Chapter 74: Out of the Blue

1.2K 133 90
                                    

Parang nabigyan ko na yata lahat ng dedication hahahaha sila-sila pa rin ang tambay sa comment sections. Pero happy ako na lampas kayo ng 40 na nabigyan ko na ng dedic.

Salamat po sa matiyagang pagbabasa, enjoy reading! Mukhang aabot nga talaga si Clark hanggang 100 chapters, yawa. Update ako mamaya sa Kiss of the Red Lotus or sa Cheesedog is Here kapag nagka-time pa.

♥♥♥

Siguro tumatanda lang ako? Kami? Isa ito sa pinaka . . . hindi naman malungkot, pero pinaka-gloomy na Pasko mula noong magkaisip ako.

Yearly, kahit gaano pa ka-busy ang parents ko, hindi puwedeng hindi kami magkakasama tuwing Christmas at New Year. Kahit pa nasa duty si Dadi noon sa ospital at tinatawagan siya para mag-opera ng mga biktima ng paputok, kung kinakailangang mag-Pasko kami sa ospital ni Mami, doon talaga kami. O kahit pa kapag si Mami naman ang naiwan sa bundok o kaya isla at hindi agad makabalik sa city, dadayo kami ni Dadi at sinasabi na lang namin na bakasyon na lang namin 'yon para kunwari Christmas adventure—kahit pa alam namin na hindi rin kayang mag-celebrate ng Pasko ng mga ipinunta roon ni Mami.

Ngayon kasi, bisperas, nasa bahay ako nina Mommy Linds. Nagse-celebrate pa rin naman sila, marami ngang pahanda kasi nagpadala si Tita Hellen ng mga pagkain, pero hindi rin sila nagtagal dito sa bahay nina Ky kasi pupunta rin sila sa ibang bahay pa.

Unang beses kong walang family picture kasama sina Dadi sa Noche Buena. Dati kasi, madalas, nakikidayo kami nina Dadi kina Rico. Tapos hopping kami sa kabilang street para naman kina Patrick kasi kapitbahay lang sila. Pero unang beses kong magkaroon ng family picture na unexpected ang family na kasama ko.

"Hiwalay" kasi sina Mommy Linds at Sir Adrian. Hindi ko lang alam kung legal ba ang hiwalayan o walang legal na kasal. Either way, walang makapagsabing masama ang loob nila sa isa't isa kahit ganoon.

Kasama ni Mommy Linds ang partner niyang si Gina. Kasama ni Sir Adrian si Tita Hellen na bago niyang asawa. Nasa magkabilang gilid namin sila tapos nasa gitna kami ni Leo nakatayo, sa harapan namin si Kyline na nakaupo sa dining chair habang karga si Baby Eugene.

Ang weird ng setup kasi hindi mo masabing broken family pero kumbaga parang puno na lumaki sa paso. Yung nag-ugat-ugat na lang at hindi mo na alam kung ano na ang mangyayari sa kanya kasi lumalaki na siya habang tumatagal.

Pagkatapos kumain nang kaunti, ibinalik na rin namin sa nursery si Kyline. Si Baby Eugene, pinaliliguan ko naman bago patulugin.

"Kaya naman namin dito, anak, sana dumoon ka na lang muna sa Switzerland," mahinanong sabi ni Manang, tinutulungan akong magbihis sa baby.

Napabuntonghininga ako at hindi ko alam ang unang isasagot; kung iko-correct ba siyang Denmark 'yon o sasabihing wala na, nakauwi na rin ako rito.

"Ayos lang 'yan, Manang. Para din may kasama rito si Leo."

Nasa mababang mesa kami na talagang inilaan para pagbihisan kay Eugene pagkatapos ligo. Si Manang ang tagaabot ko ng pamalit sa baby.

"Si William po, nasa family gathering ng mga Vergara," balita ko. "Pinasasama niya si Leopold sa kanya kaso ayaw rin ni Leo dumoon sa pamilya ni Auntie Filly kasi alam n'yo naman. Baka makarinig na naman siya ng kung ano roon sa pamilya ng step-mom niya, e baka masabihan na naman siyang anak sa labas. Hindi pa okay 'yan, e. Magdadagdag pa ba tayo ng pahirap diyan?"

"Kasama niya naman kami," katwiran ni Manang.

Idinaan ko na lang siya sa ngiti. "Ayos lang talaga, Manang. At least, kapag nagkita-kita kami next year, hindi lang siya yung mag-isang hindi kasama ang parents ngayong Pasko saka New Year."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now