Chapter 57: The Abyss

1.1K 104 32
                                    

Ayan, salamat po sa mga nag-avail sa Ko-Fi at ng PDF file ng hidden chapter nitong kay Clark. May part 2 po iyon, and that was a scene with Sabrina naman. Naka-separate siya para hindi distracting sa POV ni Cheska ang pagpasok ni Sab sa picture. Sa mga interested makabasa ng kopya, available pa rin ito. Just send a request sa dreamcatchersplume@gmail.com. 15 pesos po ang 2-part special nito. Sa Ko-Fi, mababasa rin ito, just donate 1 dollar sa aking account. Sa mga nakapag-donate na, I have your email address so wait na lang po sa update ko sa part 2. One time lang po magbabayad, gaiz. Yung payment niyan, papagawa natin ng art for Alabang Boys tapos gagawin kong freebie poster para sa mga bibili ng book para may balik din sa inyo ang bayad hehehe

Anyway, this chapter is dedicated to jhoane0303 na isa sa mga tambay sa comment section last chapter. Salamat po sa pagbabasa at pag-iiwan ng comment! Enjoy reading po!

♥♥♥








Bombarded ako ng work at hindi ko na alam kung ano ang uunahin. Nagpapasalamat ako kasi inurong ni Uncle Bobby ang project ko sa kanya kasi may ina-acquire sila ngayong bagong project na kailangang i-prioritize. Walang heads na sasama sa akin sa bawat tour at babalitaan na lang daw ako kung kailan magiging available ang mga executive para mag-assist sa akin.

Pinagawa ko na sa mga tao ni Tito Ric ang pag-collate ng mga report na ie-encode ko na lang kapag nagsimula na akong mag-develop ng software. Ang sabi ng nakausap kong department head, hihintayin lang daw nila end of September para sa quarterly report nila bago ipasa sa akin ang lahat ng kailangan ko, which also means, September pa ako makakakilos . . . at July pa lang.

Ayokong i-indulge ang sarili ko kay Cheska kasi baka kapag sa kanya ko itinuon ang atensiyon ko, mas lalong magkaproblema. Gusto kong iiwas ang sarili ko sa kanya, at sinusubukan ko ring huwag magbanggit ng kahit na ano sa barkada tungkol sa kanya.

Kasi ang unang pumasok sa isip ko, kapag nagtanong ako tungkol sa kanya, automatic nang interesado ako. At kapag interesado ako, mas lalo silang mag-uusisa kung bakit ako biglang naging interesado samantalang nasa college pa lang kami, bukambibig na siya ni Rico.

Hindi muna ako bumisita kina Tita Tess sa takot na baka magkasalubong kami roon ni Cheska. Ang katwiran ko, busy ako, at ang dami kong ginagawa kahit pa ang dahilan kaya ako busy, naka-pending pa.

Para lang masabing may ginagawa ako, at para masabing hindi ako natotorete kay Cheska, inuna ko sina Leo at Kyline.

Si Ky, kahit naman anong kulit ko rito, hindi ako nito nagustuhan maliban noong hindi niya alam na ako pala si CJ. Mas okay na 'yon kasi alam kong may Leo na siya.

Hindi pa okay ang principal address ng lending company namin kaya hindi ako makausad. October pa raw yung bahay ni Leo. September naman ang turnover sa bahay na binili ko. Hindi ako puwedeng maglakad ng documents kung walang address kasi isi-CI pa 'yon kapag naglakad ako ng business permit.

Napansin din yata ni Rico ang pagbi-busy-busy-han ko kaya dinayo pa niya ako sa bahay namin sa San Lorenzo para lang makibalita. Gusto ko sanang idepensang busy nga ako kaso naabutan niya akong busy sa MOBA at nakahilata lang sa sofa sa sala.

"Ikaw lang mag-isa?" tanong ko at hindi talaga ako kumilos para lang i-welcome siya.

"I called Will, pupunta siya rito after niya sa session today." Komportable pa siyang naupo sa katapat na sofa at nag-de-kuwatro. "You said you're busy."

"Oo nga."

"You don't look like you're busy."

"Day off ko today. Alam mo namang ang dami kong nilalakad."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon