Chapter 13: Irresistible

1.2K 123 50
                                    


Nagbigay ako ng space para sa amin ni Sabrina kasi ayoko siyang masaktan pang lalo kung pipiliin niya ang mahirapan habang pinipili ako.

Bata pa lang ako, lagi na akong pinapipili ng mga magulang ko kung saan ako magiging masaya. Pero gaya nga ng lagi nilang sinasabi, may kaakibat na consequence o responsibility ang bawat option. At sa pagkakataong ito, hindi ako masaya sa desisyon ko, pero ayokong mag-risk.

Sanay akong gini-give up lahat ng nakapagpapasaya sa akin para sa happiness ng iba, kahit pa wala namang masaya ngayon sa pag-give up ko kay Sabrina.

Nasa airport kami. Nakatago ako sa likod ni Rico at pasilip-silip kay Sabrina na papunta na sa gate pasakay ng eroplano.

Ni-ready ko naman na ang sarili ko na baka malulungkot ako kasi . . . kasi ilang taon ko siyang kasama.

Ikaw ang nag-aalaga, ikaw ang tutor, ikaw ang kalaro, ikaw ang kasama kapag nagmemeryenda, minsan pati tanghalian at hapunan, tapos ikaw rin ang nagpapatulog.

Tapos biglang . . . wala na.

Habang nakatingin lang ako sa likod ni Sabrina, gusto kong tumakbo roon sa gate. Gusto kong mag-sorry tapos sasabihin kong sana maging masaya siya sa bago niyang environment. Yung sana walang mananakit sa kanya roon. Sana alagaan siya ng mga pinsan niya. Sana may mga laruan na roon kasi walang laruan sa bahay nila. Sana hindi na siya managinip nang masama, o kung sakali man, sana may kasama pa rin siyang matulog.

Nangingilid lang ang luha ko habang iniisa-isa ang paalala ko sa loob ng utak ko para sa kanya.

Ayoko siyang pigilang umalis kasi alam kong hindi siya magiging masaya kasama ko. Ang gusto ko lang, maging masaya na siya this time kasama ang ibang tao.

"It's okay, Clark." Niyakap na lang ako ni Rico saka tinapik-tapik ang likod ko.

Ni-ready ko ang sarili ko sa lungkot pero hindi ko ine-expect na sobra ang lungkot na mararanasan ko.

Nagkaroon ako ng separation anxiety at napansin agad 'yon ng barkada.

"Dapat kasi nagba-bye ka man lang," sermon ni Leo.

"Wala na, nakaalis na, last week pa," sabi ko. "Parang hindi mo nakita a."

Nasa outing kami at pinayagan na kaming mamasyal nang kami-kami lang, pero may driver/chaperon na kasama si Patrick.

Nakaupo ako sa rattan chair at kandong-kandong ko si Patrick. Hindi naman siya nagrereklamo, mukha ngang nag-e-enjoy pa.

"Maybe he's just missing her," depensa ni Patrick. Ultimo meryenda naming fries, sinusubuan ko pa siya. Siya lang kasi ang kaya kong i-baby sa amin.

Si Leo, sasapakin lang ako kapag tinangka ko.

Si Rico, kino-comfort naman ako pero kami ang nag-aalaga sa kapatid niya tapos siya ibe-baby ko, e di ang weird.

Si Will, kinakausap lang ako kapag nalulungkot ako. Pareho sila ng way ni Rico.

"Don't be sad, Clark. You can get over it," dagdag ni Patrick at sinubuan ko ulit siya ng fries para matahimik na.

Ang kalat ng schedule naming lahat. Summer pa kaya kapag wala kaming sari-sariling lakad, kami-kami rin ang magkakasama.

Graduating na ng high school sina Leo, Patrick, at Will. Si Rico, patapos na ng last year niya sa HRS. Ako, magte-take ng nursing, pero unang year lang. Kapag tapos na silang lahat, magte-take na ako ng bagong course at pinag-iisipan ko pa kung ano 'yon. Gusto ko kasing sabay-sabay kaming ga-graduate.



♥♥♥


ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now