Chapter 72: Compromised

1K 137 129
                                    

Ten days lang ako sa Denmark. Five days na mula nang makarating kami. Ang business meeting na kasama ako ay magra-run nang tatlong araw. Second day at hindi alam ni Tito Ric ang gagawin kasi first day, presentation ko sa beta program, sa upgraded website, at sa mobile app. Second day, presentation na nina Tito Ric at ng buong team niya, tapos third day, parang preparation sa annual review this year na sa February ang report at upcoming projects and launches para naman sa January next year.

Ang kaso nga kasi, nag-present ako ng wala sa presentation ko at wala rin sa presentation ng team ni Tito Ric. Ang problema namin, ang presentation ko, na-consider ng board for next year's plan. Originally, food and beverages lang sila. Hindi sila pumapasok sa supplements and vitamins—at 'yon ang nabanggit ko. Hinahanapan tuloy kami ngayon ng written reports and researches para doon.

"I'm not mad," depensa agad ni Tito Ric habang pare-pareho kaming nakatutok sa mga laptop namin. "I—" Kanina pa nawawalan ng salita si Tito Ric. Meeting na mamayang 7 p.m. hanggang 10 p.m. at wala pa silang naiisip na sasabihin sa board kasi nga nasabi ko na lahat kahapon at sumobra pa.

"But it was a good idea, and they are looking forward into it," sabi ni Tita Tess na kanina pa chill.

"The problem, Tessa, is—"

"The problem is your team's incompetence, Enrico," walang kaabog-abog na putol ni Tita Tess sa asawa niya. Napapasulyap tuloy ako nina Mami na nasa gilid namin at nakikisali rin kasi baka raw may maitulong sila legally and medically.

"My team prepared the reports," dismayadong sagot ni Tito Ric. "Come on, Tessa. Nabasa mo naman ang reports."

"Yes, nabasa ko, nakailang revision pa nga. But the Board was looking forward for innovations and all you could say was you are working into it."

"Because I am," sagot agad ni Tito Ric. "We are, right? We are working into it. We're under developments. It's just that naka-focus tayo sa upgrading ng sales at sa sustainability ng mga product—which Clark explained well. Hindi kasama sa report ang supplements."

"Pero nagustuhan nga ng board."

"And we're already in that dilemma at this moment, Tessa, my love. Huwag na tayong magpaulit-ulit pa. Basically, wala tayong written report about supplements and vitamins because that is not in our final plan before we headed here."

Ang cringe ko, hindi na nawala-wala.

Kasalanan ko, obviously. Pabibo kasi amputa. Naglatag ng wala sa plano; ngayon, wala talaga kaming plano.

"Anak, saan mo nakuha ang presentation mo?" mahinahong tanong ni Dadi, hindi naman ako pinagagalitan.

Napalipat agad ang tingin ko kina Tito Ric at Tita Tess na nagtatanong na rin ang tingin.

"Yung sa supplement saka vitamins po kasi, wala po talaga siya sa plano para dito sa presentation," paliwanag ko.

"Yes, that's it," segunda ni Tito Ric at itinuro pa ako ng nakalahad na palad. "You see?"

"Nakuha ko lang po ang idea kasi last year, nag-canvassing kami nina Ron at Will sa mga pharmacy kung puwede silang maging partner supplier ng supplements and vitamins sa itatayo sana naming gym para kay Will. Mangongontrata po sana kami sa kanila para kung sakaling may magtatanong na client na ano ang magandang vitamins o kaya supplements, may maire-recommend kaming brand. Pero ang naisip po kasi ni Ron, since manufacturer naman ang company nina Tita Tess, sila na lang ang gagawa ng supplements. Para hindi kami bibili ng vitamins kay Company A tapos food supplements kay Company B. E, hindi naman po lahat ng vitamins at supplements, compatible."

"Oh," 'yon lang ang narinig kong sagot kay Dadi, parang nagulat nang kaunti sa paliwanag ko.

"Nag-conduct talaga kami ng research doon," paliwanag ko pa. "Nagtanong kami sa mga pharmacist kung ano ang magandang combination ng mga puwedeng i-take ng mga client na nagpapapayat o kaya nagpapataba o nagme-maintain ng katawan."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now