Chapter 61: Tiny Details

1.1K 124 36
                                    

Next na ang pag-uwi ng ni Mommy Linds hahaha gusto ko na lang mag-skip agad ng next chapter.

This chapter is dedicated to KatelyneBautista na isa sa mga reader last chapter na tambay sa comment section. Thank you so much sa matiyagang pagbabasa until sa part na ito, mhie! Enjoy reading!

♥♥♥




"'Tol, kaya bang i-rush yung bahay ko?"

Sa aming magbabarkada, si Leopold ang may pamilyang . . . hindi ko alam kung paano ipu-put up sa words. Hindi enough ang salitang broken para sa pamilya niya.

Nakilala ko pa ang totoong mama niya, si Tita Daphne, at siya ang Deonida. 'Yon ang alam kong mama niya mula pa noong kinder. Pero yung mama niya, sobrang bata pa that time. Noong kinder ako, parang nasa 26 or 27 pa lang sina Mami. Tapos ang mama ni Leo, parang nasa 20 pa lang. Para lang nahahatid ng kapatid niya si Tita Daphne tuwing nasa school.

Kilala sila ng pamilya namin, maliban sa best friend ko si Leo, tinutulungan nina Mami si Tita Daphne mag-support financially sa kanilang dalawa ng anak niya. Kung kailangan daw ni Mami ng assistant, puwede raw si Tita Daphne, mag-aayos siya ng mga document sa notary.

Sa tagal naming hindi nagkita ni Leo, hindi ko rin ine-expect na biglang si Auntie Filly na ang bagong mama niya, at kasama na niya ang papa niya na never kong nakita noong mga bata pa kami.

Pagbalik namin dito sa Manila, saka ko lang nakilala ang bagong pamilya niya—na pamilya rin naman niya talaga kasi kadugo maliban kay Filomena Vergara na umampon sa kanya at asawa ng daddy niya.

Sa aming magbabarkada, si Coach Wally ang hindi namin ka-close ang tatay. Ang papa ni Will, laging out of town naman kaya bihira naming makita.

Ayoko sanang mag-compare pero si Tita Liz kasi, pangalawang asawa ni Uncle Bobby, pero tatlong babae ang naanakan, bunso si Pat. Pero never ipinaramdam ni Uncle Bobby na hindi niya anak si Patrick.

Sobrang spoiled ni Pat, na ultimo si Patrick, lumaki siya sa ganoong nature kaya hindi siya aware sa degree of hardships na meron kaming magbabarkada outside his comfort zone. Kaya yung mild lang na situation sa kanya, severe na para sa amin. Kaya rin surprising na nakakapag-adjust pa kami sa isa't isa despite those differences na ang hirap i-manage pagdating sa social status at capacity to live in this environment.

Lumaki si Leo sa hindi okay na pamilya. There's something about the setup na hindi naging favorable sa kanya kasi sobrang fucked up ng setting na halos hindi nabuo in a proper way holistically ang kabarkada ko kaya wala siyang idea sa gagawin ngayong magiging tatay na rin siya.

Hindi man sobrang dalas, pero sinusubukan ni Dadi na maging tatay sa aming magbabarkada. Kung may hindi nagagampanan ang parents ng mga kabarkada ko, may initiative na sumalo ng role kung puwede at available sila.

Hindi perfect ang pamilya ko, pero masasabi kong lumaki ako sa healthy household. Lumaki rin akong empath, na 90% ng pain at struggle ko ay hindi ko mainly pain at struggle kundi pain at struggle ng ibang tao, at malaki ang parte ni Leopold doon sa mga pain na 'yon.

Gusto ko siyang tulungan kasi . . . alam kong ayaw niyang may naaawa sa kanya, pero naaawa kasi ako na nangangapa siya nang sobra sa isang bagay na never siyang na-expose doon. Masama ang loob niya kay Coach Wally. Hindi niya kahit kailan nakita ang daddy niya bilang ama. Na kung papipiliin siya ng tatay, hindi niya kahit kailan isasama sa listahan si Oswald Scott sa pagpipilian niya.

Kaya rin siguro hindi niya nakikita si Baby Eugene bilang anak. Laging kay Kyline ang focus niya kasi baka nakikita lang niya ang mga mama niya na dapat alagaan ng asawa. 'Yon ang hindi nagawa ni Coach Wally kay Tita Daphne at kay Auntie Filly, kaya rin baka doon lang ang atensiyon ngayon ni Leo.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now