Chapter 20: Backer

1.3K 131 78
                                    

This chapter is dedicated to ShalaLuvv na first commenter last chapter. Salamat po sa pagtambay sa story ni Clark! Enjoy reading!


♥♥♥

Hindi ko alam kung ano'ng trip nitong Mother Shin na 'to at nakipagbugbugan sa 'kin. Ang sakit ng likod ko, pero hindi pa rin lumapit sa sakit ng likod na inaabot ko kapag may gym session kami nina Will. Literal kasing naghahampasan kami ng punching bag sa katawan tuwing nagpapayabangan kami.

Nakasalampak lang ako sa sahig habang iniisa-isang pitik paalis sa nakahayag na dibdib ko at sa kaliwang braso ang ilang hibla ng pancit canton na dumikit doon.

Naka-lock ang pinto, maya-maya pa raw bubuksan sabi niya. Nakaupo rin siya sa sahig—yung upong babae na magkapatong ang mga binti papaling sa kaliwang gilid habang kalmadong nakapatong sa kandungan ang magkabilang kamay.

Kung maupo siya nang pagkayumi-yumi e parang hindi binalak dukutin ang mata ko kanina gamit ang kutsara.

"Wala ka bang itatanong?" pagbasag niya sa katahimikan naming dalawa.

"Itatanong na?" tanong ko rin, pero tutok pa rin sa pag-e-evict sa mga hibla ng pancit na tumambay sa muscles ko.

"Kung sino ako."

Saglit akong natawa at sinulyapan siya bago ibinalik ang tingin sa braso kong nagmamantika.

"Ikaw si Mother Shin, di ba?"

"Naniniwala kang Mother Shin ang pangalan ko?"

Saglit akong umiling mula sa pagkakayuko. "Wala naman sigurong matinong nanay ang magpapangalan ng 'Mother' sa baby niya," paliwanag ko. "Saka hindi naman ako nandito para itanong kung Mother Shin ba talaga ang pangalan mo."

"Pero sa 'yo na nanggaling na makikipagkilala ka."

"Kapag hindi komportable ang kausap kong magpakilala o sumagot sa tanong, hindi ako nagtatanong. Okay na ako sa alam kong ikaw si Mother Shin at nandito ka. Nagpakilala lang ako kasi hindi ako nakapagpakilala kagabi."

"But you're asking for a favor, right?"

Doon na ako nagtaas ng mukha. Pero imbes na magseryoso, nanlaki lang ang butas ng ilong ko habang pigil na pigil ang ngisi. "Gusto kong maging honest, ha. Sorry agad kung makaka-offend ako, pero nakakatakot ka talagang tingnan, pramis." Saglit na kumunot ang noo niya, parang nalito sa sinabi ko. "Hindi 'yon sa kasi pangit ka, ha." Mabilis akong nagwagayway ng palad. "Maganda ka, pramis. Maganda ka, legit. Ano lang . . ." Pumaling-paling ang ulo ko sa magkabilang gilid, tinitimbang ang ipaliliwanag ko. "Hmm . . . basta, kamukha mo yung babae sa Chinese movie na napanood ko na patay na siya tapos binubuhay siya ng asawa niya using halamang-gamot. Tapos nahuli ng mga pulis ang asawa niya kasi akala baliw na kaso nasagasaan noong hinahabol nila. Tapos ang pinaka-plot twist, nabuhay pala talaga siya. Napanood mo na 'yon?"

Lalo pang nagsalubong ang kilay niya, hindi yata ako naiintindihan.

"Hindi mo pa napapanood?"

Umiling naman siya.

"Gusto mo, panoorin natin para ma-gets mo 'ko? Balik ako rito bukas, dalhin ko yung CD n'on. May CD player ka?"

"Meron."

"Ayun, sakto!" Pumalakpak ako nang isa saka itinuro siya. "Maganda 'yon, pramis! Naiyak nga ako nang dalawang drop of tears doon sa ending e! May dalawa pa 'yong kasamang short stories. Yung isa, tungkol sa dumpling na gawa sa fetus; saka yung isa, tungkol siya sa ghost barber shop. Mahilig ka sa horror movies?"

Saglit siyang tumango.

"Ako, mas gusto ko ng action saka sci-fi. Pero marami akong horror! Dalhan kita tatlong mapapanood bukas."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon