Chapter 18: Good Deal

1.2K 119 70
                                    

This chapter is dedicated to Ate PenVelopPer28 na ating first comment last chapter. At super, super sipag magbasa ng update, ayern.



♥♥♥


Seven million pesos, wala kaming trabaho, at sobrang liit ng allowance namin kung itatabi sa milyon.

May savings sina Dadi para sa pang-school ko hanggang maka-graduate. Halos one-third doon, nagamit na mula noong elementary ako hanggang ngayong nag-take na naman ako ng pangalawang bachelor's degree program.

Sabihin na naming nasa isang milyon mahigit ang savings ko hanggang maka-graduate ako. Magkano ang isang sem, 70k. Isang buong year, 140k. Tapos may summer class pa 'ko. E yung 140k ko, si Tita Tess ang nagbabayad, e di summer class na lang ang binabayaran ko.

Pero hindi ko ibibigay kay Patrick ang isang milyon ko para lang tulungan siya. Hindi 'yon sa pagiging hindi mabuting kaibigan. Ang punto namin, nagdesisyon siyang mag-isa nang hindi kami kinakausap, hindi kinakausap si Uncle Bobby—binypass niya kaming lahat.

Laging nire-remind sa akin ni Mami mula pa noong bata ako na may mga bagay na ginagawa ang mga tao—intentional man o hindi. At doon sa mga ginagawang 'yon, may decision-making munang nagaganap bago 'yon mangyari. At kada desisyon, may consequences na dapat harapin. Kada ginagawa ng tao, may mga learning experience doon na dapat mare-retain sa iyo.

Ang akin, gusto kong matutuhan ni Patrick na itong pagde-decide niyang sobrang impulsive na 'to, malaki ang kabayaran—literal pa. At dapat matutuhan niya na hindi dahil meron kang maibibigay sa ibang tao, dapat ibigay mo na . . . lalo kung Lamborghini na naka-installment 'yon. Kasi walang matinong tao ang gagawa ng ginawa niya kahit pa gaano siya ka-confident bilang racer.

At sigurado akong hindi lang ako ang may ganiyang opinyon sa barkada.

Alas-singko y medya ng umaga, gumising na ako kasi ang ingay ng mga alarm kina Rico. Alas-singko y medya, kung kumilos ang mga tao sa bahay nila, parang alas-diyes na ng umaga. Hindi ko alam kung anong timezone meron sila roon basta ang aaga nilang magising.

Nakakabulahaw kaya lumabas ako ng mansiyon, naka-black cotton shorts, naka-T-shirt na faded cream, at sliders lang. Dumeretso ako sa pangalawang kanto na mas malapit sa entrance saka ako tumuloy ng pasok sa kabilang mansiyon ng dahilan ng sakit ng ulo namin.

"Tulog ka pa, Clark, a." Nginitian ko na lang si Ate Jocelyn nang makasalubong ko sa tapat ng fountain, nagwawalis.

"Si Uncle Bobby?"

"Nag-aalmusal na."

"Ayun, sakto! Salamat po!" Nag-jogging na ako papasok sa mansiyon ng mga Lauchengco. Dito, sigurado akong walang alarm kasi Zen mode silang lahat dito.

Ang mansiyon nina Pat, kumpara kina Rico, saktuhang minimalist sila. Mula sa front door, may malaking sliding panel bilang pinto—yung parang sa mga Japanese—kahit pa Chinese ang mga may-ari.

Pagpasok, ang dami nang mga Buddha at Chinese bamboo na naka-design sa hallway mula sa pinto. Yung pader n'on, puro paintings naman.

Pagdating sa dulo ng hallway, may malaking blangkong hall na at nandoon ang pagkataas-taas nilang kisame at parang may sariling compound sa loob ng mansiyon. Sa sobrang kinis ng marble na sahig, ang sarap mag-dive tapos magpapadulas na lang ako hanggang makarating sa dining area.

May spiral staircase sila sa kaliwang side na napakalapad at nakakahingal akyatin. Kaya nga may elevator din sila sa dulo ng kabilang wing ng bahay kasi bakit nga naman maghahagdan kung nakakapagod maghagdan?

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now