

"O?" Nakasunod ang tingin niya sa 'kin at nagtataka. "Bakit mahaba 'yang nguso mo?"

"Nagalit sa 'kin si Tita Tess." Naupo ako sa sofa kung saan siya nakapuwesto saka ako nahiga sa unan na kandong niya.

"Nagalit sa 'yo?" gulat niyang tanong. "Bakit?"

"Kasi, di ba, lumabas sa news kagabi yung rape case kay Cheska."

"Oo nga." Ipinatong ni Mami ang kamay niya sa itaas ng dibdib ko. "Ano'ng nangyari sa inyo ni Tessa?"

Nakatitig ako sa kisame ng sala habang inaalala ang mga pinag-usapan namin ni Tita. "Tinanong ko kasi siya kung disappointed ba siya kay Cheska."

"Disappointed siya? Bakit naman?"

"Kasi, di ba, may ganoong case pala si Cheska pero hindi n'on sinabi agad. Pina-TV pa."

Yung nag-aalalang tingin sa akin ni Mami, napalitan ng tingin niya kapag may ginagawa na naman akong kalokohan tapos hindi niya gusto ang susunod kong sasabihin. Nanliliit ang mga mata niya habang nakangiwi.

"Mami, hindi ko naman ini-invalidate ang pagiging victim ni Cheska. Ang iniisip ko lang, baka si Tita ang mang-invalidate ng nangyari kay Cheska. E, di ba, mahal na mahal 'yon ni Rico tapos biglang ganoon pala siya."

Hindi nawala ang dismayado at nanghuhusgang tingin sa akin ni Mami kahit pa dinedepensahan ko naman ang side ko.

"Clark, hindi ko nagugustuhan 'yang iniisip mong 'yan."

"Mami, pramis, hindi ko naman pinag-iisipan nang masama si Cheska. Iniisip ko lang kasi kung ano ang iisipin sa kanya ni Tita Tess saka ng mga kumare niya. Sila pa naman ang pinag-uusapan last year noong birthday ni Rico."

Hindi na talaga nawala ang tingin ni Mami na parang ang lumalabas sa bibig ko ang nakakadiri sa pandinig.

"Ganyan ba ang tingin mo sa Tita Tessa mo? Matapobre na mababa ang tingin sa mga gaya ni Cheska?"

Hindi ako sumagot. Gusto kong sabihing oo kaso baka lalo akong pagalitan ni Mami.

Ang nagger pa naman ni Tita Tess saka dapat gusto laging perfect. E, paano 'yon, hindi pala perfect yung dating nililigawan ng panganay niya.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now