Chapter 3: Well-raised

1.6K 131 78
                                    


Hindi ko masasabing competitive ako pagdating sa academics na nakikipag-neck-and-neck sa iba. Batang kalsada rin ako. Hindi ako pampered, wala kaming yaya, nagbabaon ako ng lutong pagkain, naglalakad papasok at pauwi ng school—napakalayo ng buhay sa mga napapanood kong pelikula.

Ang pinagkakaabalahan ko lang lagi, manonood ng TV saka ng rented movies sa Video City. At dahil lumipat nga kami sa Mindanao, hindi ko na kabisado kung saan makakakuha ng rentahan ng pelikula. Suwerte ko, si Mat saka si Rico, sa bahay nila, may mga VCD player.

Second year high school, si Rico ang pinakamatigas ang ulo sa aming mababarkada. Ang dami niyang gustong gawin araw-araw. Kapag may narinig siyang kakaiba, ngingiti siya nang sobrang lapad tapos tatanungin kami ni Mat kung go kami.

Ako, ayoko ng mga trip niya kasi sobrang delikado ng iba. Ang hilig pa niyang pumasok sa gulo. Sobrang kulit niya.

Isang beses, napatawag kami sa office kasi magkatabi ang CR ng girls at boys. Ang dingding n'on bilang divider, hindi abot sa kisame.

May trip si Rico na kapag pumapasok ang ibang classmate naming babae sa restroom, nagsasaboy siya ng tubig sa kabila hanggang sa may mabuhusan doon. 'Matic, may magbibihis sa kabila. Sasampa siya sa toilet bowl saka mamboboso.

Ayaw namin siyang suportahan ni Mat sa ginagawa niya, pero ayaw rin naman namin siyang mahuli.

Para sa isang tao na bata pa lang, exposed na sa human anatomy, hindi na appetizing sa mata ko makakita ng mga nakahubad na katawan. Ang una kasing pumapasok sa utak ko, yung eksena kapag inooperahan ang tao. Hindi traumatizing pero hindi mo rin mase-sexualize lalo kung ang papasok sa utak mo, mga bitu-bituka saka dugo sa loob ng katawan.

At siguro nga, iba ang nasa loob ng utak ko sa nasa loob ng utak ni Rico.

Si Mat, ayaw niyang makakita ng katawan ng babae sa restroom. Noong tinanong ko kung bakit, nagkibit-balikat lang siya. Pero mahilig siyang manood ng mga beauty pageant na maraming naka-bikini. Kabisado niya ang pangalan ng magagandang kandidata saka kung sino ang pinaka-sexy rumampa sa mga 'yon. Sa isip-isip ko, baka doon bumabawi. Marami naman kasing naka-bra at panty sa Binibining Pilipinas na puwedeng panoorin sa live TV.

Second year high school, ang naglalaban sa Top 1, sina Mat at Rico. Ako ang nasa Top 3. Kailangan ko lang i-maintain ang grades para hindi na masyadong mabigat ang babayaran namin sa school. Pero hindi iyon dahil ayoko ng competition.

Freshman year, Top 1 ako, Top 2 si Mat, Top 3 si Rico. Masaya kaming tatlo sa result kung tutuusin kasi healthy competition naman. Mas nag-perform lang ako nang maayos kaysa rito sa dalawa na inuna pa ang extra-curricular kaya medyo napabayaan ang exams at quizzes.

First grading period, ng second year, doon ko personal na nakausap si Miss Tessa Dardenne. Pinatawag niya 'ko sa isang opisina na hindi ko alam kung saan, basta sinundo ako ng puting van tapos dinala ako sa kanya.

Doon sa opisina, wala halos laman 'yon maliban sa office table na maraming nakakalat na gamit at doon sa dalawang upuan sa tapat ng mesa. Malamig din sa loob saka amoy pine tree na pang-air con. Para akong pinapasok sa principal's office at parang pagagalitan ako.

"Good afternoon po," nahihiyang bati ko sa babaeng nasa office table. Nakasalamin siya at natatandaan ko ang mukha niya mula noong una ko siyang makita sa learning center. Nakaputing damit lang din siya na parang pang-opisina rin.

"Take your seat," utos niya, ayaw akong tingnan, doon lang ang atensiyon sa mga papel na hawak niya.

"Salamat po." Naupo ako sa kaharap na upuan ng office table saka ako naghintay ng sasabihin niya.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now