Chapter 73: The Investment

1.1K 122 78
                                    

Ayan, wala akong dedicated sa last chapter kasi inaantok na ako nung nag-post kaya dito na lang ulit. This chapter is dedicated to mikgabrielle na ni-rumble yata ng basa ang ABS series kaya not sure ilan na ang na-unlock niyang mga revision-worthy part per installment hahaha Thank you po sa sipag sa pag-marathon, naol masipag. Enjoy reading!

♥♥♥♥



Gusto kong ireklamo ang nangyayari. Bakit?

Bakit hindi?

Kaya ako umuwi agad sa Manila, dahil kay Leo. Pero! Hindi ko sana mamadaliin kung hindi shady si Tita Tess.

Imagine na panay ang pilit niyang magpalipas ako ng araw sa Denmark kahit na ilang beses na akong tumanggi. Si Tito Ric nga, hindi na namilit, e! Sina Mami, hindi namilit! Siya lang!

So, ch-in-at ko agad si Rico na tawagan ako kapag online na siya kasi mahal ang international call.

Pagkatapos ko dinner kina Mommy Linds saka lang ako natawagan.

"Clark!" mabilis na bati ni Rico, pabulong pero parang pasigaw rin. Medyo madilim doon sa lugar niya, nakikita ko ang mababang ceiling—kung ceiling nga ba 'yon.

"Rico, 'tang ina, nasa flight na kayo?!" bati ko agad, pati ako napapahina rin ng boses kahit hindi naman kailangan.

"Dude, ang aga mong umuwi!"

"Natural, maaga! Kayo, bakit bigla kayong umalis?!"

"We book the flight agad kagabi para maabutan ka namin sa Copenhagen, come on! Bakit ang aga mong umalis sa Denmark? Akala ko ba, bukas pa? Nagpamadali pa tuloy ako kay Sab, sana ngayon na lang kami umalis para nakatulog pa 'to sa bahay."

Sa loob-loob ko, humahagulhol ako na walang luha. Yung tamang tantrums lang.

"Bakit hindi mo kasi sinabing pupunta pala kayo ni Sab sa Denmark!" sermon ko agad.

"Dude, surprise nga 'yan ni Mum! Plan pa niya 'yan last July! We'll celebrate the Christmas and New Year nga together kasama nina Tita Pia, e! Kaya nga kami nag-rush last night!"

"Bakit hindi mo nga sinabi agad?"

"May sinasabi bang surprise?"

"E bakit sinabi ni Sab, sa Manila lang?"

"That was just a clue na we'll have Sab with us! Not literally sa Manila, come on. I got too excited, I sent that chat kahit sabi ni Mum, huwag sabihin sa 'yo para nga surprise, but—whatever. Bakit ka ba kasi umalis agad? Leo's doing fine naman diyan, e. Sana nagtagal ka pa kahit two days lang!"

Naiiyak ako.

So, all this time, yung pamimilit ni Tita Tess . . .

"Si Sab?" tanong ko na lang.

Iginilid ni Rico ang camera at wala akong ibang makita kundi malaking bultong may taklob na makapal na kumot. Kung hindi ko alam na si Sab 'yon, mukha lang 'yong mga maleta at bag na tinambakan lang ng takip.

"She's sleeping. Gusto mong gisingin ko?"

"Huwag na, hayaan mo nang matulog. Baka pagod 'yan sa biyahe galing Amerika."

Haaay. Ayoko na. Ayoko nang hulaan ang mga plano ni Tita Tess sa mundo, natatalo ako.

Pinaliliguan pa ni Leo si Kyline. Naka-adult diaper ngayon si Ky kasi hindi pa okay ang tahi niya, hindi pa siya nakakakilos nang mabilis, kailangan niyang maging malinis lagi.

Wala pa sina Mommy Linds at Gina, si Manang lang ang katulong sa bahay.

Nasa sala kami, nakaupo ako sa single couch at nakatupi ang mga tuhod patapak sa inuupuan ko para salong-salo ang baby sa hita ko.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now