Chapter 38: Piece of Advice

1K 114 83
                                    

Flood updates coz less work ako tudeeey, sa wakas, yawa. This chapter is dedicated sa ating first comment last chapter na si queenJD231. Thank you, thank you, thank you sa matiyagang pagbabasa! Enjoy reading, everyone!


♥♥♥



Nasa tabing-dagat kami, nagtayo ng bonfire sina Dadi habang katulong ko si Mami na mag-ayos ng malalaking marshmallow at graham crackers sa malaking bowl.

Lumubog na ang araw at mabuting April pa lang kasi hindi kami aabutan ng malalaking daluyong kahit pa high tide.

Nagpapaunahan kami kay Mami kasi sure nang ibe-baby niya ang madidikit sa kanya, pero pinagbigyan na namin si Pat. Siya tuloy ang yakap-yakap ni Mami habang sinusubuan ng marshmallow.

Ang nakadagan tuloy sa akin, si Will.

Si Padi, matic nang dinidikitan ni Leo. Magkatabi sila kasi paniguradong may sariling Q & A portion na sila mamaya.

Hindi killjoy sina Mami. Sa kanila ko namana ang social skills ko. Yung pag-adapt sa environment nang walang prejudice kaya hindi mahirap makisali sa usapan kahit na anong edad pa ang kausap.

Nagkukuwentuhan kami sa naging taon namin—minus the sugalan, Coastal, at casino part.

"Mabuti't pinayagan ka ni Bobby na bumalik ulit sa regular schooling," sabi ni Dadi kay Patrick.

"As long as I behave daw po, okay lang. And I did!" masayang sagot ni Patrick—kahit pa nakita namin ang pagbabago niya mula second sem noong second year. Ewan ko pero parang pinapangit niya ang sarili niya physically para lang tantanan siya ng mga nababaliw sa so-called kaguwapuhan niya.

Bad news, hindi naman siya pumangit. Nagmukha pang cool, sabi ng mga kaklase ko.

"Beynte anyos na kayong lahat, ano?" sabi ni Dadi.

"Si Rico po, 21 na," sagot ni Will.

"Ay, oo nga. Mas matanda ka nga pala sa kanila," sabi ni Dadi kay Rico na katabi namin ni Will. "Ganyang edad, ano na ba ginagawa ko n'on?"

Biglang natawa si Mami habang sinusuklayan ang mahabang buhok ni Patrick. "21 ka?" tanong pa ni Mami.

"Kasal na ba tayo n'on, 'Mi?" tanong pa ni Dadi na talagang sabay-sabay pa kaming napatingin sa kanya para magtanong kung totoo ba.

"Kung 21 ka, oo, kasal na tayo n'on."

"Ang bata mo naman, Mami!" reklamo ko agad. "23 ka n'ong pinanganak mo 'ko, di ba?"

"Yes. Nasa law school pa lang ako n'on. Pero may degree na 'ko sa PolSci noong ikinasal kami ng daddy mo."

Ba't hindi ko alam 'yon?

"Paano kayo nagkakilala ni Padi, Tita?" curious na tanong ni Rico, halatang isa ring tsismoso.

Sabay na natawa sina Mami at Dadi—at hindi kami maka-relate.

"Sinagasaan kasi ako ni Fernando," natatawang kuwento ni Mami.

"Hoy, Fernando Aloiseus Mendoza, ba't mo sinagasaan Mami ko!" malakas na sigaw ko kay Dadi sabay pamaywang.

"Hahahaha!" Humagalpak lang talaga ng tawa si Dadi habang hawak ang tiyan niya.

"Kakasuhan kita ng frustrated homicide!" dagdag ko pa.

Nahawa na lang ang barkada ko sa tawa ni Dadi kasi ang tagal bago siya natigil.

Sinagasaan ni Dadi si Mami tapos tawang-tawa pa? Sabog ba 'tong daddy ko at muntik nang pumatay ng tao—tapos mommy ko pa?

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now