Chapter 5: Genius

1.3K 137 66
                                    


Wala akong idea noon kung ano ang halaga ng "koneksiyon" sa buhay ng isang tao. Basta ang alam ko lang, kapag magkakilala ang dalawang tao, magkaibigan na sila. Ang benefits na meron sa pagkakaibigang iyon, wala pa akong malay.

Two weeks bago ang pasukan, nag-enroll na ulit ako para sa third year. Eksaktong araw na nag-enroll din sina Rico kasi Lunes.

Sa tagal kong hindi nakita ang mama ni Rico, parang natatakot na tuloy akong makita siya ulit.

Pagpunta namin sa tapat ng admin office, nakasalubong namin sila. Unang beses kong makita ang mama at papa ni Rico kasama siya.

"Clark!" Ang lakas ng tawa ni Rico saka tumakbo palapit sa akin. Hinatak niya ako papalapit sa parents niya. "Mum, Dad! He's the one I'm telling you! Clark, this my Mum . . . and this is my Dad." Ipinakilala niya ako sa kanila at wala akong ibang nagawa kundi mag-bow na lang nang walang sinasabi.

Nakatingin ako sa reaksiyon ni Ma'am Tessa pero pinagtataasan lang niya ako ng mukha habang nakataas nang kaunti ang kilay. Paglipat niya ng tingin sa itaas ko, lalo pang tumaas ang mukha niya at saka ngumiti nang matamis.

"Ah . . . Fernando, it's good to see you here!" masayang sinabi ni Ma'am Tessa paglapit nina Dadi sa akin.

"Mag-e-enroll din ang panganay mo ngayon?" tanong ni Dadi at nakipagkamay siya kay Ma'am Tessa at sa daddy ni Rico.

"Yes, we already gave the papers sa registrar's office," sagot ni Ma'am Tessa saka tiningnan si Mami na kinuha ang kamay ko.

"Nakausap mo na ang adviser mo, anak?" mahinahong tanong sa akin ni Mami pagtingala ko sa kanya.

"Opo, Mami. Nakapa-enlist na po ako sa section namin."

"Mabuti naman." Inilapit niya ako sa kanya saka niya ako niyakap sa gilid. Binati rin niya si Ma'am Tessa, "It's good to see you again, Tessa."

"Likewise, Pia," sagot ni Ma'am Tessa pero parang hindi siya masaya. Bumaba pa ang tingin niya sa akin tapos ibinalik niya ang atensiyon kay Dadi. "By the way, nalipat ka raw ng site, Fernando."

"Oo, diyan na ako ngayon sa Abendan."

"Good! Dito rin muna si Enrico habang nag-aaral ang mga bata."

Hindi alam nina Mami at Dadi kung kilala ko ba ang mama ni Rico. Wala rin silang alam na nakapag-usap na kami noon. Basta, ayoko siyang kausap kasi parang ang sungit-sungit niya. Hindi naman niya ako sinisigawan pero parang lagi siyang galit.

Inaya rin nila kaming kumain sa bahay nila pagkatapos naming mag-enroll sa school. Nakita ko tuloy ulit si Sabrina. 'Yon lang, parang dalawang buwan ko lang siyang hindi nakita pero mas naging chubby na siya. Kaya nga bigat na bigat na ako kapag nagpapakandong siya kasi ayaw na rin siyang kandungin ni Rico. Hinahampas siya sa mukha ng unan kapag nagpapakandong siya.

"Tambok!" Pinisil-pisil ko ang pisngi niyang siopao saka napakalambot. May kagat-kagat pa siyang Safari chocolate habang nanonood kami sa Cartoon Network ng palabas.

"Saan kayo nagpunta ni Kuya Ronie?" malambing na tanong ko sa kanya habang nakatitig sa paraan niya ng pagkain.

"Sa park."

"Maganda sa park, Langga?"

"Yes!" Itinapat niya sa bibig ko ang chocolate na kinakain niya. "Kaon ka, Kuya Clark," utos niya para pakainin ako.

Kinagatan ko naman 'yon saka siya hinalikan sa pisngi. "Thank you, Langga!"

Naninibago ako sa katahimikan ng paligid. Kaya habang tutok ako sa panonood, sa likod ng utak ko, parang may inaabangan akong sasabog anumang oras.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now